Chapter 20 Eight..seven...six...five...four..three..two and one.

38 2 0
                                    

(Skye’s POV)

Today is Tuesday. Kararating lang namin galing Palawan kahapon. If you’re wondering kung ano naging results, well it was good news for the school. Marami din naman nanalo. Yun lang hindi ako kasama sa mga yun.

Medyo nakakabanas! Though masaya ako dahil sa good news nila sa akin kahapon…Hindi pa rin mawala ang disappointment ko , dahil siguro kasali sa nanalo si Miranda at natatakot ako na baka sa next grading magkatotoo yung sinabi ni Maggie nung nakulong kami sa computer lab. Oh I hate myself!  But I promise..I’ll try my best to do better next year.

Nawala ako sa trance ng pag-iisip ng biglang may announcement ang MAPEH teacher namin na kinagunaw ng mundo ko.

“Okay for this  Second grading period your project for Arts is to create an Aerobic Dance exercise. I will group you into five and this will be presented two weeks from now. So  I guess that will be an enough time for you to prepare.”

Nagkaroon ng commotion sa room. May mga nagbulungan. May mga simulang magprotesta. Yung mga ibang lalaki naman halatang halata ang pagkadismaya at isa na ako sa mga yun.

“Children, keep quiet.  I will now announce the members of  Group 1. Skye Hyde,

Naman! Group 1 pa talaga ako sana magagaling yung kagroup ko!

Camille Suarez…

Si insan! Magaling sumayaw yan!

Jenny Cayetano…

Yes! Si Jenny! Magaling din yan! Mukhang sineswerte ako ah!

Also  Elizabeth Tuazon, Mae Ann Benitez and Greg Madrigal…

Wow! Ang swerte ko talaga!

Oh and finally… Margaret Gonzales.

Tumingin ko ako sa kanya pero di siya tumitingin.  Ineexpect ko na na mabibwisit ito sa akin. Palagi naman yan ganyan eh. Parang ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya. Eh wala naman akong ginagawang masama sa kanya diba? May atraso ba ako sa kanya? Wala. Pero minsan naman ang bait niya katulad nung nasa computer lab kami. Wait, naging mabait ba siya nun? HINDI. pero mukhan siyang mabait nung natutulog siya. OH SHET!!!  SKYE ! SNAP OUT OF IT!

Tumingin na rin siya sa akin. At unexpectedly tumawa siya…

“HAHAHA! Hindi ako marunong sumayaw! Good luck na lang sa group natin.”

UPS AND DOWNS OF HIGH SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon