Chapter 11 Coaching

59 1 0
                                    

(Part 1)

That afternoon…

Last period namin ang Biology.  Branches of science ang topic. Naisip ko pa rin yung nangyari sa amin ni Maggie kanina sa library. What was that? why can’t I let go of her hand? Is there something wrong with  me? Am I falling for her? No, this can’t happen.

“Skye, do you know the answer?”

Huh? Ano daw? Answer saan? I stood up.

“Umm… The answer is…”

Teka ano ba yung tanong. Napansin kong umuubo sa tabi ko si Maggie.

“Carolus  *cough… Linnaeus *cough… Father * cough… of Taxonomy *cough…

What is she doing? Is she giving me the answer? Tiningnan ko yung teacher namin, mukhang hinihintay niya yung sagot ko.

“Umm. Carolus Linneaus, Father of Taxonomy.”

“Yes, that’s correct.

I sat down.

“Thanks.”

“Huh?”

“For helping me.”

“Huh? Inuubo lang ako.”

“Fine. Nevermind.”

Bakit ayaw niyang aminin na tinulungan niya ako? What’s wrong with her? Eh obvious na obvious naman. Sheesh. I can’t understand girls.

(Maggie’s POV)

Okay anong problema mo Margaret Gonzales? Sinabi mo yung sagot sa kanya, nag-thank you siya, bakit hindi mo pa in-accept yung thank you niya? Simpleng you’re welcome lang hindi masabi, nagdeny deny ka pa! Tsk.tsk.tsk. Ano ba talaga problema sa akin?

Hindi pa rin maalis sa utak ko yung nangyari sa library kanina! I never felt like that before not even for Liam. Nilagay ko yung unan ko sa mukha at saka nagsisigaw.

“Aaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!! Bwiset!!!!!!!!!!!!!! Bakit mo ginugulo ang utak ko!!!!!!!”

Kinuha ko yung mp3 ko at sinalpak ang earphone sa aking tenga. Stars by Callalily ang tumugtog. This is one of my favorite songs pero pagdating sa chorus.

“If only you could hear me shout your name,

If only you could feel my love again

The stars, in the SKY will never be the same

If only you were here.”

Anak ng tinapa! Mapaltan nga.

Pagkatapos ng ilang songs, ginutom ako. Kumuha ako ng pagkain sa may kusina.

Hay, nasan na ba mga pagkain dito.

“Ano hinahanap mo dyan anak?”

“Makakain po.”

“Ah ganun ba, may SKYflakes dyan sa may mesa. Kainin mo na.”

 “Ah, huwag na po, nawala na yung gutom ko.”

“Ah ganun ba sige.”

Paakyat na ako sa kwarto ko ng tawagin ako ng Papa na nagsasagot ng crossword sa dyaryo

“Anak ano nga yung English sa langit?”

“Sky po.”

“Ha ano kamo?”

UPS AND DOWNS OF HIGH SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon