Chapter 35: Bitch x Lily

1K 26 0
                                    

Chapter thirty five

__________
Third person's POV

Hindi nagdalawang isip sina Bitch at Lily matapos mapanood ang hologram ni Liza, agad silang naglakad upang maghanap ng mga armas para maprotektahan ang kani kanilang mga sarili "we're making a good team yeah?" Pagbasag ni Lily sa kanilang tahimik na paglalakad

"I must say, and a good fvcking thing that I was not paired with that Tema? What was her name agai– forget her damn name"

Winawasiwas ni Bitch ang kanyang katana para maialis ang mga sanga't dahon sa kanilang daanan, hindi lubos maisip ni Lily kung bakit muli siyang nasangkot sa isa nanamang malaking gulo– at may kinalaman nanaman sa mafia na pilit niyang iniwasan sa loob ng maraming taon

Matiwasay silang kumakain ng pananghalian ni Ron sa isang mamahaling restaurant nang nagpaalam ito upang pumunta sa powder room pero hindi niya akalaing– isang nakakahimatay na amoy ang bumungad sa kanya sa loob nito "nasira ang date ko dahil lang sa walang kwentang larong to ng butiking yun!"

"Tell me something I don't know" muni muning saad ni Bitch sabay hila sa isang malaking sanga "gutom na ko"

Napatingin si Bitch sa gawi ni Lily at muling naglakad "maghanap muna tayo ng makakain, gutom na rin ako" napasinghap naman si Lily matapos itong magsalita "what?"

Nakakunot na saad ni Bitch "nagtatagalog ka!" Bakas ang pagkamangha sa tono ng boses nito na para bang napakalaking balita ang pagtatagalog ng kapitan ng Team Delta "of course I do, nasa Pilipinas tayo. It would be so stupid of me kung nagpaassign ako dito at hindi sa ibang bansa– after all, Supreme's population is all over the world"

"Hah! English ka kasi ng english, akala ko tuloy ay nakakaintindi ka lang ng tagalog" kibit balikat ang ginawa ni Bitch at hindi nagtagal ay napahinto rin sa paglalakad "oh? Ba't ka napahint—paksyet!"

Abot langit ang kaba ni Lily habang nakatapat ang kanang kamay nito sa kanyang dibdib, para siyang tarsier na nakakabit kay Bitch na kasalukuyang nakapoker face habang nakatingin sa malalim na bangin "pwede mo na ba akong bitawan?"

"Ay hehe– sorry– nacarried away lang sa lalim ng bangin"

Agad namang bumitaw sa pagkakayakap si Lily kay Bitch sabay labas ng nguso nito at irap sa hangin "prutas ba yun?!" Excited na sigaw ni Lily at itinuro ang mga punong may iba't ibang mga bunga sa kabilang parte ng bangin "manok"

Walang bahid na pagbibiro ang tono ng kapitan, ilang beses pang napakurap si Lily at napahagalpak ng tawa "oh my ghad! Nagjoke ka! Hahahahaha"

Hindi naman nagbago ang reaksyon ni Bitch– sa katunayan ay mas kumunot pa ang noo nito at muling tumingin sa kabilang parte ng bangin. Si Lily naman ay nagpagulong gulong sa lupa habang nakahawak sa tiyan nito ang dalawa niyang kamay "Hihihi nagjoke talaga siya kekekek"

Malalim na buntong hininga ang inilabas ni Bitch at tinalian si Lily sa bewang ng mga vines na pinagtagpi tagpi niya habang tumatawa pa rin ang kasama "m–anok! Hahahahahaha paksyet namang manok yan! Hahaha– sandali, ano to?"

Tinignan lamang siya ni Bitch at itinuro ang kabilang parte ng bangin "jump" napatango tango naman si Lily at naginat inat ng katawan habang napapa small jump sa pwesto nito na para bang humahanap ng bwelo sa pagtalon "talon lang naman pala"

"One, two, thre–"

"Huwaiiiiitttt! Tatalon ako?!"

Naiinis namang binalik ni Bitch ang kanyang tingin kay Lily na kasalukuyang nakayakap sa matabang puno "you were preparing for a good jump awhile ago!"

"Nacarried away lang ako! Tyaka, fumafly pa ang pretty mind ko somewhere around this beautiful universe!"

"Ang dami ko pang pangarap! Magpapakasal pa si ako tapos magtatra— putang*naaaa!!!! Jusko! Diwata ng pizzang nasa paligid, huhuhu– wag niyo ho akong pabayaa"

"—araaayyyy!"

Pigil luhang napapasinghot si Lily habang pinapaikot ikot ang dalawang kamay sa ere at dinilaan si Bitch na nasa kabilang parte pa rin ng bangin "I'm not yet ready pero tinulak mo pa rin ako! Huhu, ang aking brain cells– tingin ko nahulog kanina. One plus one equals two, two plus two equals four"

Hindi nagtagal ay nasa tabi niya na rin si Bitch na parang hindi man lang pinawisan sa pagtatawid, pinagpag nito ang damit na suot– na hindi pa rin nagbabago simula nang makuha sila ni Levy sa J auction "maghanap tayo ng maliliguan after–"

Mabilis na napaback tumbling ang dalawa nang sinalubong sila ng isang napakalaking axe, nakatarak ang katana ni Bitch sa lupa upang mapigilan ang tuluyan niyang pagkakahulog sa bangin "fvcking co– what the fvck is that?!"

Gulat na sambit ni Lily habang tumataas baba' ang dibdib nito dahil sa paghahabol ng hangin, dahil maliwanag pa naman sa paligid, agad nilang nakita ang kabuuan ng halimaw na nasa harap nila. Napakalaki ang katawan nito at nakamaskara ang mukha

Litaw na litaw ang kanyang mga buto at patuloy sa pagagos na dugo dahil para itong binalatan ng buhay– marami rin itong tahi sa iba't ibang parte ng kanyang katawan na patunay sa ilang beses na pagbubukas ng kanyang katawan, ang nakakadiring parte nito ay ang kanyang malaking tyan na bukas kaya litaw ang nakakadiring mga lamang loob nito "ayoko na yatang kumain"

Wala sa sariling sambit ni Lily ngunit mabilis na sumugod ang halimaw sa kanilang pwesto na   nakapaghiwalay sakanila ni Bitch–  nauna namang sumugod ang  kapitana. Itinarak ni Bitch ang kanyang napakatulis na katana sa katawan ng halimaw

Ngunit pawang kinagat lamang ng isang lamok ang halimaw at mabilis na pinagpag si Bitch na tumama ang katawan sa malamig na lupa "Bitc– ang panget pakinggan, take two, okay. Ready, go! Bessss!"

Imbis na mapasigaw sa sakit si Bitch ay napatawa na lamang ito sa naging turan ni Lily, sa kabilang banda naman ay matulis ang pagkakatingin ni Lily sa halimaw habang tumatakbo ang mga ito sa isa't isa. Hindi alam ni Lily kung paano matatalo ang halimaw, nagslide si Lily sa gitna ng mga paa ng halimaw at kinuha ang shot gun na hindi niya alam kung saan nanggaling.

Tinulak naman ni Lily ang katawan ng halimaw papuntang bangin matapos makatayo at mabaril ang kalaban "you're awesome" napabaling siya sa kanyang likuran kung saan nakahiga pa rin si Bitch na namimilipit sa sakit "i know"

Saad ni Lily saka kumindat, sisimulan na sana nito ang paglalakad papunta kay Bitch upang tulungang makatayo nang may mabigat na bisig ang humawak sa kanyang mga paa. Malakas siyang bumagsak sa lupa at hindi napigilang magpadala sa bigat ng halimaw na isinama siya ng tuluyan sa pagkakahulog "Lily!"

***
Note:

Updaattteee~! 😌 please do leave a comment, anong masasabi niyo sa kakulitan ni Lily? 😂💓 Take care you guys, see you on my next update. 😘

Winter The Mafia Queen: IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon