FEELING KO MAG HA-HYPERVENTILATE NA YATA AKO. "Cindy? Teka, nahihirapan ka bang huminga?" sabi sa kanya ni David. Pero umiling lang sya, "teka, I will call Doc Mela" tumayo naman agad ito dahil nataranta, kasi naman yung itsura nya, hirap huminga dahil napaka bilis ng heartbeat nya eh, hyperventilate na nga sya, pero kumalma na sya nang makaaalis na si David, HINDI KO NA YATA KAYA PANG MAKASAMA SYA, PERO PAANO? WALA AKONG CHOICE? CINDY UMAYOS KA! Pinagalitan nya ang sarili nya, kasi naman parang nung isang araw muhing-muhi sya sa taong yun eh, tapos ngayon na-ospital pa sya dahil lang sa isang simpleng paghawak sa kanya nito, she sighed. May kumatok sa pintuan, at lumitaw ang kaibigan nyang si Beth, pati na rin si Hazel, natuwa naman sya, "Bhez, anong nangyari sayo?" tanong ni Beth, "ah, mahabang kwento bhez, next time ikukuwento ko sayo" sagot nya ditto. "Cindy girl, sabihin mo nga ang totoo? Minaltrato ka ba nung aswang na si Sir David?" tanong naman ni Hazel na ikinatawa nya ng malakas, "Nataranta ako kasi halos tumirik ang mata mo dahil nag ha-hyperventilate ka, tapos ito ngayon tumatawa ka?" ang lakas ng boses ni David na galit kaya nagulat naman silang lahat, ayan na naman sya, nag hyperventilate na, napatingin na naman sya sa abs nito, nakabukas kasi ang rugged polo shirt nito ng kaunti, "Ahm, Mr. Williams, I guess naka recover na si Ms. Santos" nakangiti nmang sabi ni Doc Mela, kasama na kasi sya ni David nang bumalik ulit. "What?" nakangunot na ang noo ni David "Ahm if you excuse me Doctor" sabi sa Doctor at humarap sa kanya ito.
"Are you playing games with me?" matalim na ang tingin sa kanya nito na sya namang ikinabigla nya, "At bakit mo naman nasabi yan?" sagot naman nya, halos hindi na nga sya makahinga kanina eh, dahil sa presensya nito, tapos ito pa ang itatanong sa kanya? "Ahm Mr. Williams, hindi biro ang nangyari kanina kay Ms. Santos, nag hyperventilate sya" paliwanag ni Doc Mela sa kanila. "Kita mo na!" sagot nya, para namang bumalik na sa dati ang pakiramdam nya kapag kaharap ito nang pagsabihan sya ng masama kanina nang bigla na namang lumapit ito sa kanya, nawala naman ang masamang tingin nito sa kanya. "I'm sorry" sabi ni David sa kanya at hinawakan pa sya sa kamay nito, gusto sanang iiwas ni Cindy ang kamay nya pero hindi na sya nakagalaw, nakatingin lang sya kay David, "Better to get rest, kailangang gumaling ka na para sa mga assignment naten sa Foundation." Sabi nito na ipinahihiwatig , Napalingon sya kay Doc Mela at inalala ang sinabi nito sa kanya, CONSIDER YOUR FEELINGS CINDY, FEEL YOUR HEARTBEAT, pinakiramdaman na nga nya, bakit ganun? Talagang para syang nag-hahyperventilate? Kaya iniwas na lang nya ang sarili sa ganoong isipan, "Cindy?" sabi ni David sa kanya, nakatulala na naman kasi sya, and what's worst, she's looking straight into his eyes, "Cindy, I think you should sleep, mabuti pa Hazel, umuwi muna kayo, matutulog na si Cindy" sabi nitong nag mamando kila Hazel, nagtaka naman ang kaibigan nyang si Beth.
"Teka! Sino ka ba? Makapag mando ka namang paalisin kami ah, boyfriend mo ba sya Cindy?" mataray na sabi ni Beth, "Ha? Ah-eh, a-ano" nataranta naman bigla si Cindy at nauutal pa, nabigla kasi sya sa tanong ng bestfriend nya. "No Im not, Im her Boss" pagkarinig nun, nalungkot si Cindy, isiping ganun lang ang tingin sa kanya ni David. "Eh yun naman pala Boss ka lang! Gusto ko pa makasama si Cindy, ikaw ang dapat umalis na kasi Boss ka lang nya, ako nang bahala sa bestfriend ko" sabi naman ni Beth, "No! I insist to take care of her, umuwi ka na lang Miss" sagot nito sa kanya, palihim na napangiti sya kasi ang feeling nya pinagdadamot sya ni David, nagtaka naman sya bigla sa naisip nya, BAKIT GANITO AKO? BAKA, BAKA TAMA NGA ANG SINABI NI DOC MELA? PERO ANG BILIS NAMAN? DIBALE SANA KUNG LOVE AT FIRST SIGHT EH. TSK. Saway nya sa sarili, naisip nyang masyado lang tumatak sa utak nya ang sinabi ng super inlove na Doctora.
"Ai teka lang po Boss" sabi ni Beth kay David ng my pagka sarkastiko, "Bestfriend ako ni Cindy, ako na magbabantay sa kanya, at itinuturin ko na din syang kamag-anak ko, kaya kayo na lang po ang umalis, kasi, nakakahiya naman sayo Mister kasi baka mapuyat ka" dagdag pa nito sabay irap, WHAT THE? KUNG HINDI LANG TO BABAE, PAPATULAN KO NA TO, GUSTO KONG AKO ANG MAKASUBAYBAY SA LAGAY NI CINDERELLA, ANG WEIRD NAMAN KASI NG BABAENG YUN, BIGLA NA LANG SYANG NAHIMATAY AT KANINA NATARANTA NA NAMAN AKO KASI HALOS TUMIRIK ANG MATA NYA, GUSTO KO SYANG ALAGAAN NGAYON PARA ALAM KO KUNG ANO ANG MGA DO'S AND DONT'S KAPAG KASAMA KO NA SYA SA WORK, DAMN! ANG DAMENG APPOINTMENTS, GUSTO KO PAGBALIK NILA MS. APRIL DITO, AYOS NA ANG LAHAT, KAYA AKO MAG AALAGA SA KANYA NGAYON HINDI PWEDENG HINDI, KAYA PAPAUWIIN KO TONG BESTFRIEND NYA, SHE'S MY RESPONSIBILITY, DAHIL SIGURO MADAME AKONG PINAGAGAWA SA KANYA.
YOU ARE READING
You Complete Me
RomanceHow would you feel if you are in between? Yung hindi mo alam kung ano ba talaga ang gusto mo? Nalilito sa mismong pagkatao? Yung pakiramdam na hindi ka kumpleto dahil sa nararamdamang pagkalito sa sarili? At ang masakit pa... Yung kaisa isang taong...