Me [ 10:42 ] - Hai Bestbud saan ka na? Ingat sa biyahe. Text mo ako hah kung nakauwi ka na:):):). Ingat:)
Text ko kay Bestbud. Madaling araw kasi siya bumiyahe kaya hindi na ako nag expect na mag rereply siya kasi nga puyat malamang matutulog yun buong biyahe.
Ibubulsa ko na sana yung phone ko ng biglang nag ring ito. 1 new message from Sungit.
Ano na naman ba ang problema nito. Ang aga aga maninira na naman ng araw.
Sungit [ 10:44 ] - K-Garden at 5:00 pm.
Text sa akin ni Sungit este ni Van. Ano naman kaya pumasok sa isip nito bakit ako pinapapunta sa K-Garden. Pagkatapos niya akong hindi pansinin kahapon.
Me [ 10:45 ] - Bakit?
After 10 minutes. Ayun hindi parin ng reply.
"Ta pasok na po ako." Pag papaalam ko kay Tita.
"Ok. Ingat:)"
Sumakay na ako ng tricycle... hayy naku traffic may quiz pa naman kami ngayon.
Habang nasa biyahe ako hanggang sa makarating ako sa school hindi maalis sa isip ko kung bakit pinapapunta ako ni Van sa K-Garden. Ano naman kaya ang sasabihin niya.
Pagkapasok ko palang ng gate bumungad na sa akin yung mala-dragon na boses ni Iya.
"Jhayyyyy!!!!" Sigaw niya kaya yung ibang nagkaklase nakatingin na sa amin.
Ngumiti lang ako sa kanya para hindi halatang naiinis ako sa kanya. Ikaw ba naman sigawan ng mala-dragon na boses. Pero parang napansin naman ni Gab yun.
"Pagpasensyahan mo na si Bhabe ah Jhay. Masanay ka nalang." Sabat ngisi niya sa akin.
"Ano sabi mo!" Sigaw ulit ni Kyla atsaka binatukan si Gab.
"Arayy.. babe!" Habang himas himas ni Gab yung braso niya.
"Che!" Irap ni Iya.
"Kung ako sayo Gab. Magpatingin ka na sa Doctor araw araw ka nalang may pasa sa braso mo dahil sa kakahampas ni Iya." Sabi ko sabay tawa.
Tiningnan naman ako ni Iya ng masama.
"Ah. Bakit di niyo pala kasama si Van?" Pag-iiba ko mg topic.
"Ayyyiiiieee... Nagtatanong siya tungkol kay Van." Sabi ni Iya sabay taas baba ng kilay niya.
"Anong masama sa nagtatanong." Sabi ko sabay irap sa kanya.
"Concern kasi." Pang aasar pa ni Gab.
Hindi na ako umimik. Umalis na lang ako para maka iwas sa pang aasar nila.
"Hoy! Jhay saan ka pupunta?" Sigaw ni Iya.
BINABASA MO ANG
Fight for Nothing - BoyxBoy
Roman d'amour"Ang pagmamahal parang pagsusundalo lang 'yan you must know how to fight and surrender " . . . Lalaban ka pa ba kung alam mong wala na talaga siya? . . . Aasa ka pa ba kung alam mong wala ng pag asa? . . . Learn how to fight and surrender. That's th...