M.D.J.
Open letter 'kuno' lang. :) Wala akong magawa eh. LOL. Ewan kung magiging love story 'to. Depende sa takbo ng isip ko ngayon. Hahaha!
* * * *
Dear Mr. E.D.,
Naalala mo pa ba ang una nating pagkikita? Eh yung una nating pagkakilala? Natandaan mo pa ba? Malamang, hindi na. Ikaw pa, makakalimutin ka eh.
Sige. Ipapaalala ko sa'yo. Pero huwag kang tatawa ah. Mababatukan kita, sinasabi ko sa'yo. Siguro hindi mo ako nakita noong araw na iyon, noong enrollment. College freshmen tayo. Huwag kang assuming! Hindi ako na-love at first sight sa'yo. Talagang agaw-pansin ka lang. Ang puti-puti mo kasi. Kumpara naman kasi sa mga kasama nating pumipila, ikaw yung stand out. Napapatingin pa nga yung mga nagsa-summer class na magiging second year na sa pasukan nang dahil sayo. Natatawa pa nga ako dahil sa napapalingon din ang mga lalaking students na dumadaan mismo sa hallway kung saan tayo pumipila. Nababakla ata sayo. Ang tindi ng pogi problem mo, dre!
Halata namang mayaman ka pero bakit sa MSU mo napiling mag-aral? Dahil ba sa isang standard school ang MSU? Sabagay, nababalitaan ko ngang maraming mayayaman ang pumapasok sa Unibersidad na iyon.
Ang bilis ng panahon. Sa pagkaalala ko, parang kahapon lang enrollment pa tapos dumating na yung araw na pasukan na. Syempre, busy ang lahat na maghanap ng mga building at rooms nila. Mabuti na nga lang kasama ko ang isang bestfriend ko at isang napakaclose friend. Blockmates kasi kami.
Lumipas ang mga linggong hindi na kita nakikita kaya naman parang nawala ka na rin sa isip ko. Ganito naman kasi ako. Mabilis ma-attract sa isang lalaki pero mabilis ring makalimot. Hanggang doon lang. Isang araw, nakita kita sa H building kung saan rin ang isang klase ko. Nasa kabila kang hallway. Papasok rin sa klase mo. Doon ko nalaman na Engineering Department ka. Kalahati kasi ng building eh Education at sa kabila naman ay Engineering. Sinasabi ko lang baka kako nakalimutan mo. Alam kong makakalimutin ka.
Napangiti ako pero ang labas parang smirk. Hindi kasi ako yung expressive sa emotion. Binatukan pa nga ako ng bestfriend ko kasi nagsmirk ako. Hindi ko alam na may sinasabi pala siya. Masaya lang ako. Para kasing namiss kita. Haha! Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa na-attract ako sayo.
Akala ko iyon na ang huli kong kita sayo. Magkaiba kasi tayo ng department at malamang ay magkalayo ang mga schedules natin. Hindi ko na rin inabala ang sarili kong alamin kung anong.course sa engineering ang kinuha mo at ang schedule mo. Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo eh. Ako yung tipo na hindi naghahabol sa lalaki. At saka hindi mo naman ako kilala kaya okay lang. Nagkataong isang araw ay natambay ka ng library at napadalaw ako doon. Ang seryoso mo. Nalaman kong ang mga Professors sa Engineering Department ay hindi nagkaklase. Binibigyan lang kayo ng topic at page ng pag-aaralan at magkita na lang sa long quiz o di kaya ay sa exam na. Napanganga ako. Edi kayo na ang matalino.
Tulad ng dating gawi, sinulyapan lang kita at wala na. Mind my own business na.
Patuloy lang na ganoon ang nangyari sa buong taon. Wala naman kasi akong balak na kilalanin ka pa o maging parte ka ng buhay ko. Attracted lang naman kasi ako sayo.
Second year nung nagkakilala tayo. Hindi ko nga ineexpect na darating ang pagkakataong yun eh. Intrams nun. Bumili ako ng pagkain noon at hindi ko naalalang naiwan pala sa bag ang wallet ko. Timing namang nasa likuran kita na hindi ko alam na ikaw pala ang sunod sa akin. Ikaw nagbayad ng mga pinamili ko. Dahil sa ayokong may utang na loob ako sa mga taong hindi ko kilala ay sinabi kong babayaran kita bago ako umalis ng canteen. Pero naalala kong hindi ko natanong kung saan kita pwedeng makita. Lumipas na naman ang mga linggo na hindi kita mamataan kaya sinabi ko na lang sa sarili ko na sa susunod na lang kita babayaran pagnakita kita. Ayokong libutin ang napakalaking school para lang hanapin ka. Subdivision nga namin eh hindi ko inabala ang sarili kong libutin, school pa kaya?
BINABASA MO ANG
M.D.J.
Random[REPUBLISHED (1-63)] IT ALL STARTED WITH A WRITER'S BLOCK! THIS IS NOT A STORY! Kung tsismosa ka, edi go ka lang. Hindi naman kita mapipigilan kung sasabihin kong 'huwag mong basahin'. But i really don't recommend this to everyone to read. For other...