Chapter 39: bomb exploded

1.4K 40 7
                                    

Chapter thirty nine

__________
Third Person's POV

Mabilis na nakarating si Winter sa unang palapag ng Cataleyade's facility. Hawak ang dalawang bago, mahaba, at matutulis na katana. Sinalubong siya ng mahigit labing limang mga tauhan ng Cataleyade, she confidently stood in front of them habang mahigpit na nakahawak sa dalawa niyang katana.

Sumipol nang nakakatakot si Winter tyaka unti unting naglakad papunta sa hagdanang daan papuntang ikalawang palapag ng facility "wag kang lalapit!"

Mabibigat at malalakas ang hakbang na ginagawa ni Winter, gumagawa ng ingay ang matutulis na heels ng ankle boots niyang suot. Binago niya ang panglabang suot ngayon– lahat ng suot niya ay kulay puti.

Mula sa puting leather jacket nito, puting hapit na tank tops, hapit na puting jeans, papunta sa suot niyang puting ankle boots. Nakapusod rin ang buhok niya upang hindi makasagabal sa pakikipaglaban "Sinabing wag kang lalapit!"

Kumuwala ang isang malademonyong ngiti sa labi ni Winter na nababalutan ng kulay dugong lipstick. Ito lamang ang may kulay sa kanya ngayon at ang handle ng dalawang katanang hawak nito "step aside"

Malamig na babala ng babae ngunit tinawanan lamang siya ng mga lalaki, agad na tinaas ni Winter ang kanang katanang hawak niya. Gumawa ng ingay ang mga hawak nitong armas ng kanya itong pagkuskusin.

Hindi nagpatinag ang mga bantay at walang takot na sinugod si Winter. Eskperto siyang umiwas sa unang bantay na sumugod sa kanya at mabilis na sinaksak dito ang kanang katana kaya agad na nabahiran ng dugo ang puti nitong mga damit.

Sunod sunod na sumugod ang iba pa at sunod sunod rin ang pagiwas at pagsaksak ni Winter sa mga ito, hindi nagtagal ay malakas niyang sinaksak ang kaliwang katana sa huling kalaban. Kasabay ang pagtalsik ng dugo nito sa buo niyang mukha, sarkastikong napangiti si Winter saka pinahiran ang buong mukha "fvcking blood"

Taas noong itinaas ni Winter ang buong mukha, binigyan niya ng nakakalokong tingin ang CCTV camerang nakatuon sa kanyang direksyon. Mahinhin ngunit nakakatakot ang mga hakbang na ginawa niya habang umaakyat sa ikalawang palapag ng facility.

Sinasadya niyang binabangga ang dalawang katana sa pader na gumagawa ng matinis na ingay, muling tumingin si Winter sa isa pang CCTV camera na nakatutok pa rin sa kanya. Buong pwersa niyang sinipa ang pintuan kung saan bumungad sa kanya ang mahigit dalawapu't walong mga bantay ng Cataleyade na may hawak na mga baril.

"Yaaaaah!"

Hindi nagaksaya ng oras ang mga ito, agad nilang sinugod si Winter ngunit hindi naging hadlang sa babae ang mga baril na sumalubong sa kanya. Sinaksak niya ng mariin ang unang bantay na sumugod sa kanya at ginawang panangga ang katawan nito laban sa mga balang pinapaulan sa kanya.

Mas mabilis ang naging kilos ni Winter, mas naging marahas ang pagaatake niya, hindi na lamang pananaksak ang ginagawa niya. She'll cut their heads off, she'll cut their fleshes to the core, and she's making sure that they would die with exquisite pain.

Winter is unstoppable, blood keeps on splashing and flowing towards her and on the floor. Her white clothes turned red, and even redder and redder each time she kills. Blanko ang mga mata, nakakatakot na mga ngiti, at nanggigigil na mga kamao.

Winter The Mafia Queen: IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon