Chapter 17

2 0 0
                                    

Hinalikan ko siya sa labi. Dampi lang yun pero parang nayanig ang mundo ko.

"Be my girlfriend..."

Pagkatapos nun ay naging kami. Naging clingy ako sa kanya dahil sinanay niya ako.

Lagi niya akong hinahatid at sinusundo. Sweet siya sakin.

Pero nung una lang yun..

Lumipas ang isang buwan ay nawalan na siya ng time sakin. Naiintindihan ko naman yun. Graduating na siya at para samin din naman yun. Para pag nagpakasal na kami.

Oo, kahit third year palang ako iniisip ko na ang future namin. Mahal na mahal ko siya at sa kanya palang ako nakakaramdam ng ganito. Ayokong mawala siya sakin.

Sabado at nasa bahay kami. Wala sila Lola at baka matagalan pa daw sila bago umuwi.

Di ko pa nasasabi kay Lola ang tungkol samin ni Seb.

Nadito kami si kwarto ko. Nakaupo kami sa kama ko habang nanonood ng movie. Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

"I missed you.." Bulong niya sa tenga ko nagpayanig ng buong sistema ko. Namiss ko din siya.

Inilapit niya ang labi niya sa labi ko. Akala ko dampi lang pero parang pilit niyang pinapasok ang loob ng labi ko. He bit my lower lip. Napaawang ang labi ko dahil sa ginawa niya. Now, he's kissing me passionately.

"Kiss.. Me.." He said between his kisses.

Pilit kong nilabanan ang mga halik niya. Para akong nalalasing sa mga halik niya. Dahan-dahan niya akong inihiga sa kama at pinagpatuloy ang paghahalikan namin habang nasa ibabaw ko siya.

"Soph- Sebastian? Sophie? What the!" Napabalikwas kami ng marinig ang boses ni Ate.

Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa samin. "What the hell! Mga walanghiya kayo!" Sinugod niya ako at pilit sinabunutan pero pinigilan siya ni Seb.

"Sophie?! Ahas ka.. Kapatid kita!" Unti-unti siyang napaluhod kasabay ang paghagulgol niya.

"Sofia.. Stop it!" Sigaw ni Seb kaya natawa si Ate with sarcasm. Namuo din ang luha sa mga mata ko.

"Pero... Break na k-kayo diba?" Pumiyok ang boses ko. Sinampal ako ni Ate. Sobrang sakit. Parang ibinuhos niya ang lahat ng galit niya sa isang sampal.

"Well for your information! Nagkabalikan agad kami a week after I told you about our break up!" Tumulo ang luha ko. Tiningnan ko ang namumutlang si Seb.

"I-is it.. True? Y-you made me y-your mistress?" Nahirapan ako sa paglunok. Lumapit si Seb sakin pero umatras ako.

"I-i'm sorr-"

"Stop that nonsense please!" Ate shouted. She looked at me and pointed her finger at me again. "Sophie, so kung alam mong nagkabalikan kami? Anong gagawin mo? Hihintayin mo kaming magbreak? Sophie! I'm your sister, kahit na break na kami di ka pa din dapat nakipagrelasyon sa kanya!!"

Pinilit kong lumapit pero itinataboy niya ako. "A-ate I'm sorry, I didn't know..." Tinulak niya ako kaya dinaluhan ako ni Seb.

"Don't touch me Seb!" Sigaw ko dito.

Ate chuckled sarcastically. "Seb? The last time I checked you are calling him Kuya Sebastian.. Ha! What happened now?!"

"Sofia! Can you please... Leave?" Madiing pagkakasabi ni Seb. Sinampal siya ni Ate.

"Magsama kayong dalawa! Mga malalandi kayo!" Sabi nito saka nagwalk out.

Niyakap ako ni Seb. Pinilit kong magpumiglas pero nanghihina na ako dahil sa nangyari. "S-sophie... Please.. L-let me explain..."

"L-leave me alone..." Mahina kong sabi.

"Sophie... I'm sorry... Nangungulila kasi ako sa kanya-" Tinulak ko siya.

"So... P-panakip butas lang ako?" Di ko na napigilan ang paghikbi ko. Niyakap niya ako ng mas mahigpit.

"N-no, habang wala siya... I fell for you.."

"Bakit di ka nakipagbreak sa kanya, kung ganon? Seb, magkapatid kami! Pinagsabay mo kami!" I shouted.

"I'm sorry, I don't want to lose you... She's your sister... And I don't want her to stop you from loving me... Please... I-I love you..."

"J-just leave me alone... P-please?" Dahan-dahan siyang tumango. He kissed my forehead.

"Ma-mahal na mahal kita... P-please dont... Leave me.. We can f-fix this.. Together.." Sabi niya bago umalis.

Ilang oras akong nakadapa sa aking kama at humagulgol.

Di ako makapaniwala na pinagsabay kami ni Seb. Ang inaalala ko noon ay kung paano sasabihin dahil mag-ex sila pero mas dapat palang kabahan ako dahil kabit ako.

Kabit ako ng boyfriend ng sarili kong kapatid...

Maya-maya'y narinig ko ang pagbukas ng pinto ko. Bumangon ako para tingnan kung sino ito. It's Lola, Mama, Papa and... Ate.

Lumapit sila sakin habang si Ate ay nanatiling nakatayo. "Tanungin niyo pa yang anak niyo... I'm telling the truth!" Iritadong sigaw ni Ate ngunit sinayaw siya ni Papa.

"Sofie, stop it!"

Niyakap ako ni Lola. Napahagulgol ako dahil dito. "I-I'm sorry, ang buong akala ko... Break na sila... Nung niligawan niya ako." Hinahaplos ni Lola ang likod ko habang humihikbi ako. Tiningnan ko si Ate pero inirapan niya ako. "S-sorry Ate.."

Suminghap si Ate. "Anong drama yan? Ikaw pa yung umiiyak?! Ikaw pa? Eh ikaw yung kabit-" natigil sa pagsasalita si Ate nang pinigilan siya ni Mama.

"Stop it, you heard your sister. She didn't know that you and Sebastian are in a relationship again. Wag mong tawagin ang kapatid mo na kabit." Mahinahong sambit nito.

Natawa si Ate at di makapaniwala sa sinabi ni Mama. "Ma! Eh anong tawag sa kanya? Sila yung may kasalanan dito!"

"It's Sebastian's fault! Siya yung nanloko sa inyong magkapatid. Sinabi ko naman na sayo na pampagulo lang yang boyfriend boyfriend na yan! But you didn't listen. Mag-aral na lang kayo ng mabuti!" Sigaw ni Lola kay Ate.

Gusto kong ipagtanggol si Ate pero nanghihina na ako.

"Will you shut up?" Nagulat kami sa sinabi ni Ate kay Lola.

How can she say that to Lola.

"I am tired... I really am. Bakit kayo ganyan sakin? Bakit laging sermon ang binibigay niyo sakinat puro lambing at pagmamahal naman ay para kay Sophie!"

Natigilan kami sa sigaw niya. "Sofia.. You are our heiress that's why we are strict when it comes to you.."

"Bullsh*t. Do you think I wanted to be tha heiress of our company? All this time, I just wanted to be Sophie! You show her all the love! How can you not expect me to find love from other people!" Tuloy-tuloy ang luha niya habang humihikbi.

"A-ate..." I was about to hug her but she pushed me.

"Nainggit ako sa kanya... Nakaramdam ako ng galit kay Sophie pero binalewala ko dahil sa pamilyang ito siya na lang yung nakakaintindi sakin but I'm wrong! No one will ever understand and love me... Sa-sarili ko ngang pamilya di ako kayang mahalin... Ibang tao pa kaya?" Those were her last words before she walked out of my room.

Maya-maya ay narinig ko ang paghagulhol ni mama.

Umalis sila sa kwarto ko nang hindi ako kinikibo. Naiintindihan ko naman kung bakit. May kasalanan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Elkalie GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon