Random fact #3: Pangarap ng Author na magkaroon ng Boyfriend na marunong mag basketball.;)
Aarayy"sabi ko sabay hawak sa ulo ko na natamaan ng bagay na hindi ko naman nakita busy kasi ako sa pagta type ng keyboard ko para replayan si Best bud.
Nakita ko namang naglakad yung lalaking naglalaro kanina. Maputi siya matangos ang ilong built in ang katawan, angelic face tapos ang ganda ng mga mata niya ang haba ng mga pilik mata niya.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Galit na sabi ng lalaki sa akin sabay kuha ng bola. Huh bola pala yung tumama sa ulo ko.
"Tumitingin naman ako ah. Careless lang kayo sa paghawak ng bola"sabi ko ng malumanay lang.
"Kami pa ngayon ang may kasala----" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"Van. Pare" sabi ni Gab sabay fist bump ng dalawa.
"Magkakilala na pala kayo ni Jhay?" Singit ni Iya.
"Hindi."agad niyang sagot sabay tingin sa akin ng masama.
Bago pa man ako makapag salita hinila na ako ni Iya para umupo at manuod ng laban nila Gab.
"Sinungatan ka ba niya?" Pagtatanong ni Iya sa akin nang makaupo kami.
"Huh?" Taka kong tanong.
"Si Van. Yung nakausap mo kanina"
"Ah" tipid kong sagot.
"Pagpasensyahan mo na lang siya kung masungit ganyan talaga yan parang babae akala mo dinadatnan sa sobrang sungit. Kami nga mismo kahit mga kaibigan niya kami nagagalit parin siya. Hindi naman namin alam kung anong mga problema niya kasi hindi naman siya nag kukuwento sa amin." Mahabang sabi ni Iya.
Tumango tango nalang ako at tinuon ang sarili sa panunuod sa basketball. Sakto naman at tumunog ang whistle ng referee kaya nagimula na.
"Hahhhh.. Go.. Babe
Go Gab" sigaw ni Iya na para bang nakalunok ng mike sa sobrang lakas ng hiyaw niya. Tumingin naman si Gab sa kanya at kinindatan siya kaya umupo na si Iya.Habang nanunuod kami ng game nila Gab nakikita kong tumitingin sa akin si Kuyang Sungit.
-----------------
BINABASA MO ANG
Fight for Nothing - BoyxBoy
Romance"Ang pagmamahal parang pagsusundalo lang 'yan you must know how to fight and surrender " . . . Lalaban ka pa ba kung alam mong wala na talaga siya? . . . Aasa ka pa ba kung alam mong wala ng pag asa? . . . Learn how to fight and surrender. That's th...