M.D.J.
May isusulat pa ako dito. quite long. basta. Hindi ko isususlat dito through tab.
x-x-x-x-x-x-x-x
Okay, tapos na ang intrams at nakakapagod! Nakakapagod tumanganga! -,-
Syempre, kahit hindi ako sumali ng volleyball ay nanood ako. Palampasin ko ba naman ang labanan sa H. Well, laban ng H kasi Education and Engineering ang match--nasa iisang building lang kasi ang Eng'g at Educ. Iyon talaga ang inaabangan ng buong school pagdating sa volleyball girls.
Hay, naku po! Now I know kung bakit hindi matalo-talo ng educ ang eng'g kahit palagi silang napapasok sa finals! Kahit sino namang katulad ko na hanggang division meet lang ang narating (dahil sa wala akong planong career-in ang vb) ay malalaman mo ang flaws nila. oh my goodness, sobrang transparent ng play nila! Mahuhulaan ng blocker ng kalaban kung sino magsaspike. Eh kahiy audience na walang kaalam alam sa vb eh malalaman mo kung sino magpapalo ng bola kasi iisa lang ang spiker! -,-
Ang hinhin ng setter. Hindi naman sa nagmamayabang pero kung ako ang nasa pwesto niya ay kaya ko pa mahabol ang bola. Gaaaah! Ang lapit kaya nun. Pwede pang mahabol! Ang playing coach/captain ball naman, mukhang iisang play lang ang alam. Nakapalarong pambansa naman pala. Ang tanong ko naman eh, isa ba siya sa starting six?
Hindi marunong magplano ang playing coach nila. Ang libero naman, haaay! Daig pa ang snail sa kakupadan! Duh! libero ka, kailangan mo makuha lahat ng first ball! Ikaw ang magrerecieve lahat ng palo. Ikaw an magtatakip ng lahat ng butas sa court! And most important, Sira ang bubbles nila!
Pinavideo ko yung laro eh. Nung pinanood ko, yung both sides, may rythm ang eng'g. magsaspike ang isa, may back up, may magcocover ng mga butas na posibleng makita ng spiker ng kabilang kupunan.
Hmm. enough opinion about the volleyball. Ang college naman namin!
Haay! Hindi ako sumali ng parade in my very first intrams sa college days ko. Why? Nakakahiya! Ako ang nahihiya para sa college namin. Ang college lang namin ang assorted ang kulay. Sana man lang sinabohan kaming magsuot ng tshirt na may specific na kulay para naman hindi pangit tignan sa parade. College short namin? Wala! Hindi dumating! At kahit tapos na ang intrams, hindi ko pa rin nakukuha ang college short ko!
Yes, they made an explanation from the both sides--from the manufacturer ang from the College org pero yung explanation na ineexpect ko ay wala. Kung nauto nila yung ibang educ students sa explanation nila eh hindi ako. Anong pinagsasabi nilang understand the situation? Heh, wala kamo silang organized plan.
Tradition na pala sa college ang ganoong situation, pinagpatuloy pa. Duh! Where's your common sense and being organized? Educ students kayo, remember?
Alam naman pa lang matagal ang production ng shirt kasi customized iyon ay hindi pa sila ang nagremedyo. Nakakabuwisit lang ay kung sino pa yung may kapit eh yun ang nakakakuha agad kahit hindi pa nila turn. Well, ganoon naman talaga sa reality kaya tanggap ko iyon pero yung unorganized ng org, ugh! Please, sa susunod na admin ng college, gawan na ng paraan. Haaay... Kug ako ang CESO pres eh may mga plano na ako ngayon pa lang kahit wala akong planong tumakbo bilang presidente ng CESO. Kug ako ay pres, sisiguruhin kong may mga connections ang mga officers ko. I don't care kung para sa popularity ang purpose nila basta may malaking silbi sila. May mga ibang officers naman na gusto kong maging sincere sa pagiging officer.
Hindi yung irresponsible. Katulad na lang nung sa attendance namin. Naghintay na kami ng ilang oras pero siya nandoon pala sa loob ng court at nanonood ng finals ng basketball!
Ugh!
Well, ito na lang.
BINABASA MO ANG
M.D.J.
Random[REPUBLISHED (1-63)] IT ALL STARTED WITH A WRITER'S BLOCK! THIS IS NOT A STORY! Kung tsismosa ka, edi go ka lang. Hindi naman kita mapipigilan kung sasabihin kong 'huwag mong basahin'. But i really don't recommend this to everyone to read. For other...