Chapter 5 - New???

124 6 0
                                    

Random fact #2: Katulad ni Jhay ang Author ay lumipat rin ng school nang siya ay nag senior high at HUMSS din ang kinuhang strand nito.:)

"Ah ang ingayy" sabay takip ng unan sa ulo ko. Inaantok pa kasi ako. Kaso kapag natulog pa ulit ako baka ma-late na ako niyan. Tumayo ako at inoff ang alarm clock na nasa ibabaw ng maliit na lamesa. Tiningnan ko ang phone ko kung nag text na si Ethan mukhang maaga pa naman eh. 8:00 naman pasok ko.

Best bud [ 6:49 ] - Good morning Best bud. Gising ka na baka ma late kaNangiti naman ako dun. Kahit ang layo namin sa isa't isa ang thoughtful parin niya.

Me [ 7:00 ] - Gising na po:)

Pagka reply ko ay nagtungo na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos nun ay bumaba na ako para kumain.

"Oh Jhay gising ka na pala. Halika na at kumain ka na" yaya ni Tita habang naghahanda ng plato sa mesa.

Umupo na ako at sabay kaming kumain ni Tita. After 15 minutes natapos rin akong kumain.

"Ta alis na po ako." Sabay tayo ko.

"Oh eto oh baon mo." inabot niya sa akin ang 200 pesos.

"Ah wag na po Ta may pera pa po ako." Pagtatanggi ko.

"Ayyss sige na kunin mo na. Mas maganda yung sobra kesa kulang." Sabay ngiti ni Tita. Alam ko namang mapilit siya kaya kinuha ko nalang.

"Salamat Tita". Pagkasabi ko nun ay umalis na ako papuntang school.

---------------

Andito na ako ngayon sa bagong school na papasukan ko. Hindi ko na babanggitin ang pangalan ng school. Basta medyo malawak at dalawang palapag ang mga building.

"Huh. Kaya mo to Jhay. Kaya mo to. New environment. New school. New friend."bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa gate ng aking bagong school.

Pumasok na ako at sinimulang hanapin ang room ng Grade 11-HUMSS. Habang naglalakad ako may nakita akong mga nakapulang shirt. Mga SSG sila kaya minabuti kong magtanong sa kanila.

"Ah Ate, puwede po magtanong?" Tanong ko kay Ateng naka ipit na mala Ariana Grande.

"Ah ano yun?"

"Saan po ba dito ang room ng Grade 11- HUMSS"

Fight for Nothing - BoyxBoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon