M.D.J.
Haha! LOL.
Yung feeling na nilibot mo ang napakalaking school para lang mahanap ang infirmary pero nung pabalik ka na sa pinanggalingan mo, may madaling daan pala!
Anyway, let's talk about Cudiat. Kasalukuyan kasing binabalita.
Sigh.
I am very disappointed to our President.
Hindi man lang niya tinignan ang side ng PMA student. Kung nagsisinungaling si kuya, magrereklamo ba yun?!
Hinayaan niyang hindi makagraduate si Kuya, ibig sabihin, kinampihan niya yung nagpaparatng kay kuya na nagsisinungaling kahit napatunayan nang binaligtad ng leiutenant ang botohan! He is not guilty!
Karapatan ni Kuya na makagradaute!
Ano yun?! Katamaran?!
Late lang siya ng 2 minutes, 2 MINUTES!!!!! 2 minutes lang! tapos hindi na siya makakagraduate?
Kung ang pinagmamalaki nilang honor code ang pagbabasehan, dapat na matanggal ang leiutenant dahil sa pagsisinungaling niya at napatunayan na iyon!
Err! Hindi sa sinisiraan ko si President PNOY pero yun ang pinapakita niya. Hindi lang ako ang nakakapansin niyon. Hindi puwedeng Ekonomiya lang ng bansa ang priority niya, okay lang naman sa akin ang about sa economy natin kasi sobrang pabor ako sa pagtaas nito dahil na rin sa mayroon akong passion sa business, pero isipin niyang ama rin siya ng mga mamamayan ng bansang pinapamahalaan niya. Oo, mahirap ang maging presidente ng isang bansa pero pinili niyang tanggapin ang mabigat na responsibilidad kaya siguro naman alam niya ang mga consequences ng pagiging president. Hindi lahat ng kanyang nasasakupan ay may sapat na kaalaman na mayroon siya kaya kailangan niya na maging maunawain.
Atsaka... siguro nga tama ang mga sinabi ng ibang mamamayan na dapat na siyang magkapamilya.
Isipin niyo na lang ang nararamdaman ng ama ni Kuya kasi hindi siya nakagraduate.
Did you get it, guys?
Haay...
This is just my opinion. Iyon ang tingin ko sa mga nangyayari ngayon.
Ang sabi, nagkaroon sila ng private conversation. Siguro nga nang dahil sa pag-uusap na iyon binase ni President ang desisyon niya. Okay, I understand now. Malamang ay may hindi tayo alam na sila lang ang nakakaalam kung bakit yun ang desisyon ni President.
Pero as one of the country's citizen na hindi alam ang pinag-usapan nila, malamang ay ito rin ang iniisip tulad ng karamihan.
BINABASA MO ANG
M.D.J.
Random[REPUBLISHED (1-63)] IT ALL STARTED WITH A WRITER'S BLOCK! THIS IS NOT A STORY! Kung tsismosa ka, edi go ka lang. Hindi naman kita mapipigilan kung sasabihin kong 'huwag mong basahin'. But i really don't recommend this to everyone to read. For other...