Elaine's Pov
"Elaine, do you think Katie's inlove with Sandro?" Napatingin ako kay Yexel. Gising pa din kami hanggang ngayon. Si Katie nasa labas pa yata.
"Paano mo naman nasabi yan?" Tanong ko. Galit si Katie sa mga lalaki eh.
"Wala lang, para kasing may kakaiba sa kanya pag nadyan si Sandro."
"Di naman siguro, tingnan mo ngayon. Nung dumating sila Tyler, nawalan na ng oras si Katie sa pag-eentertain kay Sandro. Kung inlove siya kay Sandro, gagawa siya ng paraan para magkaoras sila para sa isa't-isa. Trust Katie, di siya ganun kahina."
"Siguro nga."
Kinabukasan, nagising ako na wala na sina Kylie at Katie. Ni hindi ko nga naabutan kagabi si Katie.
Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto. Nakashort lang ako at simpleng oversized tshirt.
"Gising ka na pala." Sabi ni Drake na nakaupo sa sofa. "Nauna na sila sa beach. Puntahan na ba natin sila o..." Ngumisi siya at tinapik ang space sa sofa. "Dito muna tayo para masolo kita?"
"Wag mo kong simulan, baka masapak kita dyan." Sabi ko. Naupo ako sa single couch na malayo sa kanya.
"Ito naman, di ka mabiro. Bakit ka nadyan? Dito ka sa lapit ko." Sabi nito. Inirapan ko siya.
"Hanep! Umiirap ka na ha? Ibig sabihin di ka tomboy, may pag-asa pa ako sayo." Sabi nito atsaka lumapit sakin. Inakbayan niya ako kaya tinulak ko siya palayo.
"Tigilan mo ako, Drake. Di mo makukuha ang loob ko. Kahit pa mamatay ka sa harap ko, di ako maaawa at lalong di ako maiinlove sayo. Playboy." I said as I walked out.
Kyle's Pov
Tulog pa din kaya si Elaine? At ano pang ginagawa ni Drake dun?
"Kylie, ayaw mong maligo?" Tanong ni Troy. Hinanap ko si Mykie. Magkasama sila ni Dianne habang nag-uusap sa naman sa malayo si Yexel at Tyler.
Umiling ako. Umupo siya sa lapit ko. "So... What's the score between you and Mykie?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa malayo. Ipinatog ko ang baba ko sa tuhod ko.
"We are friends."
Nilingon ko siya. "Baka naman mafriendzone ka niya ha? Nagpaalam ka na ba na manliligaw ka?"
"Hindi pa eh."
I smirked. "You should confess your feelings now. You might just regret if she fell with somebody else."
"Kailangan na ba talaga?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Kailan mo gusto? Pag may iba na? Pag di na ikaw ang priority niya? At pag wala ka nalang sa buhay niya?"
Pumikit siya at nag-iwas ng tingin. "Sasabihin ko sa kanya mamayang gabi. Don't worry."
Good.
Elaine's Pov
"Elaine, I'm serious about you. Di kita niloloko. Please, give me a chance. Ngayon lang ako nagkainteres sa isang babae ng ganito." Sabi ni Drake na nasa labas ng kwarto. Nakalock kasi kaya di niya mabuksan. At ayoko talaga siyang pagbuksan.
Ang corny. "Please, Elaine. Open this door."
Nang napuno na ako ay binuksan ko ang pinto kaya muntik na siyang masubsob sa sahig.
"Aray!"
"Listen carefully, you're just interested because I rejected you. That interest will easily fade away so stop bothering and mind your own business." I said while looking into his eyes seriously.
BINABASA MO ANG
The Elkalie Game
Teen FictionPlaying a game is fun. Lalo na kung alam mong malaki ang pag-asa mong manalo. But do you have guts to play a game even if you know that you will never win? Will you try? It's just a simple game, just play with devils. Sa oras na marinig mo ang mga s...