Chapter 21 It's just acting....or is it?

51 2 0
                                    

(Gabby’s POV)

Hello everyone! I’m Gabriela Ocampo. Bestfriend nina Maggie, Gummy, Joey at Heidi. Most of the time absent ako because of different health conditions. Buti na lang ngayon, medyo okay ako. First class namin sa hapon ay Values Education. One of my favorite subjects!  Syempre kasi praktikalan lang ang lahat ng tanong at isa walang mga formula na kelangan sauluhin.  And another reason ay magkasama kami nina Heidi at Maggie sa isang group.

“Ang lesson natin ngayon ay tungkol sa pinagkaiba ng pakikipagrelasyon noon kumpara ngayon. Bahala na kayo kung paano ninyo iprepresent. Okay go to your groups.”

Siyempre gumana na naman pagiging director ni Maggie. Labas sa bibig niya yung iba’t –ibang ideas. Ayun brainstorming lang kami. Dahil nga sa ang galing mag-explain ni Maggie kung paano gagawin, hindi na kelangan ng script. Adlib na lang daw gawin namin para mas believable.

Kami ang unang nagpresent.Tawa sila ng tawa dahil sa rom/com scenes naming ni Dan. Oo kami magpartner dito. Oy ha! Walang malisya! (0________0)

Pumalakpak silang lahat pagkatapos ng play namin. Sunod naman yung group nina Gummy. Sa play na ito, sila ni Miko ang magpartner.

“Megumi, hindi ko kayang mabuhay ng wala. Gagawin ko ang lahat, wag mo lang akong iwan.”

Habang pinapanood ko sila. May naramdaman akong strange. May something sa mga mata nila na parang ramdam mong totoo silang nagmamahalan.  Oh my gosh! Is it possible na na-inlove sila sa isa’t-isa? Pero paano si Joey?

“Aiyyeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!”

Kakaisip ko, hindi ko napansin na ibang eksena na pala at magkahawak naman sila ngayon ng kamay. Bigla akong napatingin kay Joey. Pinapanood niya sila. Normal lang expression niya. Pero hindi matatago sa mata niya na malungkot siya.

That night...

Tinext ko si Miko. Believe it or not pero close kaming dalawa. Close kasi parents namin. Lalo na yung mga nanay namin. Magkalaro na kami ni Miko nung bata pa lang kami. Pero hindi ko na siya ulit nakita nung magsimula akong mag-elementary kasi magkaibang school ang pinasukan namin.

“Hoy!”

“Hoy rin!”

“Nakita kita kanina!”

“Alangan! May mata ka eh!”

“Loko! Ibig kong sabihin kung paano mo titigan si Gummy kanina.”

“Oh? Anong masama? Acting lang naman yun eh!”

“Acting lang nga ba?”

“Oo. Ang kulet!”

“I don’t believe you.”

“Eh di wag! Bahala ka na nga dyan! >:( ”

Oh di ba? Sabi sa inyo close kami niyan eh!

(Miko’s POV)

Hindi na ako nagreply kay Gabby. Acting lang naman talaga yung sa amin ni Megumi kanina. Siyempre dapat titigan para mas kapanipaniwala di ba? But hindi ko madedeny na mabilis ang tibok ng puso ko kanina habang tinitingnan ko siya. Yung mata niya. Parang hinihila ako at dinadala sa kawalan.

YUCK! ANG GAY KO! LECHE!

 Nadala lang ata ako sa eksena kaya nga nahawakan ko yung kamay niya kanina kahit wala yun sa script.

 Acting lang ang lahat.

Acting lang ang lahat.

Acting lang ang lahat.

Acting lang ang lahat.

Acting lang ang lahat.

Acting lang ang lahat.

Acting lang ang lahat.

Acting lang ang lahat.

Acting lang ang lahat.

Acting lang ang lahat.

Pero acting lang nga ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UPS AND DOWNS OF HIGH SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon