M.D.J. [93]

14 1 0
                                    

M.D.J.

Bagong edisyon ng mga mag-aaral

Lizza Marie C.

Ang high school life ang pinakamasatang parte ng pagiging estudyante. Marami kang nalalamang bagay na di mo pa natutuklasan sa buong buhay mo. Dito mo mararaasan ang mga bagay na di mo aakalaing kaya mong gawin (relate much). Dito, magkakaroon ka ng maraming kaibigan na tutulong sayo anuman ang mangyayari. At higit sa lahat, dito mo makikilala at makakasalamuha ang iba't ibang uri ng estudyante, ang bagong edisyon.

Producers - ang mga estudyanteng may mga mabubusilak na puso na namimigay ng papel at nagpapahiram ng bolpen sa mga kaklase nila, lalo na sa mga feeling iskolar ng bayan. Ang masaklap pa nito, minsan, di pa nababalik sa kanila ang mga bolpen na hiniram ng mga kaklase nila. Gustuhin man nila na 'tipirin' ang kanilang papel, wala silang magawa kundi ang magbigay sa mga estudyanteng araw-araw na nanghihingi at umaasa sa kanila dahil nahihiya silang tumanggi sa mga ito.

Consumers/Parasites - ang kalipunan ng mga estudyanteng palaging umaasa sa mga producers. Sila ang mga suking nanghihiram ng bolpen, papel, correction tape, scientific calculator, periodic table, at iba kahit may perang pambili naman. Kahit ang kabilang silid-aralan ay pinupuntahan nila upang makahiram lang ng mga dapat gamiyin sa pagsusulit.

A++ - kilala sila bilang 'anak ni Rizal'. Kung sakaling magkakaroon man siya ng tagapagmana ng kaniyang katalinuhan, siguradong sila ang mangunguna sa listahan. Sila ang mga estudyanteng pag-aaral ang unang inaatupag at parating puno ang bag dahil sa mga librong mala-yelo ang bigat.

M.D.J.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon