Kyle's POV
"Siya ba yung Dianne, Mykie?" Tanong ko kay Mykie habang na kay Azel ang paningin ko.
"Oo, nabanggit na rin ni Dianne na magkakilala pala kayo."
"Uy! Sakay na kayo." Sigaw ni Drake na nasa loob ng sasakyan.
Sumakay agad ako ng sasakyan. Dumiretso ako sa pinakalikod. "Hey." Napatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa lapit ko.
"Sh*t."
Nadito pala si Tyler. Nasa lapit siya ng bintana at nadito ako sa gitna. Nagsipasukan na sila. Si Tyler, ako at si Troy ang nasa likod. Magkalapit naman sila Yexel, Katie at Elaine. At sa unahan nila ay sila Mykie at Dianne.
Kalapit naman ni Drake sa unahan ang Driver na kasama namin.
Nasa kalagitnaan kai ng byahe ng makaramdam ako ng antok. Napipikit na ako pero pinipigilan ko pa din. Paano kung masandal ako mamaya sa balikat ng sinuman sa dalawang ito.
Sumandal ako sa likod. I am really sleepy. Tulog na rin sila Mykie, Dianne at Elaine. Habang nagkwekwentuhan ata si Katie at Yexel.
"Kylie, pwede ka namang sumandal sa balikat ko eh." Napatingin ako kay Troy sa sinabi niya. Napapansin niya pala. Dahil hindi ako sumagot. Naglakas-loob siya at siya na ang naglagay ng ulo ko sa balikat niya.
Napikit na ako at nilamon na ng antok.
Nagising ako na wala na sila sa van. Hindi pala. Nadito pa si Troy. "Are you hungry? Baba tayo?" Nakangiting tanong ni Troy sakin.
"Bakit na dito ka pa?"
"Baka kasi magising ka pa eh."
"You should be with Mykie right now, Troy. Baka magkasama sila ni Tyler. Gusto mo bang maunahan ka niya?" Iritadong tanong ko. Tsk.
"Galit si Mykie kay Kent, di naman sila nag-uusap eh." Napailing ako sa kanya.
"Don't be so sure, Troy. Minsan ng minahal ni Mykie si Kent. Pwede ulit mangyari yun." Sabi ko at saka bumaba ng sasakyan. Nasa parking lot pala kami ng isang fastfood chain.
Bumaba din si Troy at sinabayan ako pagpasok sa loob. Nakita namin sila Katie at Elaine na kalalabas lang ng CR. "Kyle, bakit pa kayo bumaba? Nauna ng lumabas sila Mykie diba? Umorder na siya ng para sa inyo ni Troy." Sabi ni Katie.
Nagsabay-sabay na kaming pumunta sa van. Nandoon na sila Dianne, Drake at Yexel. Wala si Mykie at Tyler. Pinauna ko na sa sasakyan sila Elaine.
"Troy, follow me." Sabi ko dito at naglakad papunta sa park na nasa tapat ng fastfood chain na ito.
Tsk. Nadito nga sila. Nakaupo sila sa isang bench pero magkalayo pa rin. Nakatitig sa kawalan si Mykie habang nakatingin naman sa kanya si Kent.
"I told you, Troy. Ikaw dapat ang laging kasama ni Mykie." Sabi ko at saka ako tumingin kay Troy. Natigilan ako dahil sakin siya nakatitig. Seryoso siya sa hindi ko malamang dahilan.
"Are you jealous? Kung ayaw mog magselos. Bantayan mo si Mykie." Madiing pagkakasabi ko sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin sakin. "S-sige, di na mauulit."
"Tsk. Sundan mo ako. Lalapitan ko sila."
zahf
Mykie's POV"Mykie.." Naiilang pa rin ako sa kanya. Sinubukan kong tingnan siya pero umiwas din ako agad. "B-bakit."
Napakagat ako sa aking labi ng marinig ko ang sarili ko. Anubayan! Bakit ako nauutal?
"Please come back to me."
Nabigla ako dahil diretso niya yung sinabi. Parang may part sakin na nainis.
Bakit ako yung naiilang? Bakit ako yung nauutal? Siya dapat yung nahihiya diba?
"Pagkatapos mong makipaghalikan sa ibang babae at makipagbreak sakin?" Nagbabadya na ang luha ko. At hindi pa rin ako makatingin sa kanya.
But this time, I need to show him that I am strong enough to face him. Hinarap ko siya. "Tinalikuran mo na ako Kent. Alangan namang magstay lang ako sa lugar kung saan mo ako iniwan at maghintay kung kailan ka babalik. Di lang ikaw ang pwedeng umalis Kent. May paa ako, at di mo yun kontrolado." Tumayo ako akmang aalis na pero hinawakan niya ang braso ko.
"Myki-"
"Let her go Tyler." Nagulat ako at napatingin kila Kylie at Troy na nasa lapit na namin. Kanina pa ba sila dyan?
"Nag-uusap lang kami, Perez." Binitiwan ako ni Kent at hinarap si Kylie.
Kylie chuckled and smiled at Kent. "She's planning to walk out, that means that the conversation is over." Nabigla pa ako ng tignan ako ni Kylie. "Right, Mykie?"
Napalunok ako sa kaba. "O-oo."
"So, let's go. Naghihintay na sila dun." Nakangising sabi ni Kylie. Aalis na sana kami pero nagsalita ulit si Kent.
"Then, Tayo naman ang mag-usap.." Nagkatinginan pa kami ni Kylie at Troy. "..Kylie."
Anong pag-uusapan nila? Tinanguan kami ni Kylie. Humarap sakin si Troy at niyaya na akong umalis.
Kyle's POV
Nang makaalis sila Troy ay hinarap ko si Tyler habang nakangisi ako. "Tsk. Tsk. Tsk. Pagkatapos ni Mykie, ako naman?"
Nag-igting ang panga niya. "Don't assume, Perez." Madiing pagkakasabi nito. Natawa ako sa sagot niya.
"Ang ibig kong sabihin. Pagkatapos mong kausapin si Mykie, ako naman ang kakausapin mo. Palakwento ka rin pala noh?" Pang-aasar ko sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin.
"Tyler, everyone deserves a second chance but you don't deserve to have a chance to hurt my sister, again." I said as I smirked.
He chuckled. He looked at my eyes. "Are you that Troy will never hurt Mykie? Masyado atang concern sayo ang manliligaw ng kapatid mo Perez. What if it's you who he really likes?"
"Stop it Tyler, you can't tell me what to do and what to think. It is Troy's way to be close with Mykie. Wag mong idamay ang pangalan ko para mapatigil si Troy. He has his own life. And he chose to love Mykie."
Everyone chose to love her, even you Tyler.
Hindi pwedeng siya nalang lagi ang masaya. Di ako papayag na hanggang huli ay ako ang tatalikuran ng lahat.
"Perez, bakit di mo nalang ba kami hayaan ni Mykie?" Iritadong tanong nito.
"Masyado ka na kasing nag-eenjoy na paasahin at saktan siya."
Ako naman ang gagawa nun.
Pagkatapos nun ay tinalikuran ko siya.
Katie's POV
"Hoy panget!" Inirapan ko si Yexel sa tinawag niya sakin. Grabe! Sabi ni Kyle, makipagclose daw kami sa kanila pero mahihirapan akong pakisamahan itong si Yex.
"Psh. Kung panget ako, bakit andaming naghahabol sakin? Lalong-lalo na yung gwapo nating kaklase na si Sandro. Sino bang hindi magkakagusto sakin?" Iniyabang ko sa kanya si Sandro. Pogi naman kasi talaga si Sandro.
"Ako, di ako magkakagusto sayo noh, ampanget mo eh."
Wtf. Nginiwian ko siya. "I mean kasi, sinong tao ang hindi magkakagusto sakin. Hindi unggoy na katulad mo." Pagtataray ko dito.
"Tss.. Heh! Eh bakit si Drake, papansin ka nga ng papansin sa kanya pero dinedeadma ka lang."
Inirapan ko siya. Aba't hinahamon ako nito ha?
BINABASA MO ANG
The Elkalie Game
Novela JuvenilPlaying a game is fun. Lalo na kung alam mong malaki ang pag-asa mong manalo. But do you have guts to play a game even if you know that you will never win? Will you try? It's just a simple game, just play with devils. Sa oras na marinig mo ang mga s...