Chapter 36: Levy x B

975 19 1
                                    

Chapter thirty six

__________
Third person's POV

Masama pa rin ang tingin ni Levy kahit limang minuto na ang nakalipas nang mawala ang hologram ni Liza, gusto niyang magwala pero agad niya ring naisip na wala siyang mapapala kahit pa wasakin niya ang buong lugar. Mukhang pinaghandaan ng Cataleyade ang laro sa mahabang panahon dahil sa malawak na dome

Hindi rin alam ni Levy kung artificial ba ang mga halaman na nasa paligid maging ang mga batong nakapalibot sa buong lugar, nagmukha itong kagubatan pero hindi man lang nasisiyahan si Levy sa buong lugar at sa kagandahan nito

"I'm wasting my fvcking time finishing this damn game"

Naisipan niyang simulan ang paghahanap sa iba ngunit bago niya pa maihakbang ang kanyang mga paa, may isang katawan ang bumulgta sa harapan niya "Tangina!" Gulat na gulat na saad ng huli habang nakatingin sa taong nasa harap nito

"Ate Bea?" Bumakas ang rekognasyon sa mukha niya habang nakatingin kay Bea na kasalukuyan ring nakatingin sakanya ng naglalakihang mga mata "Levy?"

Hindi rin makapaniwalang saad nito, ngumiti naman si Levy at tipid na tumango "ikaw nga, teka– alam mo ba kung nasan tayo?" Tanong ni Bea na nililibot ang buong tingin sa paligid "hindi ko alam, but maybe we're in a dome– very huge dome" walang sigla ang pagkakasaad nito ngunit agad ring natigilan at napatingin sa kanyang katabi

"Paano ka nakarating dito?"

Naguguluhang saad niya, hindi siya makapaniwalang nadamay ang kaibigan nila sa walang kwentang laro ng Cataleyade. Nagiba ang timpla ng mukha ni Bea at humigpit ang pagkakakapit nito sa dulo ng kanyang damit "I was drugged habang umiinom ako sa open bar ng underground"

"Hindi na maganda ang nangyayari sa labas, mukhang may plano pa ang grupong to na dukutin ang mga magulang niyo ni Winter"

"Ano?! They can't do that!" Galit na sigaw ni Levy habang nagpipigil ng galit "they can Levy at ginagawan na ata ng paraan ng kuya ni Winter ang nangyayari"

"Kuya Ivan?" Kunot noong saad niya, isang tipid na tango lamang ang naging tugon ni Bea sakanya. Mukhang nagugulahan na rin ito sa sitwasyon, ngunit hindi nakaiwas sa mga mata ni Levy ang kakaibang emosyon na nasa mga mata ng kaibigan may alam ba ito sa nangyayari? Tanong ni Levy sa sarili "pucha nga naman oh, hindi ko pa naubos ang margaritang inorder ko! Mahal din yun!"

Napailing iling si Levy at sinimulan ang paglalakad, marami ang gumugulo sa isip ni Levy. Nasaan ang pinsan niyang si Winter? Ano ang dahilan at bakit muling nagpakita ang matalik nitong kaibigan na si Tame? Bakit kailangang maghanda? Ano at para saan ang pinaghahandaan nila?

Ilan lang yan sa mga tanong na nasa isip ni Levy, hindi niya alam kung meron bang plano ang pinsan nito. Pero isa lang ang sigurado siya, at yun ang paghihiganti nito "sana man lang binigyan niyo ko ng pagkain para maenjoy ko ang paglalaro sa bullsh*t game niyoooooooo— aray!"

Nakabusangot na hinimas himas ni Bea ang kanyang ulo nang may nahulog na bato sa tuktok ng kanyang ulo, itinaas niya ang dalawang kamay at pinosisyon ito na parang susuntok "ano?! Suntukan nalang tayo oh!"

"Magpakita ka!"

"Ate Bea, let's go" hindi nagpatinag ang huli at pinagpatuloy ang pagsisigaw, napapailing nalang si Levy at sinandal ang katawan sa katabing puno nito "ano?! Putang*na mo! Wala ka bang balak magpakita? Eh duwag ka nama— araaaaaayyy!!!!!"

Napangiwi si Levy nang makitang may nahulog nanaman sa tuktok ng ulo ni Bea na bato– mas malaki pa sa batong nahulog dito kani-kanina lamang "ano ba?!" Isang bato ang nahulog sa tabi ni Levy, kunot noo niya itong pinulot. At sa muling pagtayo niya ay isang bato muli ang nahulog sa harapan nito– sinundan pa ng isa hanggang sa nagtuloy tuloy na ang mga ito sa paghulog "run!"

Mabilis na takbo ang kanilang ginawa habang patuloy pa rin sa pagulan ng bato sa kanilang paligid "aray! Aray! Where to?!" Nahihirapang tanong ni Bea kay Levy, palaki ng palaki ang mga batong patuloy na nahuhulog kaya pasakit ng pasakit rin ang iniinda ng dalawa habang patulog sa pagtatakbo "sa kweba! Over there!"

Hindi na magawang sumagot ni Bea— kagat labi ang kanilang ginawa at mas binilisan pa ang pagtatakbo papuntang kweba na may kalayuan mula sa  pinanggalingan nilang pwesto.

Hinihingal na napasandal si Levy sa pader ng kweba habang pagod namang napasalampak  ng pahiga si Bea, patuloy sila sa paghabol ng kanilang hininga. Naabutan sila ng halos limang minuto bago tuluyang nahimasmasan sa nangyari, bwesit na bwesit na napatingin si Bea sa natamo niyang mga sugat "ang pinakamamahal kong kutis! Bwesiiiiittttttttt!"

Umalingawngaw sa buong kweba ang naging sigaw nito "hey, stop that. That last time I remembered you, shouting. It was raining stones, baka ano pang mangyari sa muli mong pagsigaw" mahinahong saad ni Levy habang napapatawa pa

Napaikot ng mga mata at humugot ng malalim na hangin si Bea, at naiinis na sumigaw "ahhhhhhhhh!!!" Umabot ng ilang segundo ang sigaw nito dahil sa pagecho pa ng kanyang sigaw sa paligid. Nanaig ang katahimikan sa buong lugar ng halos dalawang minuto

Tuluyan lamang ang katahimikan ng yumanig ang buong paligid, unti unting gumalaw ang pader, ilan rin sa mga bato ng paligid ay nahuhulog dahil sa yanig— dahan dahan gumalaw ang magkabilang pader papunta sa gitna ng lugar like it's compressing "fvck!" Bumuo ang kaba sa kanilang dalawa, maiipit sila kapag hindi si lumabas sa kweba —

At mamamatay naman sila sa mga naglalakihang mga bato kapag lalabas sila ng kweba  "Levy! Lumabas na kaya tayo?!" Napailing si Levy at tinuro ang labas ng kweba "we have two options here, should we die inside or should we just die outside?"

"What?! Those are not even an options! Pareho tayo mamamatay sa sinabi mo!"

"Exactly, wala tayo mapupuntahan. It's either na maiipit tayo o mabubugok ang buo nating katawan"

Patuloy sa pagmura' ang dalawa habang patuloy rin ang sa paggalaw ang kweba at ulan ng bato sa labas "pigilan kaya natin ang pader?"

Kagat labing saad ni Bea "what are you? A superhuman?" May bahid ng pagkainis ang boses ni Levy habang nahihirapan sa paggalaw, pawis na pawis na silang dalawa habang pilit na nilalabanan ang sikip at init.

Bumukas ang isang lagusan sa tabi ni Bea— mabilis niyang binalingan si Levy na hirap na hirap pa ring nakasandal sa pader "Levy! May lagusan! Sumunod ka sa pagtalon, okay?!"

"Okay!"

Mabilis na tumalon si Bea sa lagusan, sinundan naman ito ni Levy ngunit bago pa makatalon ang huli ay napatid siya ng isang malaking bato. Bumagsak ang pawis na pawis na katawan nito sa malamig na sahig ng kweba

***
Note:
Lame, i know. By the way. . .

The end is near 😀

Winter The Mafia Queen: IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon