M.D.J.
Warning: Do not eat while reading this. Makakapag-diet ka ora mismo!
Pasintabi po sa mga kakain, mga kumakain, at mga kakakain o kakatapos lang kumain at baka mawalan kayo ng gana o masuka kayo. You better read this if you aren't in the mood of eating. :)
Hello! Dahil sa naaadik ako ng Crusades Against The Undead (Book 2 ng Legion of the Undead) ay naisipan kong gumawa ng one-shot na concept ay zombie apocalypse. Ang mga bida ay kaming magbabarkada. LOL. Si Princess kasi eh! Tanong nang tanong noon kung 'Paano kapag nagka-zombie apocalypse nga?' Heto! Para matahimik siya, gagawa ako ng oneshot zombie apocalypse.
I hope you'll enjoy reading this oneshot. Hmm... This contains some brutal scenes. Hope you don't mind. Bahala na pag na Rated R ito. LOL.
Here we are!
_____________________________________
Oneshot: The Apocalypse
©night_princess
Hinampas ko ang tubo sa ulo ng zombie dahilan upang nabiyak ito. Itunusok ko naman pagkatapos sa papasugod na zombie. Punong-puno na ako ng dugo. Halos naliligo na ako. Err... hindi ko mapaliwanang ang amoy ng dugo galing sa zombie. Kakaiba though hindi nawawala ang amoy lansa nito.
Agad akong tumakbo nang matumba sila. Pasalamat na lamang ako at dalawang zombie ang naabutan ko rito sa hallway. Pagnagkataong grupo sila, katapusan ko na. Agad kong tinungo ang hallway pabalik sa classroom na pinanggalingan ko. Lumiko ako pero napaatras nang makita ko ang isang zombie na kinakain ang mga laman loob ng isang patay na tao. Kinakain pa nito ang intestine na parang kumakain lang ng spag.
"Shit." Nakakadiri. Parang bigla ko na lang narmadaman na bumaligtad ang sikmura ko. Buti at busy ang zombie sa pagkain at hindi ako napansing natigilan sa kinatatayuan ko. Nagtago ako sa pader. I breathe deeply and squeezed my eyes shut para hindi ako masuka. Pero nang ipikit ko ang mata ko ay parang nagflashback ang nakita ko kanina. Nanginig ako.
BINABASA MO ANG
M.D.J.
Random[REPUBLISHED (1-63)] IT ALL STARTED WITH A WRITER'S BLOCK! THIS IS NOT A STORY! Kung tsismosa ka, edi go ka lang. Hindi naman kita mapipigilan kung sasabihin kong 'huwag mong basahin'. But i really don't recommend this to everyone to read. For other...