Kent's POV
Even Mykie? She's really crazy. "Don't you dare hurt her, Perez." Nanggigil na sabi ko sa kanya. She chuckled again.
"Oohh.. Sayo pa talaga nanggaling yan?" Sarkastikong tanong nito. I gritted my teeth. "Wag kang magmalinis Tyler. Dahil habang wala siya ay gumagawa ka ng ikasasama ng loob niya. Do you want me to tell it to her?"
"Pre, ano ba yung sinasabi niya? Isang beses ka lang nagkamali diba?" Tanong ni Yexel. Di ko alam ang isasagot ko.
"Why don't you answer him, Tyler. Now tell me, may pinagkaiba ba tayo? You fought because of one mistake. You want her back but still, you made another mistake. Tsk. Alam mo, she deserve someone better. Oohh.. May nagpaalam nga pala sakin na manliligaw kay Mykie. Tsk. Nagsisimula na kaya siyang manligaw? They look good together though."
Nanginginig na ang kamay ko sa sobrang galit. Magkaibang-magkaiba sila ni Mykie. "Tyler, wag kang masyadong magalit. Tsk. Masyado kang pikon eh." She patted my shoulder. "I'll go ahead. Masyado nang boring dito. Bye Tyler, bye Angeles." Sabi nito at naglakad palayo.
"Bro? What is she talking about? Another mistake. Nagloko ka na naman ba?" Napatingin ako kay Yex. Pano ko sasabihin?
"I-I was drunk." Bigla siyang tumayo. "What the hell Kent!" Pinagtinginan tuloy kami. Buti nalang at konti lang kami dito. "Drunk? Na naman! Wala ka na bang ibang alam na dahilan? Baguhin mo naman para mukhang kapani-paniwala. You know what? Kylie's right. Kie deserves someone better." He said as he walked out.
Napahilamos ako sa mukha ko. Tumayo ako. Hahabulin ko sana si Yexel pero paglabas ko ng pinto ay may tumawag sakin.
"Hey, Tyler." I gritted my teeth in anger. Nakasandal siya sa may malapit sa pinto. I'm sure heard everything. "Tsk. Tsk. Tsk. First day na first day niyo eh. Sample palang iyan. Wag mo kasi akong hinahamon. It's just a glimpse of what I am capable of. Better be careful, Tyler." She said. She patted my shoulder again ang walked out.
It's also her fault. Kasalanan to ng Kylie na yun.
Drake's POV
Dumiretso na ako sa room namin. Madami ding chicks pala dito. Lalo na sila Elaine. Maganda talaga siya, pati na yung mga kasama niya. Sabi ni Yex kanina Katie yung isa, tapos yung kambal ni Mykie na si Kylie.
Pero nachachallenge ako kay Elaine eh. Makukuha ko rin yan. May lumapit saking dalawang babae. Tss. Iba talaga pag gwapo eh.
"Hi Drake, I'm Celine." Nakangiting sambit nito at inilahad pa niya ang kamay niya. Inabot ko yun at hinalikan. Namula pa ang pisngi niya. "Umm.. I'm Lizzie. Have you heard what happened to Bridgette?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bridgette who? "Who's Bridgette?" I asked. Nagkatinginan pa sila.
"She told us that you are her boyfriend."
"Here's her picture." Pinakita nila sakin ang litrato nung Bridgette. Ahhh... Nakasama ko din siya dun sa party.
"Ohh.. We had a misunderstanding. She's not my girlfriend." Nakangiting sabi ko habang napapakamot pa sa ulo.
"She's feelingera talaga."
"Yeah right."
Kyle's POV
"Kyle, san nga daw pala kayo magdidinner nila tito?"
"I don't know, Katie." I said. Kanina pa ako dito sa kwarto ko. Nakadapa lang ako habang nagbabasa. Umupo siya sa may kama ko.
"Why don't you ask tito? Or Mykie?" Tiningnan ko siya without an expression. "Seriously? I don't want to have dinner with them."
Katie chuckled. "I thought you're not affected anymore with their presence. Ano nga ulit yung lagi mong sinasabi? Don't be affected and even if you are, just don't do things that will make them think that you are."
I sighed. "Okay, you won." Tumayo na ako at nagsimulang pumili ng damit. What time is it by the way? Tiningnan ko ang oras sa phone ko. 7:00pm.
Tumaas ang isang kilay ko dahil nagtext si Mykie.
'From: Mykie
Dad's going to pick you up at 8:00'
Tsk. Maaga pa masyado.
****
"Kyle, nadyan na si tito sa labas." Sabi ni Elaine sa labas ng kwarto ko. "Susunod ako."
Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamim. Sa isang mamahaling restaurant kami magdidinner, kaya nagdress ako. Black dress, black heels, nakachoker pa ako. Nakapusod pa ang buhok ko. May konti pang buhok na nakalaylay sa may malapit sa tenga ko. Nakamake up din ako pero light lang.
Kinuha ko ang pouch ko sa kama ko at bumaba na.
Lumabas na ako ng bahay at pinuntahan si Dad sa may kotse niya. Nakasandal siya sa kotse niya.
Sa lapit na ako ng driver sumakay habang sa likod naman si Dad.
Pinaandar na ni Kuya Cedie itong sasakyan. "Kamusta si Mykie sa school niyo?"
"I don't know. Why don't you ask her instead?" Sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Tsk."
Maya-maya'y nakarating din kami sa restaurant. Nauna siyang maglakad. Sinundan ko lang siya. Nahagip ng mata ko si Mykie na nakawhite floral dress. Wtf. What is that woman doing here?
Naupo agad si Dad sa lapit ng nanay ni Mykie. Tsk. Tumayo ang babaeng yun at niyakap ako. "Kylie, you are so beautiful."
Tinulak ko siya ng konti at naupo sa lapit ni Mykie. Naupo din siya. "U-umorder na ako ng pagkain natin."
"Mykie, you should try this." Sabi ni Dad at nilagyan ng steak ang plato ni Mykie. Ngitian siya ni Mykie ng pagkalaki-laki.
"Uumm.. Kylie anak, ito oh. Masarap itong shrimp nila." Nilagyan niya ako ng shrimp sa plato. Seriously?
"I don't eat shrimps."
"Ahh ganun ba? Tatanggali-" naputol ang sasabihin niya ng magsalita si Dad.
"Kylie, don't be rude. She's your mother. Eat that." Ramdam ang authority sa boses niya. I laughed bitterly.
"I don't want to."
"Hayaan mo na siya, Henry."
"No, stop acting like a child. Kylie. Don't make me mad." Nginitian ko si Dad ng mapait.
"Okay, if that's what you want." Kumuha ako ng shrimp at kinain yun. F*ck this sh*t.
Mykie's POV
Kinakabahan ako dahil sa tensyon dito. Di kasi ganun sakin si Daddy. "Anak, are you alright? Bakit namumula ka?" Napatingin kami kay Kylie dahil sa tanong ni Mommy dito.
"Kyle? Anong nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong ko. Namumula ang mukha niya. Pati na rin braso at leeg niya.
"Kylie, what's wrong?" Tanong ni Dad.
"I-I'm alright.."
"Sigurado ka ba, anak?" Paninigurado ni Mommy. "Y-yes." Tumayo siya. "Aalis..na p-po ako." Naglakad na siya palayo.
Tinawag pa namin siya pero di siya lumingon. "Hayaan niyo siya. Pasaway talaga ang batang yun." Ani Daddy.
May sakit ba siya?
Kyle's POV
Nang makalabas ako dun ay dinial ko ang number ni Elaine. Sh*t. Di siya sumasagot. Nahihirapan na akong huminga.
"Kylie?" Nanlalabo na ang paningin ko kaya di ko maaninag ang mukha ng tumawag sakin.
I was about to fall pero may nakasalo sakin. Naramdaman ko nalang na buhat buhat na niya ako.
BINABASA MO ANG
The Elkalie Game
Teen FictionPlaying a game is fun. Lalo na kung alam mong malaki ang pag-asa mong manalo. But do you have guts to play a game even if you know that you will never win? Will you try? It's just a simple game, just play with devils. Sa oras na marinig mo ang mga s...