7:00 ang start ng Socialization Party eh hindi naman ako sanay magising ng maaga kasi pang hapon ang pasok ko kaya laging 10:00 ang gising ko. Nag-alarm ako ng 5:30 sa phone ko para naman magising ako ng maaga and guess what?
..
.
.
.
.
Nagising ko ng 6:45. Ni hindi ko manlang narinig yung ringtone ng phone. Hayyyy... naku Jhay kahit kelan talaga tulog mantika ka hahaha..xD.
Hindi na ako kumain, naligo at nag toothbrush nalang ako late na late na ako kapag nagkataon 15 minutes lang ang time ko para gumayak.----------------
Habang nasa jeep ako nararamdaman kung tumutunog na ang tiyan ko nag-wawala na ang mga alaga ko sa tiyan.haha..LoL
..
.
7:30 na ng nakarating ako sa venue. I'm 30 minutes late. Nakapila na rin ang mga classmate ko.
"Uy Jhay." Bungad agad sa akin ni Bridgette.
"Hi. Ba't may pila."
"May ibibigay daw ang SSG eh."
"Ah. Ano naman kaya yun?"
"Ewan. Bakit ka pala late?"
"Alam mo na. Late ng---"
"Ng gising." Pagpuputol niya sa sinabi ko. Tumawa nalang ako kasi totoo naman.
Bago kami makapasok sa loob binigyan kami ni Iya ng 5pcs 1/4 colored paper na iba't ibang kulay. Si Gab naman nag aayos ng pila sa loob para hindi raw magulo. Puro SSG ang nag-su-supervised pero bakit wala si Kuya. Bakit hindi ko makita si Van.
"Para saan naman 'tong colored paper?" Taka kong tanong kay Iya. Nauna nang umalis si Bridgette kasi may titignan daw siya sa loob.
"Basta." Tignan mo 'tong babaeng 'to ayaw pa sabihin. Wa epek rin naman tong pakulo niyo... haha.
"Psst... Iya si Kuya?"
"Huh?Sinong Kuya?"
"Si Van."
"Ay oo nga pala Kuya at Bunso pala tawagan niyo" Inemphasize pa talaga niya yung word na Kuya at Bunso.
"Ewan. Nandito lang kanina yun eh biglang nawala." Sabay bigay niya ng colored paper sa lalaking nasa likod ko. Ngayon ko lang naalala hindi pa pala ako umaalis sa pila, ayan Jhay inuna pa kasi ang kadaldalan. Siguro naiinis na sa akin yung mga nakapila s likod.... hahahaha...peace yowww.
"Sige pasok na ako. Mahaba na pila haha."
"Ah siya nga pala. Hindi ba kayo nagkita ng "kuya" mo kanina?" Pagtatanong niya tapos with qoute and unqoute hand gesture pa.
BINABASA MO ANG
Fight for Nothing - BoyxBoy
Romantik"Ang pagmamahal parang pagsusundalo lang 'yan you must know how to fight and surrender " . . . Lalaban ka pa ba kung alam mong wala na talaga siya? . . . Aasa ka pa ba kung alam mong wala ng pag asa? . . . Learn how to fight and surrender. That's th...