Chapter 13

1 0 0
                                    

Katie's Pov

Di muna ako dumiretso sa kwarto namin kahit na nagyaya na silang matulog. Ayokong makasama si Elaine. Nadito ako sa sofa sa may sala.

"Uy panget, di ka pa matutulog?"

Naiinis na nga ako. Nang-aasar pa itong mokong na ito. Masyadong makulit. Ano kayang makakapagpaseryoso dito. Napangisi ako nang may maisip na ideya.

"Yexel..." I said seductively. Hinawakan ko pa ang braso niya. Binaba ko ang kamay ko at itinigil yun sa dibdib niya.

"What are you doing?" Kunot noong tanong nito. Tingnan natin kung hanggang saan ka, Yexel.

"Mahirap ba akong gustuhin?" Itinulak ko siya ng bahagya para mapahiga siya. Napalunok siya kaya di ko napigilang ngumisi.

"Stop it!" Sigaw niya at agad umalis sa sofa. Tawa ako ng tawa sa mukha niyang pulang pula.

"Look at your face! It's awful!" Sabi ko at saka mulig humalakhak. Bakla kaya siya?

"Stop laughing! It's not funny." Iritadong sabi nito.

"Bakla ka noh?"

"The f*ck! I'm not gay." Nagulat ako sa pagmumura niya. Pero humalakhak din ako agad.

"Really? Wala naman sigurong magagalit pag umamin ka! Hahaha. Don't worry, wala akong pagsasabihan!" I said as I continue laughing.

Tingnan mo ito. Ang hilig mang-asar, pikon naman pala. Geez.

"I'm not gay, I even courted Mykie."

"Di ka naman sinagot!" Panunuya ko dito. Lalong namula ang mukha niya sa galit.

"Eh ano naman!" Di ako natinag sa aking pagtawa kaya laking gulat ko ng lumapit siya. He's holding my wrists while he is pinning me on the sofa.

"Hey! I'm just.. Kidding." Kumunot ang noo ko ng lalo siyang lumapit.

Napangisi ako. "Are you going to kiss me?"

"So, kaya mo ako tinatawag na bakla ay para halikan kita? Is that it?" Napanganga ako sa sinabi niya. Dinuro ko siya sa mukha niya.

"Hoy ikaw! Ang kapal mo din noh? Ako pa ang gustong magpahalik sayo? Baka ikaw? Di mo ba alam na madaming lalaking naghahabol sakin."

"Ang panget mo, bakit sila maghahabol sayo?" May bahid ng pang-aasar sa tono nito.

"Di ako panget! Baka ikaw! Di ka nga sinagot ni Mykie eh." Sabi ko dito.

Akala niya maiilang ako sa kanya dahil sa lapit niya sakin ha? Eh ilang beses na akong nakahalik ng lalaki.

"Tsk. Because I know that she likes Kent. Ayokong ipinagpipilitan ang sarili ko sa iba. But Mykie offered me friendship and I realized that we are better of as friends."

"Geez, nafriendzone ka? Ni Mykie? Eh bakit magkaibigan kayo ni Kent diba? Di ka nagalit sa kanya?" Bago siya sumagot sa tanong ko ay umalis siya sa harap ko. Tumabi nalang siya sakin sa sofa.

"Magkaibigan na talaga kami ni Kent dati pa. Sabay kaming nanligaw kaya tanggap namin kung may mababasted."

"Ganun? Sakit ba? Di ko pa nararanasan eh." Nakangising panunuya ko dito. Napawi din agad ang ngiti ko ng nanatiling seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa kawalan.

"Di ka naman nagseseryoso kaya di ka masasaktan, di ka naman nag-iinvest ng feelings kaya di ka masasaktan pag iniwan ka." Seryosong sambit nito.

Seryoso ah? "Duh! Masasaktan ako noh? Maaapakan ang pride ko pag iniwan ako ng lalaki."

He chuckled. "Matanong nga kita panget, nainlove ka na ba?"

"Hindi pa siguro? Di ko alam eh. Saka di ako panget."

"Bakit di mo alam? Sa mga lalaking binoyfriend mo, wala kang minahal dun?" Tanong nito habang nakatingin sa mga mata ko.

"Wala, eh di naman love ang habol nila sakin. Pero pag nanliligaw na saka ko pinapaasa para mainlove sakin tapos di nila ako maiwan."

"Bakit mo ba yan ginagawa? Di bagay sa babae yang ginagawa mo."

Inirapan ko siya. "Eh bakit kayong mga lalaki ha? Mga paasa naman kayo eh! Kayo lang ba nag may karapatan na mang-iwan at mangloko? Kasi kung nag-eenjoy kayo sa pagpapaikot sa mga babae dapat nag-eenjoy din kami!"

Tumawa siya at itinaas sa ere ang dalawang kamay. "Chill. Di ako paasa noh. Ang hirap kasi sa inyong mga babae, yung gusto niyo lang ang binibigyan niyo ng chance. Di niyo pinapansin yung mga katulad kong kaya kayong seryosohin at alagaan. Tapos pag nasaktan kayo, lalahatin niyo kaming mga lalaki. Tsk. Tsk. Tsk. Mga babae nga naman."

Napairap ako sa kanya. "Eh anong gusto niyong gawin namin? Na gawin kayong rebound? Na paasahin kayo kahit alam naman naming di namin kayo gusto."

"Kaya nga namin kayo liligawan, para magkakilala tayo ng husto at baka magkaroon ng posibilidad na magustuhan niyo rin kami."

Inirapan ko ulit siya. "Tsk. Reasons, mang-iiwan din naman kayo kahit na piliin kayo." Nag-iwas ako ng tingin. "O kung di niyo man iwan, mangangaliwa kayo. Ganun naman lagi yun. Di pwedeng isa lang, dapat may reserba."

"Di ako ganun."

"Baka hindi pa, pero pwedeng maging ganun ka rin." Napalunok ako sa sinabi ko.

"Bakit parang ang dami mong hinanakit sa mga lalaki? Eh ikaw naman yung nananakit ng lalaki diba?"

"Tss... Nagpapakatotoo lang ako, at yung ginagawa ko? Self defense lang yun. Inuunahan ko lang sila, dahil kung di ko yun gagawin, ako ang gagawin nilang tanga."

"Eh paano kung mainlove ka? Paano kung ikaw yung masaktan?" Tanong nito. Nakakunot ang noo nito at kita ko ang pag-aalala sa mga mata nito.

Bakit ka naman mag-aalala?

"Imposible, di ako interesado sa kanila. Sila ang may interes sakin. At masasaktan ang lahat ng lalaking nagkakainteres sakin." Seryosong sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya

Nag-iwas siya ng tingin.

"Dahil sa ginagawa mo, everyone will hate you. Bababa ang tingin nila sayo at talagang maiiwan ka ngang mag-isa."

I am speechless. Di ko nga naisip yun. Naalala ko ang mga sinabi ni Elaine. Masyado na ba akong nag-eenjoy sa pananakit ng feelings ng mga lalaki? Talaga bang... Hanggang dun nalang ako?

"Katie, bakit nandito ka pa?" Halos mapatalon kami ni Yexel sa biglang pagsulpot ni Kylie.

"Ano kasi..." Anong sasabihin ko? Ayokong sabihin sa kanya ang tungkol sa away namin ni Elaine. "Nagkukwentuhan lang kami."

"Di ka pa ba matutulog? Gabing-gabi na kasi. Baka mapuyat ka at di mo maenjoy ang bakasyon natin dito bukas."

"Ahh... Oo. Matutulog na ako." Sabi ko sabay tayo. Nilingon ko si Yexel. Nakatingin lang siya sakin. "Tulog na ako."

"Sige, matutulog na rin ako." Sabi nito at naunang maglakad papunta sa kwarto nila.

Aalis na sana ako sa sala pero nagsalita si Kylie. "Mukhang nagkamali ako."

Nilingon ko siya. "What do you mean?"

"I thought you are already falling inlove with Sandro. Pero mukhang hindi. Good. Di ko masisisi si Sandro kung iisipin niyang totoo na ang mga ipinapakita mo sa kanya. You are really good with this thing. Keep it up." Aniya at saka umalis.

Si Sandro? Inaamin ko, gusto ko siya at ayaw kong akitin siya dahil baka ako ang mainlove sa kanya.

At natatakot ako...

Na pag nahulog ako sa kanya, saktan niya rin ako.

The Elkalie GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon