Random fact #1: Ang mama ng author ay nasa bansang singapore rin katulad ng mama ni Jhay.
"Jhay, anak dalian mo ma-le-late ako sa flight ko" sigaw ni Mama.
Aalis na rin kasi siya papuntang Singapore. Malulungkot na naman ako bakit kasi kelangan pa niya mag trabaho sa ibang bansa eh puwede rin naman dito. Kesyo mas malaki daw ang sahod, kesyo mas makakaipon daw. Hayy... ganun nalang ba kahirap ang Pilipinas at kelangan pa talaga mag abroad ang karamihan para lang kumita ng malaki...huhuhu... wat a pur kantry..haha patalsikin sa trono ang presendente.hahahaha..xD
"Andyan na po."
Pagkababa ko nakita ko agad si Mama na nakabihis na at may dalang maleta, nakita ko rin si Tita para sunduin ako at si Lola na nakaupo at mukhang malungkot.Agad akong pumunta kay Lola para yakapin siya ng mahigpit.
"Ampay naglungkot ka La? (Bakit ka nalulungkot La?) sabi ko in Ilocano. Yun kasi ang language namin dito sa probinsya.
"Umalis ka gami'nin"
(Aalis ka na kasi.)"Agsubli ak pay met. Ag iskwela ak lang diyay Maynila"
(Uuwi rin naman ako. Mag-aaral lang po ako sa Maynila)"Uh, sige garud. Agsubli kat 'toy ah. Agan an'nad kad dyay."
(Ok sige, babalik ka hah, mag ingat ka doon) Sabay halik sa akin ni Lola.Muntik na ako mapa iyak dun ah huhuhu.
"Ma umalis ka'min. Ingat ka Ma"
(Ma alis na kami. Ingat ka Ma) Sabi ni Mama at Tita sabay yakap kay Lola.Pagkalabas namin ng bahay tinitigan ko muna ang lugar namin. Ang mga bukid at maraming puno, may patubig, mga batang naglalaro na walang salawal ( I once like that before hahah ) at mga kapitbahay na walang ginawa kung hindi magbalita.... to put in a better term "Chismosa" hahaha....^_____^.
Ewan ko ba naman sa lugar namin napakaraming ganyang klaseng tao, inuuna pa ang makipag tsismisan keysa magluto ng almusal nila. Hahha,, buhay nga naman.Sumakay na kami ng tricycle peri hanggang ngayon hindi ko parin nakikita si Bestbud ni isang text wala man lang.
"Ang lungkot natin ah" sabi ni mama.
Nagulat ako dun ah. Napansin siguro niyang nakasimangot ako.
"Wala to Ma"
"Sus, si Ethan ba?"
"Hah"
"Wag ng mag deny, kilala kita."
Tumango tango nalang ako. Totoo naman kasi yung sinabi ni Mama. Alam niya kasing gusto ko present lahat ng mga mahahalagang tao sa buhay ko kapag umaalis ako malay mo huling araw ko na pala 'to edi hindi ko sila nakita even one last time diba.
BINABASA MO ANG
Fight for Nothing - BoyxBoy
Roman d'amour"Ang pagmamahal parang pagsusundalo lang 'yan you must know how to fight and surrender " . . . Lalaban ka pa ba kung alam mong wala na talaga siya? . . . Aasa ka pa ba kung alam mong wala ng pag asa? . . . Learn how to fight and surrender. That's th...