"Dahan dahan lang bestbud, may bukas pa!" Pagpipigil ko sa kanya. Akala hindi kumain ng isang linggo sa sobrang takaw niya.
"Eh sa ngayon lang ulit ako nakakain ng kwek kwek." Pagdedepensa niya.
"Huh! Araw araw mong nadadaanan 'to ah. Palusot!" Pagdedepensa ko rin.
"Oo nga pero mas gusto ko kumain ng kwek kwek kapag kasama kita." Sabay beautiful eyes niya.
"Mukha nga. Haha.." sabay subo pa niya ng tatlong kwek kwek ng sabay sabay...
"Huyy... dahan dahan lang mabulunan ka Bestbud."
"I-mouth to mouth mo ako pag nagkataon!" Sabay pout ng lips niya.
"Tse!!"
"Hala siya..mamatay na ako nun hindi mo parin ako ililigtas."
"Hmmm.." sabay hawak ko sa baba ko at tumingin sa langit.
"Nag isip pa siya oh."
"Oo na..kapag nabilaukan ka lang naman."
"Ayun oh... pa-bebe pa kasi papayag rin naman."
"Hoyy! Hindi ako pabebe noh!"
"Ay sus...hindi raw!"
Hanggang sa paglalakad namin papunta sa bahay inaasar niya ako ng pabebe...ang sarap batukan abg mokong.... kung hindi lang kita bestbud ay.. nako!!!
"Bestbud" maikli niyang sabi at nag iba na rin ang mood niya.
"Oh bakit?"
"Kamusta ka naman?" Nagulat ako sa pagtatanong niya kasi hindi siya yung tipo ng tao na nag-oopen up ng topic ginagawa niya lang 'yon kapag malungkot siya o wala na siyang maisip na topic.
"Ako...same parin maganda..hahah" sinagot ko siya ng pabiro para naman tumawa siya pero yung tawa niya halata mong pilit..gusto ko siyamg tanuningin kong anong problema pero hindi ko ginawa alam ko kasing sasabihin rin niya 'yun kapag handa na siya.
"Talaga lang ah. Haha."
"Ang tagal ko nang hindi dumaan dito." Sabi ko sa kanya habang tinitignan ang mga nagbago sa gilid ng dinadaan namin dati kasi puro damo lang siya ngayon puro bato na.
Umupo kami sa benches na gawa sa kahoy sa gilid ng park habang pinagmamasdan ang mga elementary students na nagsisilabasan na dahil uwian. Yung iba may mga sundo, yung iba naglalakad pauwi, yung iba naman naglalaro pa dito sa park.
BINABASA MO ANG
Fight for Nothing - BoyxBoy
Romantizm"Ang pagmamahal parang pagsusundalo lang 'yan you must know how to fight and surrender " . . . Lalaban ka pa ba kung alam mong wala na talaga siya? . . . Aasa ka pa ba kung alam mong wala ng pag asa? . . . Learn how to fight and surrender. That's th...