Chapter 10 IP IP IP

84 1 0
                                    

(Maggie's POV)

Bago mag-end ang last week ng June, nag-announce ang research teacher namin ng isang kagimbal-gimbal na balita.

“Class! Can I call you’re attention!”

As if hindi pa kami nakaharap lahat sa kanya.

“Okay, for you’re project this grading period. You are REQUIRED. I repeat REQUIRED …”

Paulit-ulit? unlimited ka Sir?

“....to make an Investigatory Project about anything you want. You can do it individually or by group.  And..”

“Sir?”

“Yes, Danny Tamayo?”

“Kahit ano po talaga?”

“Oo. Pwede shampoo na gawa sa itlog, o kaya pampakinis na balat, kung gusto niyo pampaputi ng singit.”

Nagtawanan  kaming lahat. Hay, si Sir talaga.

“ Basta five chapters at by.. anong date ngayon?”

“June 29 po.”

“Okay, on August 13 you have to pass your project to me. Lahat nga pala ng project nyo ay isasali ko sa Division Science Fair. At kung sino manalo ay magpo-proceed to Regionals sa Palawan. "

"Wow. Palawan!"

"Uy, maganda daw dun."

"Okay, class good luck and the next two weeks you will be having your research work in the library."

Lunch Time

Tok.tok.tok.tok.tok.

Kanina ko pa pinupukpok yung utak ko sa pader. Aaaahhhhhh!!!!!!!!!!!! Wala ako maisip!!!!!!

Kamote naman oh! Bakit kasi kelangang required pa! Tapos pag hindi nagpasa siguradong bagsak ang makukuhang grade!

Sino ba naman kasi ang nagpasimuno ng IP na yan! Ang sarap bugbugin at isilid sa sako. Sabay itapon sa rumaragasang ilog! Bwahahaha!!!!!!!!!

Pumasok na ako sa loob ng room at pag-upo ko napansin ko na natanggal pala yung pagkakadikit ng assignment ko sa arts. Binuksan ko yung bag ko para kumuha ng glue.

 Anak ng tinapa! Wala nga pala akong glue! Nagtanong-tanong naman ako sa room.

"Angel, uy may glue ka?'

"Wala."

"Ikaw, Sienna?"

"Nope."

"Patrice, Helena, Joey, may glue kayo?"

"Wala."

"Kamote! Naghihirap na ba ang Pilipinas at walang glue?"

May biglang pumasok sa akin na bright idea! Bigla naman akong napatawa ng malakas.

"Hahahahahaha! Alam ko na! Hahahaha! Ang galing ko talaga! Hahaha"

"Oh, anong nangyari dyan?" - Angel

"Ewan, nabaliw na ata"- Sienna

"Oy, bigyan nyo na nga ng glue yan para bumalik sa katinuan!" - Reese

Hindi ko na sila pinansin at bumalik sa upuan ko. Aba, pagbalik ko may glue na sa upuan ko! Ano 'to magic?

"Wow, kanino naman galing ito? Kung sino ka man, thank you"

Pagkatapos kong gamiti nilagay ko sa Lost and Found box, nag-iwan din ako ng note, hindi ko kasi alam kong kanino isasauli eh.

Pero salamat sa glue na yan, at nagkaroon na ako ng idea sa IP ko.

UPS AND DOWNS OF HIGH SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon