Chapter 3 - Ulan

140 4 0
                                    

"Andito na tayo" sabay bukas ng pinto ng kotse ni Ethan.

Bumaba na rin ako pagka baba niya.

"Namiss mo siguro to noh?" sabay akbay ni Ethan sa akin.

"Oo naman"

Inalis ko ang pagkaka akbay niya sa akin at hinawakan ko ang kamay niya at hinila papunta sa paborito naming lugar dito sa park.

Nasa ilalim kami ngayon ng Acacia. Nakahiga kami habang nakatingin sa langit. Nakita naman ng peripheral view ko si Ethan na nakatingin sa akin kaya tiningan ko rin siya.

"Bakit?" Maikli kong tanong.

"Ah wa-la...w-ala" mautal utal niyang sagot tapos tingin ulit sa kalangitan na nakangiti.

"Naalala mo pa ba nung unang pagkikita natin? Dito mismo sa punong 'to." Dagdag pa niya.

"Oo naman. Hinding hindi ko yun makakalimutan kasi dumating ka sa buhay ko at naging best bud kita. Taong torpe, baliw, makulit at jolly" mahaba kong sabi sabay tawa.

"Grabe ka naman sa baliw. Ako rin hindi ko yun makakalimutan yung araw na yun kasi doon nawala yung pinaka iinisan kong ba---"

"Oo, yung ulan." pag putol ko sa sabi niya.

FLASHBACK

"Hayy patay umuulan." Sabay tayo ko sa pagkakahiga ko sa ilalim ng Acacia. Agad kong kinuha ang payong ko para hindi ako mabasa nang ulan.

"Grabe ang lakas ng ulan" Hindi ako maka alis sa sobrang lakas ng ulan. Kinuha ko ang phone para i-text si Mama baka nag aalala na yun sa akin ng biglang may tumabi sa akin.

"Puwede maki share ng payong. Naiwan ko kasi payong ko sa loob ng kotse ko medyo malayo kasi ang pinag parkingan ko eh" mahaba niyang sabi.

"Ok po kuya"

" Ethan Sebastian nga pala" sabay lahad ng kamay niya sa akin.

"Jhay Castillo" sabi ko sabay abot sa kamay niyang naka lahad.

"Bakit ka nandito sa ilalim ng Acacia ng mag isa?" Sabi ni Ethan.

Fight for Nothing - BoyxBoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon