M.D.J.
Kakatapos lang ng "Marley and Me". Ang sakit sa loob na namatay yung alaga niyong aso. Simula tuta pa lang ito, inalagaan mo na tas makikita mo ring mamamatay. T.T
While I was watching the movie, nasasabi ko sa isip ko: "Hahaha! I feel you, man!" Why?
Alam ko yung feeling na pinipigilan mo yung alago mo sa pagngatngat ng mga gamit niyo, yung feeling na napapanganga o napapafacepalm ka na lang habang pinapanood siyang kagat-kagatin ang isang stuff toy hanggang sa magkandalabasan na yung mga cotton na laman nun, yung feeling na kahit saan umiihi at nagbabawas ang alaga mo, yung feeling na hahabulin mo siya kahit saan mapunta, yung feeling na kahit nakatali na, parang wala lang, mahihila ka pa, at YUNG FEELING NA ANG KULIT NG ASO MO! Hahaha!
Naalala ko pa nun, pinagkamalan niyang buto yung kamay ko. -,- Hindi naman masakit yung kagat niya. Nanginginig pa nga siya eh, takot makagat talaga ako. Mukha lang harsh kasi namula. Ganin naman talaga ang skin ko, namumula agad.
Matatawa ka pag sinabi kong takot siya sa tubig! Hahahaha! Papalitan ko lang yung inuman niya, nakita lang akong may dalang lalagyan ng tubig, nanahimik na sa corner. Hahaha!
Teritorial siya. ayaw niyan may ibang tao sa bahay. LOL.
Ang suplado din. Nangangaway ng babaeng aso, sabagay, He hates bitches. Hahaha!
Ayaw niyang kumain ng isda. -,- Paborito niya ang kahit anong karne. Ang sosyal no? Kami nga kumakain ng tuyo, siya nag-iinarte. Hmp!
Oy! Ang sarap ng tuyo! Lalo na yung pinikas. *lick lips*
Ang kulit-kulit niya! LOL.
Sa tuwing iniisip ko ang ending ng "Marley and Me", tinatanong ko ang sarili ko, "Ano ang gagawin ko pag dumating na yung panahon niya?"
Sa totoo lang, ayokong dumating ang panahong yun, lalo na na nalalapit na. Ayoko.
Basta, susulitin ko muna ngayon.
Ay grabe, ang kulit nita!
O siya, papaliguan ko muna. Nagpapahabol pa eh. -,-
Lelelelele~
BINABASA MO ANG
M.D.J.
Random[REPUBLISHED (1-63)] IT ALL STARTED WITH A WRITER'S BLOCK! THIS IS NOT A STORY! Kung tsismosa ka, edi go ka lang. Hindi naman kita mapipigilan kung sasabihin kong 'huwag mong basahin'. But i really don't recommend this to everyone to read. For other...