Chapter 34: Irine x Tame

1K 24 1
                                    

Chapter thirty four

__________
Irine's POV

"What now?" Mahigit limang minuto na kaming nakatayo at nakatingin sa kawalan, limang minuto na rin ang nakakalipas nang mawala ang hologram ni Liza sa ere. Napatingin ako kay Tame tyaka nagsimulang maglakad "Irine!"

Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Tame nitong mga nakaraang taon pero sigurado akong malaki ang pagbabago na nangyari sa kanyang buhay matapos ang insidenteng nangyari "laruin ang larong hinanda niya"

Tipid kong saad, hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan pa ba siya. Matagal rin kaming walang balita sa isa't isa– matagal rin kaming walang konseksyon, at higit sa lahat— hindi ko alam kung siya pa ba ang dating Tame na kilala ko "why should we?!"

Mas mabuti sigurong hindi ko muna siya pagkatiwalaan at dumistansya nalang muna para na rin sa kaligtasan ko, gaya nga ng sinabi ko, hindi ko rin alam kung ano na ang kaya niyang gawin. Napapikit nalang ako ng mariin habang nagpipigil ng galit "ano?" Napakunot ang noo niya  sa pagtataka dahil sa naging tanong ko "anong ano?"

Binigyan ko siya ng isang blankong tingin "maliban ba sa pagpapartisipa sa larong hinanda niya, may alam ka pa bang paraan?"

Natahimik naman ito sa mga sinabi ko "if you want us to finish as soon as possible, just cooperate" huling tugon ko rito– inenglish ko na para mas malinaw sakanya "Sinabi ni Liza na merong mga armas sa paligid, mas mabuting makahanap tayo para na rin sa proteksyon natin habang hinahanap ang iba"

Hindi na ito umimik at nanatiling nakasunod sa akin, pinagpatuloy namin ang paglalakad habang tumitingin sa paligid. Napatigil ako sa harap ng isang malaking puno– may nakaukit na arrow dito– na nakaturo sa  lupa, saglit kaming nagtinginan ni Tame at mabilis na naghukay sa tinuturo nito "swiss knives!"

Masayang saad ni Tame, sabay kaming kumuha nito kaya meron kaming tigdadalawang kutsilyo sa kasalukuyan na talagang malaking tulong sa paglalakbay namin sa paghahanap sa iba. Hindi nagtagal ay bigla na ring dumilim ang paligid– matagal pa bago ang una naming pagpapahinga kaya mas mabuting alerto kami sa paligid kahit anong oras "awoooo"

"Tame, ikaw ba yun?"

Nagtataka kong tanong sa babaeng nasa gilid ko "mukha ba kong aso sayo?" Hindi sarkastiko ang pagsasabi nito at hindi rin natatawa sa katunatan ay normal lang naging tono nito "grrr" mas kumunot ang noo ko nang marinig muli ang kakaibang tunog, biglang umihip ng malakas kaya naman napahawak ako sa magkabila kong braso

"I swear it's not me!"

Depensa ni Tame nang muli ko siyang titigan, nilagay ko ang isa kong daliri sa harapan ng labi ko upang tumahimik siya– unti unti kong inikot ang tingin ko sa paligid habang mahigpit na nakahawak sa swiss knife na hawak ng kaliwa kong kamay

Nananaliksik at galit na mata ang sumalubong saamin ni Tame nang dumapo ang tingin namin sa likuran "w– wolves?!" Hindi makapaniwalang saad nito, sunod sunod na paglunok ang ginawa ko habang pinapakalma ang buo kong sistema. Sa tanang buhay ko– ni hindi ko akalaing aabot ako sa puntong manginginig ng matindi dahil sa takot– at makakita ng isang hindi basta bastang hayop

"A–nong gagawin natin?"

Utal utal na tanong ni Tame, napakagat labi nalang ako at mas napahigpit pa ang pagkakahawak sa swiss knife na nasa kamay ko. Hindi ako sumagot dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat gawin, naging blangko ang isip ko simula nang dumapo ang tingin namin sa mga ito "Irine!"

Nagpapanic na ang tinig ni Tame dahil nagsisimula nang gumawa ng hakbang ang mga lobo papalapit sa direksyon namin, ilang beses akong napabuntong hininga at mabilis na sumigaw "takbo!" Kagat labi akong tumatakbo habang iniiwasan ang mga nakaharang na sanga't dahon "grrr!"

Hindi ko alam kung hanggang kailan namin makakaya ang pag takbo sa mga ito– hindi biro ang kanilang bilis at di hamak na sanay ang mga lobo sa takbuhan kumpara sa mga tao, ininda ko ang hapdi at kirot ng mga sugat na natatamo ko sa matutulis na halaman at sanga sa nadadaanan namin "Tame! Nakikita mo ba punong yun!"

Pasigaw kong tanong sakanya habang mabilis pa rin sa pagtakbo, nauubusan na ako ng hangin at hindi rin magtagagal ay pwede kaming mahimatay sa labis na pagod "yes!"

"Akyatin natin!" Agad kong sagot dito, malapit na kaming abutan ng mga lobo kaya mahirap na saamin ang makipaglaban sa mga ito dahil pagod na ang katawan namin sa pagtatakbo "I can't!!"

"Kaya mo!"

"Hindi nga!"

"Putang*na! Kayanin mo!"

Mabilis akong tumalon sa sanga ng punong itinuro ko kay Tame at nagpalambitin bitin dito, nang masigurado kong tama na ang taas ng inakyat ko ay siya namang hinto ko upang tignan ang kalagayan ni Tame na dalawang sanga lang ang layo saakin "good ide— ahh!"

"Tame!"

Hindi naging mahirap saakin ang pagbaba at pagsalo nang paa ni Tame dahil sanay akong maglambitin sa mga puno sa forbidden forest noon "sh*t"

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala saakin ng hindi umabot ang ulo ni Tame sa mababangis na pangil ng mga lobong naghihintay saamin sa baba'– dalawa lamang ang mga to pero 2x ang laki nito sa ordinaryong aso

Hinila ko pataas si Tame at nang tuluyan na siyang nakapwesto sa mas matibay na sanga ay siyang pagmali ko ng apak sa isa sa mga sanga– nagawang mapigilan ni Tame ang tuluyan kong pagkakahulog ngunit nasalo ng mga pangil ng isa sa mga lobo ang kaliwa kong paa

"Ahhhhhhhh!"

"Irine!"

Hindi ko maipaliwanag ang sakit ng kaliwa kong paa, sinipa ko nang malakas ang ulo nito kaya nabitawan nito ang pagkakakagat sa kaliwa kong paa. Nagawa akong mapaupo ng maayos ni Tame sa mas malaking sanga "Irine– breath! Do you hear me?! Breath!"

Taas baba' ang dibdib ko dahil sa malalalim kong buntong hininga habang pinipilit na labanan ang sakit at kadiliman na pilit akong hinihila "Irine! Don't you ever close that damn eyes of yours!"

Ngunit hindi sumasangayon ang isip ko sa mga sinasabi nito– at tuluyan na akong nilamon ng dilim "Irine!"

***
Note:

Merry Christmas! I'm sorry again for the late update, anyways. Have a nice christmas break to all of you! Hindi ko na po nagawang basahin ulit ang chapter na to kung may typos ba dahil sa pagmamadali so bear with me guys, thank you for reading and please do leave a comment.

It really inspires me more to update, sana matapos ko na ang story before 2018 😪😭😩. Merry Christmas ulit Nyebesss 💓😘

Winter The Mafia Queen: IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon