Chapter 16 A Night With You

66 1 3
                                    

(Maggie’s POV)

It’s just a regular Thursday afternoon. Nandito ako sa computer lab namin. Nag-eencode ng list ng mga teacher na may birthday ng  August.  Yeah it’s August. After three months, marami-rami na rin ang nangyari.

Nagkaroon na rin kami ng first periodical test. At natapos na rin ang pasakit ng Investigatory Projects namin. (Wohoo!! party! party!)

Update naman kay Miko at Joey, hindi pa sila. But Miko will wait as long at it takes daw.

Si Gummy naman  medyo magulo ang lovelife kaya single muna siya ngayon.

Si Gabby, she’s been sick lately. Pero papasok daw bukas.

Si Heidi, excited pa rin kasi nalaman niyang may concert ang Chicosci, kahit sa April pa gaganapin.

Si Brent na may gusto kay Joey, ayun sumuko na ata, pero one time nasabi niya sa akin na may nakilala siya. Good for him.

Hay, sa wakas natapos na rin ako sa pag-encode. I’m sure past 5 na at kelangan ko ng umuwi. I shut down the computer and looked at the guy sitting at the back of the room. He’s typing news for the school paper. He looked at my direction and smiled.

Bakit masyado kasing mabait itong si Skye. Ako, na walang inisip kung gaano siya kayabang at ka-superior sa akin.   Tapos ito gaganti niya, ngingiti siya? Kaya bad mood ako dito eh, feeling ko ang sama kong tao pag katabi ko siya.

Umalis na ako at saktong naglalakad palapit ng pinto nang biglang namatay ang mga ilaw.

Brown out!

Oh well, pauwi na din naman ako. Pumunta ako sa pinto and I turned the knob pero ayaw nitong gumalaw. Then suddenly may kamay na pumatong sa shoulder ko.

“Aah!”

“Relax, it’s me.”

I sighed heavily and stare at him. Kahit na madilim kita ko pa rin ang mga mata niya. Ang weird noh? Malinaw ba ang mga mata ko o sadyang makinang ang mata niya? Anyway.. he broke the silence.

“May problema ba?”

“Huh, ano kasi, ayaw mabuksan nung pinto.”

“Talaga? Sigurado ka?”

Tumango ako. He held the door knob at nakalimutan kong nandun pa nga pala yung kamay ko. I felt somekind of electricity when his skin touched mine.And then a warmth rush through my cheeks, I feel like I’m blushing. Buti na lang madilim. I removed my hand from the knob.

“I’m sorry.”

He turned the knob and pushed the door but it won’t budge.

“Looks like we’re stuck here.”

“Huh?Bakit? Wala na bang ibang tao sa school? Anong oras na ba?”

“Well, sabi ng relo ko, 6:14 na.”

“Ha?  let’s just call for help. Tawagan mo yung school guard.”

“Not a good idea. Wala ng battery yung phone ko. Yung sa’yo?”

“Wala akong phone.”

“Seriously?”

“Meron pero hindi naman ako mahilig magtext kaya most of the time Mama ko ang gumagamit.”

“Sayang hindi pala kita matetext.”

May binulong si Skye pero sobrang hina kaya hindi ko napakinggan.

“Ha?”

“Wala, ang sabi ko paano kung may group work, paano mo nalalaman yung meeting place?”

UPS AND DOWNS OF HIGH SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon