Chapter 14 - Tampuhan

119 3 0
                                    

After nang lahat ng nangyari. Mga programs, short quiz  na 1-60 items araw-araw, periodical Test for the first grading, mga projects, at mga kung ano anong term paper, reaction, research, position paper at kung ano ano pa.

After nang lahat ng 'yan.....







Isa lang ang masasabi ko.....








May forever......









Sa kape...hahaha
#sleepless night with a cup of coffee...

Pero this time, medyo maluwag na schedule ko kaya naman napagdesisyunan kong umuwi sa probinsya...

Nasa bus na ako, mga apat na tao nalang siguro ang kulang para mapuno ang bus... Kinuha ko phone ko para makinig ng music... kasama nun ang pagsigaw ng mga nagbebenta ng pagkain. Mga pasalubong, tubig, mani, at kung ano ano pa... Ipinikit ko nalang ang mga mata ko para umidlip kasi sa wakas ngayon nalang ulit ako matutulog ng maaga netong mga nakaraang buwan kasi madaling araw na ako natutulog dahil sa mga academic projects... hindi ko na rin sinabihan si Bestbud na uuwi ako para surprise.

-------------

After ng 3 hours na biyahe sa wakas nakuwi na rin ako sa probinsya.... After 3 months ng hindi ko pag uwi ay nanibago ako. Walang traffic bagkus malinis ang kalsada, hindi mabaho dahil walang masyadong sasakyan na nagbubuga ng usok, tahimik, at kahit gabi na hindi ka matatakot na mag lakad dahil alam mong walang mga masasamang loob na mananakit sayo compare sa siyudad... Nagbago na rin ang mga kalsada this time medyo concrete na siya dati kasi mabato at mahirap daanan ng sasakyan,  napansin ko rin ang mga street light na ginagawa palang..

"Province is a paradise." Sabi ko sa isip ko habang tinititigan ko ang mga nadadaanan ko. Dati araw araw ko lang 'to nadadaanan ngayon minsan nalang.

Pagkarating ko ng bahay. Tahimik, patay lahat ng ilaw at mga asong kumakahol dahil na rin siguro madilim at hindi nila ako makita masyado. Kumatok ako ng pinto, siguro mga 3 katok bago ako pinagbuksan ni Lola, nagulat naman siya.

"Na-miss kita Inang." Sabay yakap ko sa kanya.

"Na-miss din kita Apo."

Dumiretso agad kami sa kusina para kumain ng binili kong Lomi sa nadaanan kong karenderya kanina.

"Pumapayat ka ata Apo." Sabi ni Lola habang kumakain kami.

"Stress lang Lola." Maikli kong sabi.

Tinext ko si Bestbud kanina pero hindi pa rin siya nag rereply tulog na siguro yun, puntahan ko nalang bukas. Tumayo na ako at hinugasan ang mangkok na pinagkainan namin ni Lola. After nun natulog ako pero this time sa kuwarto naman ni Lola. Kahit na medyo hindi ako sanay kasi mag isa lang akong natutulog sa kuwarto ko ay tinabihan ko siya kasi na-miss at gusto ko siyang yakapin habang natutulog ako.

--------------

Gumising sa akin ang tilaok ng manok sa kapitbahay... hayyy nasa probinsya na talaga ako. Sa siyudad kasi mga tunog ng sasakyan at mga bongangerang kapitbahay ang gigising sayo...hahaha...so true...^___^

Pumunta ako ng banyo para maghilamos at mag toothbrush. Pagkatapos nun pumunta ako sa kusina para kumain, the usual food na kinakain ng mga tao dito sa lugar namin ang niluto ni Lola. Tuyo, itlog, talbos ng kamote, kamatis na may alamang, kape at pandesal.  Nakakagutom!!!!.....

After naming kumain ni Lola tumulong naman ako sa paglilinis inuna ko ang kuwarto ko na hindi na medyo marumi na dahil madalang na lang tulugan. Sinimulan ko sa pagpagpag ng mga gamit, pag ayos ng mga libro, pag-agiw, pag punas ng bintana, pinaliitang ang bed sheet, punda ng una, kurtina, nagwalis at naglampaso.

Fight for Nothing - BoyxBoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon