Chapter 18 Torpe

45 1 0
                                    

(Dan’s POV)

Hi! Ako si Daniel Torres. Dan tawag nila sa akin. Nagpromise kasi si Ms. Author na lahat daw kami bibigyan niya ng POV kaya eto! meron ako! Yehey! Thank you Ms. Author! :)))))) Dito ako sa may pinto. Naglalaro ng PSP habang nakikinig kina Skye at Gummy. Siguro gusto niyo nang malaman yung sasabihin ni Master Skye noh? Oh sige na nga, eto na.

“Megumi”

“Ano yun?”

“Ahh.. I…

………………….. wanted to thank you para sa minicake nung birthday ko. Sige mauna na ako.”

Haist. Akala ko pa naman aaminin na itong si Master Skye. Tsk.tsk.tsk. Torpe rin pala ito kahit matalino. Wala palang pinipili ang katorpehan ano?

Hindi ko lang maintindihan. Single naman si Megumi. Single si Master Skye. Eh pwedeng-pwede naman maging sila. Naalala ko nga nung 1st year kami. Ang lakas ng amats ni Master Skye kay Megumi.

May assignment kasi kami nun sa Values Educ. Magbigay daw ng sulat sa important person sa  buhay mo. Siyempre ang usual na isusulat mo pamilya, nanay, tatay, alam niyo yun, the likes. Though may nagsulat din sa mga crush nila – hindi ko inexpect na isa si Master Skye dun. Sabi pa nila. Tadtad daw ng “I LOVE YOU MEGUMI” yung sulat niya. Well, “balita” lang naman yun. Naks, si Master Skye gumaganon! HAHAHA.

Ang alam ko din MU yang dalawang yan nung first year kami eh. Hindi ko lang alam ang buong istorya kung bakit si Spike ang pinili ni Megumi at hindi si Master Skye. Naawa ako kay Master Skye. Ang dami kasing kumalat na kung ano anong balita noon. Ni ako hindi ko alam ang paniniwalaan.

(MS. AUTHOR!!!!!!!!!!!!!!!!!! Kelan mo ba ikwekwento sa amin yung buong storya?????)

(Hoy! Dan! Wag kang atat! Buti nga nilagyan kita ng POV baka gusto mo tanggalin na kita sa istoryang ito?)

(Huwag naman Ms. Author!!!!!!!!! Behave na ako!!! Hihintayin ko na lang sa next chapters)

“Dan! Dan! Tulala ko dyan! Hoy! Okay ka lang?” sabi ni Ate Riah. Siya yung parang big sister namin dito. Two years yung tanda niya sa amin. Bigla namang pumasok si Skye sa kwarto, mukhang tahimik lang.

“Ano ba ate! Oo naman! pero yung isa ata dyan mukhang hindi.” –bulong ko sa kanya.

Pareho namin tiningnan si Skye habang nakaharap sa laptop niya.

“Pansin ko nga. Hayaan mo magiging okay rin yan. Trust me, been there done that.” Umalis na siya pero bigla siyang bumalik at kinuha yung nilalaro ko.

“Pinapakuha na nga pala ni Ronnie! Hahahahaha. :D “

Ugh! Nakakabanas naman oh! Mananalo na ako eh!

Makahiga na nga ! Excited na ako bukas. Hindi dahil malalaman na kung sino mananalo kundi sa wakas uuwi na kami at  makikita ko na ulit siya. Na-miss ko talaga yung babaeng yun! :)

UPS AND DOWNS OF HIGH SCHOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon