"You are a disgrace in this family! Get out!" his father told him. May sinabi kasi syang hindi kaaya-aya sa pandinig nito. "Right! I don't want to be here either! I will do what I wanted! Just to make sure that someday, I will be your biggest mistake!" At padabog nyang isinara ang pinto. He is David Williams, isang anak mayaman na kinaiinggitan ng lahat, dahil nakukuha nya ang mga pangangailangan ng walang hirap, napakayaman at galing sa prominenteng pamilya, pero para sa kanya, ang ganoong buhay ay parang nakakulong sa impyerno, lalo na nang pilitin sya ng kanyang ama sa mga bagay na ayaw nya, gusto nya ang paglikha ng mga larawan at magkaroon ng isang sariling art gallery pero naglaho ang lahat ng mga pangarap nya nang ang pinakuha sa kanya ng kanyang ama sa kolehiyo ay Business Entrepreneur, ang pinaka boring na kurso para sa kanya, pero dahil sa nag aaral pa lang sya noon, hindi nya masuway ang kanyang ama dahil alam nyang hindi pa nya kayang itaguyod ang kanyang sarili. At ngayon, merong nangyaring hindi kaaya-aya sa kanya sa eskwelahan. Isang pangyayaring may kinalaman sa kanyang sarili. With his sexuality to be exact.
At tama nga sya, halos ipagtabuyan sya nito dahil sa ginawa nya. Pati ang nanay nya, natulala rin. "Dave! It's that really?..." hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil hinimatay na ang Mommy nya. Akmang lalapitan nya ito nang tabigin ang kamay nya ng Daddy nya. "Look what you've done! Hindi ka na nahiya! Isa kang immoral! Lumayas ka! At kakalimutan ko nang anak kita, simula ngayon." Pagtataboy sa kanya ng ama, masakit iyon at naluluha na sya sa narinig, "Bakit Dad ? kelan mo ba ako itinuring anak? Eh Robot nga ang turin mo saken, isang tauhan lang ang ako sayo! Dahil ba hindi kita sinunod ng katulad ni kuya? Sapalagay mo ba tatagal sya at ang asawa nya sa ginawa nyo? No Dad, your wrong!" at tumalikod na. "Ayos lang sakin kung nagrebelde ka sa pag aaral, pero yung naabutan ko kanina? Yun ang hindi ko matatanggap! Wala akong anak na katulad mo! Lumayas ka!" balik naman sa kanya ng Dad nya. Sa narinig para syang pinagbagsakan ng langit at lupa.
*****
"Yes!" nayakap ni Cindy ang kaibigan nyang si Beth sa sobrang tuwa. "Grabe ka Cinderella! Ikaw nang matalino! Akalain mong kasama ka pa sa Top 5 ng Social Worker Licensure Exam, pakain ka naman!" tuwang tuwa sila nang mabasa ang Manila Bulletin sa result ng Board Exam, she was graduated with the degree of BS Social Work, she really loves children, at sa hindi nya malamang dahilan, lahat ng subject pa yata ng kursong yun, naging interesado pa sya. Si Cinderella Santos, isang ordinaryong babae na gustong makaahon sa buhay, wala na ang tatay nya, ewan ba nya pero ang kwento na lang sa kanya ng nanay nya eh bigla na lang hindi na nagpakita ito mula nang ma-destino sa isang probinsya, isa kasi itong salesman dati, mula pagkabata kaya kahit kailan hindi nya nakilala ang ama, silang mag nanay lang ang magkasamang namuhay. Ang kaibigan naman nyang si Beth ay isang teacher, medyo nakaka ahon na ito sa kahirapan dahil nagtatrabaho ito sa isang Korean School, may kalakihan ang sweldo nito, pasado din ito sa LET. "Ayan! Pareho na tayong professional friend, makakapaglakwatsa na ren tayo sa wakas" biro sa kanya ni Beth, "ano ka ba, maghahanap muna ako ng trabaho, bago ang mga ganyang bagay no!" ganting sabi naman nya.
Kinabukasan naghanap na nga sya ng trabaho, halos sumakit na ang paa nya dahil lahat na yata ng makita nyang Foundation pinuntahan nya, wala syang pinalagpas, medyo nahihilo na nga sya nang may bumangga sa kanyang lalaki. "Ano ba Miss! Tumingin ka naman sa dinadaan mo, tignan mo narumihan na ang polo ko, alam mo bang mahal ito at hindi kaya ng buhay mong bayaran ito?" sabi ng lalaki sa kanya, wala syang imik, natulala lang sya, siguro dahil sa napaka gwapo ng taong nakabangga sa kanya, matangkad, maputi, very masculine ang boses na kahit pinagsisigawan sya, ang ganda parin sa pandinig, parang na-starstruck sya sa lalaki.
"Hey you!" tinapik naman ng lalaki ang balikat nya na sya namang nagpabalik ng ulirat nya, "kinakausap kita! At pwede ba! Don't look at me like that, ngayon ka lang ba nakakita ng lalaki?" untag sa kanya nito, "Siguro kaya mo ako binangga para mapansin lang kita no?" nakataas pa ang isang kilay ng lalaki, at teka, napansin nyang nilalait na sya nito at sinisigawan? Natapos nang hindi oras ang paghanga nya sa angking kagwapuhan nito, dahil nag sink in na sa utak nyang, ginagawa nito ang ni hindi nga magawa ng nanay nya sa kanya.
YOU ARE READING
You Complete Me
RomanceHow would you feel if you are in between? Yung hindi mo alam kung ano ba talaga ang gusto mo? Nalilito sa mismong pagkatao? Yung pakiramdam na hindi ka kumpleto dahil sa nararamdamang pagkalito sa sarili? At ang masakit pa... Yung kaisa isang taong...