Chapter 26: Auction with L.C Araina and Samu

1.5K 27 0
                                    

Chapter twenty six

__________
Third person's POV


Naging palaisipan kay Levy ang inabot na sulat ni L.C Araina sakanya, nakita daw nila ito ni Agent Fierce– pinabibigay nang hindi kakilalang tao. Inubos niya ang natitirang laman nang margaritang nasa basong hinahawakan niya "you're not going?"

Napatingin naman siya sa bihis bihis na si Samu, napagpasyahan ng dalagang dumaan kay Levy sa inaakalang pupunta din ito sa pupuntahan niya "saan?"

Napailing nalang si Samu tyaka inayos ang gun strap na nasa kanan niyang binti "to the auction" napabuntong hininga ito tyaka binigay ang imbitasyong natanggap niya

"Mukhang magaganda ang ibibid nila, but I can't– I think I'm almost drunk" napangisi nalang si Samu tyaka nagpaalam kay Levy at tuluyang nang lumabas at pumasok sa sasakyan nito, agaw pansin agad ang ito nang lumabas ng kanyang sasakyan pagkarating sa auction place

Taas noo itong naglakad habang nagbibigay lang ng isang diretsong tingin sa paligid, tinapik tapik nito ang sariling paa sa marmol na sahig habang hinihintay na magsimula ang programa "fvck"

Nalipat ang atensyon nito sa isang astig na babae na nakasuot ng isang sleeveless black long gown na hindi gaanong sumasayad sa sahig, napatingin ito kay Samu nang maramdamang may nakatingin sakanya "ice ka lang?" (Ayos/okay ka lang?) pinagpatuloy lang ni Samu ang pagtitingin sa babaeng nasa tabi niya

"You're from the Supreme?" Seryosong tanong ni Samu, nawala naman ang ngiti sa labi ng babaeng kausap niya "got a problem?" Balik tanong nito sakanya, Samu shrugged

"I saw your tattoo, that's from the Supreme" tinignan lang din siya nito tyaka nilahad ang kanang kamay "Lieutenant Colonel Araina"

Nakipagkamay din si Samu dito "just call me Samu" ngumiti si Araina at kumuha ng wine na dala dala ng waiter na nililibot ang buong hall "so, looking for a good and interesting weapon?"

Tanong ni Samu umiling si Araina "may kumuha ng crossbow ko, and they're going to bid it for the night. That was one of my favorite weapon so I have to get it back"

Naging interesado naman si
Samu dito– she got a taste in choosing a weapon saad nito sakanyang utak, pareho lang pala sila ng sitwasyon ni Araina. Nakuha din sakanya ang pinakamamahal niyang bowie knife— a stout single-edged hunting knife 

Bigay pa ito sakanya ng kanyang ina habang nagaaral pa itong lumaban, in fact it was the first weapon she used. Naiinis siya dahil kailangan niyang gumastos ng pera, but on the second thought. Hindi problema ang pera "Well I can get it any time" saad ni Araina

The auctioneers– they are a group na naghahanap ng mga bagay na talagang makakakuha ng interes ng isang bidder, hindi sila basta basta sumusuko hangga't di nila ito nakukuha

They steal to earn money, at natyempuhan naman nilang nalaglag ito ni Samu nang minsang pumunta sa isang misyon "then why would you spend money? When you can actually get it anytime then?"

Ngumisi lang si Araina sakanya tyaka kumindat "para may thrill, besides wala pa naman akong paggagamitan ng pera ko" napangiti na lamang si Samu, she knew kung gaano kalaki ang nakukuhang pera ng mga Supreme bawat misyong. sinasangkutan nila

Winter The Mafia Queen: IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon