Chapter 8

1 0 0
                                    

Mykie's POV

Nagising ako ngayong umaga hindi dahil sa alarm kundi dahil sa may nagtext sakin.

'From: unknown number

Let's play'

Napataas ako ng kilay. May nangpaprank siguro sakin.

Naghanda ako agad para pumasok na sa School.

Katie's POV

"Troy, nanliligaw ka na ba kay Mykie." Tanong ko. Alam ko na sina Mykie pala ang target namin ngayon. And Kyle said that Troy can be useful.

Umiling naman ito. Napaaga kami ng pasok at apat palang kaming nadito sa room nang biglang pumasok si Tyler. Nakaupo muna si Troy sa lapit namin dahil nagkukwentuhan kami.

Napangisi ako. Tiningnan ko si Kyle at nababa-taas ng kilay. Tumango siya dahil malamang alam na niya ang balak ko.

"Ano ba yan Troy! Bakit ayaw mo pa eh gwapo ka naman, mabait. Malaki ang pag-asa mo sa kambal ng kaibigan ko!" Sinadya kong lakasan yun para marinig ni Tyler. Napangisi ako ng makitang nagkuyom ng kamao si Tyler.

"Oh Tyler! Tamang-tama! Kaibigan ka ni Mykie diba? Magbigay ka naman ng tip dito kay Troy kung paano liligawan si Mykie." Nag-iwas siya ng tingin. Pulang-pula na ang tenga niya sa galit.

"Si Troy, naku! Di niya sasaktan si Mykie. Takot nalang niya kay Kylie. Hahaha! Pero ayos din yun diba? Humihingi siya ng permiso kay Kylie na manliligaw siya sa kapatid niya. Ang sweet diba?" Natatawang sabi ko.

"Tyler? Okay ka lang? Wag kang mag-alala, loyal yan si Troy. Hundi niya sasaktan si Mykie." Tumayo siya at nagwalk out. Grabe! Dineadma ang beauty ko?

Geez.

Kyle's POV

Tapos na ang klase. Hindi na bumalik si Kent Tyler mula nung ininis siya ni Katie. Tsk. Pikon. Hindi na rin sila nagpapansinan ni Angeles.

"Yexel." Tawag ko dito. Nakikipagclose na ako sa kanya dahil pwede ko siyang magamit. Tiningnan niya ako.

"Why?" Nakangiti nitong tanong.

"Aalis kayo nila Mykie sa weekends diba?"

"Yup."

"Bantayan mong maigi. Pag may nangyaring masama dun, ikaw ang sisisihin ko." Natatawa kong sabi.

Inakbayan niya ako. Nalaman ko na masyado pala talaga siyang makulit at clingy. "Sama na kasi kayo. Walang pasok bukas. Sa Sunday na tayo umuwi." Nakapout na tanong nito sakin.

"Bonding niyo yun. Ayoko namang makisali." Nagpout uli siya.

"Sama na tayo Kyle." Pakiusap sakin ni Katie.

"Okay lang ba talaga sa inyo?" Nakangiting tanong ko kay Yexel. Nginitian ako ni Yexel ng matamis.

"Syempre naman! Kaibigan ko na kaya kayo. Saka twin sister mo din ang bestfriend ko."

Napangisi ako sa isip ko.

--------

Pinauna ko na sila Elaine dahil may nareceive akong text.

'Can we talk? Sa rooftop. It's Kent Tyler.'

Napangisi ako. Di niya na naman kailangang magpakilala eh. Nakuha na namin yung number niya. Thanks to Drake. May inutusan kasi kaming babae para makipagflirt kay Drake.

Habang naglalandian sila ay nakuha namin sa cellphone ni Drake ang number ni Kent.

Pagpasok ko sa rooftop nakita ko kaagad siya. Napatingin siya sakin dahil naramdaman niya ang presensya ko.

"What do you want to talk about?" Kaswal kong tanong pagkalapit ko sa kanya.

"Tigilan mo na ito Kylie." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "I know It's wrong that I blamed you. That it's all your fault but please... Forgive me... Patigilan mo na si Troy. D-di ko kakayanin pag nakita ko siyang masaya sa ibang lalaki..." Pumiyok pa siya habang nakikiusap sakin. Napailing ako sa kanya.

"Ayaw mong makita siyang masaya sa ibang lalaki? Bakit Kent?" Natigilan pa ito. Siguro ay di siya sanay na tinatawag ko siya na Kent. "At anong kakayanin mo? Ang saktan siya habang ikaw ang kasama niya?"

"Bakit ba kasi may mga taong sasabihin sayong mahal ka nila pero sasaktan at tatalikuran ka lang rin nila." Dagdag ko.

"Pinagsisisihan ko na ang ginawa ko kay Mykie... T-tulungan mo ako sa kanya." Lumuhod pa ito sakin.

Di yan uubra sakin. Tyler. "Tyler, wag ako ang kausapin mo. Si Mykie dapat. I think Troy is serious with my sister. Matalino din siya. Di siya gagawa ng bagay na pagsisihan niya gaya ng ginagawa mo ngayon."

Tinalikuran ko siya pero hinila niya ang braso ko kaya't napaharap uli ako sa kanya. "Babawiin ko siya."

"Sa ginawa mong pagtalikod sa kanya, mapapahamak siya." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Layuan mo ang kapatid ko. Di ako papayag na ang isang katulad mo ang manakit sa kanya. Ulit." And with that, I walked out.

Di ko hahayaang maunahan mo ako Tyler. Masyado ka ng nag-enjoy paiyakin siya. It's now my turn.

------

Elaine's POV

"Nadyan na sila sa labas." Sabi ko kila Katie at Kyle. Friday ngayon at walang pasok. Ngayong araw kami aalis.

Sa Batangas ang punta namin, may beach resort daw pala kasi si Drake dun. Tsk. Ayaw ko talagang sumama eh. Kaso kailangan ako ni Kyle.

Sabay-sabay kaming lumabas ng bahay dala ang mga gamit namin. Nasa tapat lang ang van na gagamitin namin. Tinulungan kami nila Yexel at Troy na ipasok yung bagahe namin.

"Buti naman sumama na kayo." Nakangiting sabi ni Mykie na nasa labas din ng van.

"Ilan ba tayo?" Tanong ni Katie.

"Nine. Si Troy, Yex, Drake, ikaw, si Elaine, Kylie, si K-kent..."

"Eight lang eh?" Singit ko sa kanila. Sobra ata ng isa.

"Kasama din kasi yung kaibigan kong si Dianne."

Kyle's POV

"Nasan si Dianne?" Singit ko. Gusto ko siyang makilala. Sino ba ang babaeng yun?

Maaari bang si...

Natigil ang pag-uusap namin ng may bumabang babae mula sa van. "Mykes! Nasa iyo ba yung earphone ko?"

Siya ba si Dianne? Nag-igting ang panga ko ng makita ko siya. Talaga bang gusto niyang madamay dito?

Natigilan si Azel ng makita ako. "Hazelyn Dianne." Pagbanggit ko sa pangalan nito.

Siya si Azel. Ang bestfriend ko noon.

"Ylie."

The Elkalie GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon