Chapter 17 - New Learnings

199 4 2
                                    

Time check.....

.

.

.

.

.

.

2:00 a.m.

.

.

Umuwi ako ng madaling araw para hindi mainit, may pasok na rin kasi ako ng 10:00 a.m kaya kailangan kung habulin yun baka masabihan ako ng Attendance is a must! ng teacher ko sa oras na 'yun.

Kasalukuyang umaandar ang bus, hindi na ako inihatid ni Ethan kasi hindi ko siya ginising ayaw ko siyang mapuyat dahil alam kung marami rin siyang gagawin ngayong araw.

Sa tuwing aalis ako ng probinsya pakiramdam ko nag kakaroon ako ng SEPANX-separation anxiety, yung feeling na ayaw mo umalis sa isang lugar dahil doon ka lumaki at nagka-isip, doon mo nahanap yung sarili mo, doon ka mas kumportable pero kailangan mong umalis at lumayo sa lugar na kinagisnan mo upang hanapin at makita ang realidad ng mundo... what a vast and complex world is this T____T

Mabilis ang takbo ng bus, 1 hour na akong nakasakay at nasa kahabaan na ng NLEX, nag vibrate naman ang phone ko sa kalagitnaan ng pag-eemote ko.

1 new message from Bestbud.....

Bestbud [ 3:37 ] - daya mo! Hindi mo 'ako ginising:(

Nangiti naman ako sa text niya, kahit alam kong pagod at puyat siya nag aalala parin siya..

Me [ 3:39 ] - ok lang ako bestbud. NLEX na ako:)

Bestbud [ 3:40 ] - tamo! Hindi man lang kita nakitang umalis.

Me [ 3:41 ] - Ala siya! Oks lang ako, tulog ka na;)

Bestbud [ 3:43 ] - eh wala! Hindi man lang ako nakapag-paalam sayo:(

Me [ 3:43 ] - oks lang yun, ano ka ba.

Bestbud [ 3:44 ] - Oo na nga, ingat ka sa biyahe, text ka kapag nakarating ka na. Lab you Bebs;)

Me [ 3:45 ] - wushu! Landi mode ka na naman, haha:)

Bestbud [ 3:46 ] - minsan na nga lang mang lande eh hindi pa sakyan:(

Me [ 3:47 ] - haha, diyan ka magaling eh. Sige na tulog ka na ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fight for Nothing - BoyxBoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon