Chapter 8 Farewell

83 1 0
                                    

(Liam’s POV)

It was for me. Makapal na ang mukha ko kung makapal pero alam ko na para sa akin yung kantang yun. She wants to fix me but I don’t know if she’s the right person to do it. Ayokong gamitin siyang panikip butas. Importante sa akin si Maggie. Kahit hindi ko siya kayang mahalin ayoko pa rin siyang masaktan ng dahil sa akin. Ako mismo ang dapat umayos sa sarili ko.

Nakahiga ako ngayon sa kama habang tinitingnan ang plane ticket ko. Pupunta ako sa California. Dun na ako mag-aaral. Hindi ko na ata kayang magfocus pag nandito ako sa Pilipinas. Puro sakit na lang ang naaalala ko. Buti na lang mababait yugn mga pinsan ko dun sa Amerika at inapply ako ng scholarship sa school nila. I grabbed the opportunity kahit pinigilan ako ng  mga magulang ko. Sabi ni Dad, tapusin ko na daw kahit yung high school ko dito sa Pinas tapos sa Amerika na ako mag-college. Pero sabi ko  okay na din na sa Amerika ako mag high school para masanay na rin ako. In the end, wala pa rin silang nagawa. Bukas na nga pala ang flight ko. Wala pang nakakaalam sa mga classmate ko. Sabi ko sa adviser namin, huwag niyang sabihin hanggat hindi pa ako nakakaalis.

But I have to say good bye to HER I owe her at least a decent farewell. I took out my phone and texted her.

Send to: Maggie

Punta ka sa playground. 7pm.

(Maggie’s POV)

For the first time in 175 634 098 231 years, nagtext sa akin si Liam. ^_^

From: Liam

Punta ka sa playground. 7pm.

Hmmm. Bakit naman kaya? Kokopya kaya ito ng notes sa akin? Eh di dapat sinabi na niya na magdala ako ng notebook? At bakit sa playground?  Ah ang ambut!!!! Makapunta na nga.Nagpaalam ako kina Mama. At dahil nga magkababata kami ni Liam, eh kilala na nila ito kaya pinayagan naman nila ako lumabas kahit medyo madilim na basta daw umuwi ako agad.

Playground

Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga swing. Nasan na kaya yun? Sabagay 6: 30 pa lang. Pero ang lamig lamig na sana naman dumating na yun. Giniginaw na ako no. Biglang may nagpatong ng jacket sa balikat ko. Paglingon ko si Liam. He has a plain expression in his face. Umupo siya sa katabi kong swing. We just sat there.

*cricket. cricket. cricket.

Awkward silence. Grabe ang tahimk naman nito. Baka wrong send lang at hindi pala ako ang dapat niyang makita ngayon. Umalis na lang kaya ako?

“Maggie?”

Lumingon ako sa kanya at mukhang malungkot siya.

“Bakit?”

“Naalala mo dati yung binigay ko sa yo bracelet?”

“Oo. Bakit?”

“Lagi mo ng susuotin yun ha. Wala na kasi ako para bantayan ka palagi.”

“What do you mean wala ka na?”

“Aalis na ako for California. Bukas na ang flight ko.”

“Huh ? Bakit? Hindi pa nga tapos ang June ah! Akala ko ba dito ka magtatapos ng high school. Di ba nagpromise ka sa akin dati. Sabay tayo gagraduate tapos pupunta tayo sa Amerika. Nagpromise ka sa akin! Bakit ka aalis ngayon? Bakit mo ako iiwan?”

Tumutulo na ang mga luha ko. Ang daya daya naman niya eh.Nagpromise siya sa akin.Alam kong wala akong karapatan idemand sa kanya na huwag akong iwan. Pero kahit na, he’s the closest friend I have. Lumuhod siya sa harap ko at pinunasan ang mga luha ko.

“Sorry Maggie. But I guess some promise are made to be broken.”

Humagulhol na ako. Pinagsusuntok ko na yung chest niya pero mahina lang. Hindi ko kasi maintindihan eh. I know things are not doing good for him pero bakit naman kelangan nyang lumayo. Niyakap ako ni Liam.

“Sssh…Please stop crying. I hate it when you cry. Pinapunta kita dito para magpaalam sa’yo ng maayos. At gusto ko din sana magsorry sa’yo.”

Iyak lang ako ng iyak. Pero nakikinig ako sa kanya.

“Sorry kung sinigawan kita dati. Sorry kung nasusungitan kita. Sorry kung wala ako sa tabi mo nung kelangan mo ako. Sorry kung lumayo ako sa’yo. Sorry kung akala mo binabalewala kita. Sorry dahil hindi ko matutupad yung promise ko. Sorry sa lahat Maggie.”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Sasabihin ko ba sa kanya na huwag  siyang umalis dahil mahal na mahal ko siya. Pero huli na ang lahat. Hinayaaan ko na lang siyang yakapin ako. Nung medyo tumigil na ako sa pag-iyak umalis na siya sa pagkakayakap.

“Hatid na kita sa inyo.”

He held out his hands and I took it. Ito ang first time na magkaholding hands kami ni Liam.Dapat natutuwa ako at kinikilig pero ang lungkot lungkot ko talaga. Ito na siguro ang una at huling beses na mahahawakan ko ang kamay niya. Narealize ko na baka ito na rin ang huling pagkakataon na makita ko siya. Natakot ako na aalis siya nang hindi nalalaman ang nararamdaman ko. Tumigil kami sa dapat ng bahay namin. Eto na sasabihin ko na.

Vroom. vroom. vroom.

May dumaang naglalakihang mga truck na maraming karga.

“Liam, Iove you.”

vroom. vroom.vroom.

Napakinggan kaya niya? Kasi ako mismo hindi napakinggan ang sinabi ko. Tumingin ako kay Liam. Plain lang ang expression niya.

vroom. vroom. vroom.

“Ha? Anong sabi mo? Ang ingay kasi.”

vroom. vroom . vroom.

Pagdaan nung mga truck tahimik na ulet.

“Ha, ano sabi ko. Take Care!”

“Ganun ba Maggie, sige good night and goodbye.”

He kissed me on the forehead and left.Siguro nga hindi niya napakinggan, bwisit kasing mga truck na yan. Dumaan pa. Pero siguro hindi na nakatadhanang malaman niya pa yun.

(Liam’s POV)

Dito ako ngayon sa airport habang hihintay ang flight ko. Kagabi pa ako hindi makatulog. Inisip ko yung sinabi sa akin ni Maggie kagabi.

“Liam, I love you.”

“Liam, I love you.”

“Liam, I love you.”

“Liam, I love you.”

“Liam, I love you.”

“Liam, I love you.”

“Liam, I love you.”

“Liam, I love you.”

“Liam, I love you.”

“Liam, I love you.”

“Liam, I love you.”

“Liam, I love you.”

Hay, buhay parang life. Sa totoo lang hindi ko alam ang naramdaman ko noong sinabi niya yun. Oo, natuwa ako kasi may nararamdaman pala si Maggie para sa akin. Pero nalulungkot rin ako kasi ang mali ng timing. Kung kelan ako lalayo dun ko lang nalaman. Bakit di niya kasi sinabi sa akin dati? Sabagay ako din naman ang may kasalanan.Palaging ibang babae na lang ang tinitingnan ko. Eh nasa tabi ko na pala ang babaeng matagal ng nagmamahal sa akin ng totoo. Hay,bakit ba kasi ngayon ko lang narerealize ang ganitong mga bagay kung kelan huli na ang lahat? Ang tanga tanga ko talaga.

“Passengers for flight number 2451. The plane is now ready”

“Passengers for flight number 2451. The plane is now ready”

“Passengers for flight number 2451. The plane is now ready”

Yun yung flight ko. Oh well, there’s no turning back. I need to fix myself first to be worthy of her love. When I come back, I will be a much better person. For now, I hope she finds her happiness.

UPS AND DOWNS OF HIGH SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon