M.D.J.
This part is going to be a fanfic of my bestfriend's story. White Rose to be exact. Nabitin ako eh tapos hindi pa siya nag-a-update kaya heto, yung mga scenes na naglalaro sa isipan ko ay napagdesisyunan ko nang ilabas. Baka ito pa ang dahilan ng pagkabaliw ko. Chos! Drama ko. LOL
To: MissEmpty_Bottle
Bruha, mag-update ka na kung ayaw mong baliw nang Anna ang makikita mo sa pasukan. Sinasabi ko sa'yo, hindi kita titigilan hangga't hindi ka nag-a-update ng tatlong chapters. Blockmates pa tayo. Isang buong araw kitang guguluhin! Hahaha!
I-wa-one shot ko lang ito. Ayokong gawing next chapter 'kuno'. Kahit gusto ko. Hahaha! Dapat ... Basta!
* * * *
White Rose
©MissEmpty_Bottle
One Shot Fan Fiction
by ©night_princess
Kara's POV
Ang sakit. Ako ang asawa pero sa ginagawa ng asawa ko ay ako pa ang lumalabas na kabit. Parang pinupunit ang puso ko sa tuwing nakikita ko si Sean at si Misty na naghahalikan, at naririnig ang kanilang mga ungol gabi-gabi. Ang pinakamasakit sa lahat ay nasa iisang bahay lang kami.
Pero para sa pagmamahal ko kay Sean at para mabigyan ng kumpletong pamilya ang aming magiging anak ay titiisin ko. Titiisin ko ang lahat.
Narinig ko ang mga yabag ni Sean pababa ng hagdan kaya naman ay isinantabi ko muna ang mga ginagawa ko at humarap. "Sean, kumain ka muna. Sigurado akong guto--"
Napabuntong-hininga ako nang lumabas na lamang siya ng pinto na hindi man lang ako pinapansin. Hinimas ko ang kalakihan ko nang tiyan. Dalawang buwan na lang at isisilang ko na ang aming munting anghel. "Baby, pagpasensyahan mo na si Mommy. Palaging malungkot." ani ko habang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
M.D.J.
Random[REPUBLISHED (1-63)] IT ALL STARTED WITH A WRITER'S BLOCK! THIS IS NOT A STORY! Kung tsismosa ka, edi go ka lang. Hindi naman kita mapipigilan kung sasabihin kong 'huwag mong basahin'. But i really don't recommend this to everyone to read. For other...