12

19 0 0
                                    

After ng meeting ay hinabol sya ni Mandy, isa na itong shared holder sa buong Dream Bridge Institution, iyon na ang ipapangalan nila dahil bukod sa foundation ay magkakaron narin ito ng sariling eskwelahan, from Elementary until Senior High School. "David, please can we talk?" napilitan na syang kausapin ito, ayaw na nyang takbuhan ang babae para na rin magkaron sila ng matinong usapan tungkol sa kanilang dalawa, the moment he saw her again, he admitted that Mandy had still a part of him, a special part of him, his first ever love and once dream to be with. Gusto rin nyang malinawan sa sarili kung sino nga ba ang totoong gusto nya, kung ito pa ba o si Cindy? Kung dati ay tungkol sa katauhan nya ang gustong nyang timbangin, ngayon ay ito naman, sa totoo lang mas sumasakit ang ulo nya sa kakaisip kay Mandy at Cindy, hindi naging maganda ang hiwalayan nila ni Mandy dahil sa kanya, she was a victim too dahil sa kalituhang nangyari sa kanya noon. "Gusto na rin kitang kausapin" sagot naman nya dito at hinarap na ang babae.

"Please Dave, can we start over again? I still love you and I'll always be, please come back to me. Diba sabi mo noon, nalilito ka sa pagkatao mo? I already decided na tulungan ka para mahanap mo ang totoong ikaw, napag isipan ko na mahal kita talaga at hindi na kita tatalikuran, nalaman ko rin from Greg na hindi mo naman pala talaga girlfriend yung babaeng nakita ko sa restaurant months ago, lets start over again David, please" pagmamakaawa nito sa kanya, nagulat din sya sa sinabi nito na hindi nya talaga girlfriend si Cindy, and that fucking guy Greg told her that, bullshit! Umiiyak si Mandy sa harap nya, pinakiramdaman nya ang damdamin nya, kung willing pa ba syang simulan ang lahat kasama ito, but to his surprise, when he's thinking about the future, only one pretty face comes to his mind, it is Cindy. At ang nararamdaman na lang nya ngayon sa kausap ay awa, naaawa sya ngayon kay Mandy. Bigla rin nyang naalala ang minsang napag usapan nila ni Cindy sa garden after ng isang meeting sa Foundation.

"Cindy, what if you found out that Im gay? despite na naging suplado at mean ako sayo tapos malalaman mo na bakla pala ako?" tanong nya rito, "hmm" kinabahan sya dahil parang seryoso itong nag iisip. "Siguro Sir, sa ganyang itsura mo at pagkasuplado, tapos biglang naging okay tayo at nagtapat kang bading ka, naku! Yari ka sakin" naka ngunot na noong sabi sa kanya nito, "Yari?bakit naman?" takang tanong din nya, "Aba! ang gwapo mo kayang bading noh, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko magbalik loob ka lang sa pagiging lalaki, siguro ikukulong kita sa isang kwarto at--" parang natigilan din ito sa sinasabi at namula ang mga pisngi. "Sorry Sir, nakakahiya naman yung sinabi ko, sorry talaga" Hindi nya malaman ang mararamdaman sa sinabi ng dalaga sa kanya, ikukulong sya nito sa kwarto for Pete's sake! hindi lang nito naituloy ang sasabihin sa kanya dahil nahiya bigla. Ibig sabihin may pagnanasa rin ito sa kanya, she looked so cute right now and he wanted to kiss her pero nagpigil sya, baka kasi iba ang isipin nito sa kanya.

"Mandy, I'm sorry, but Greg lied to you, Cindy is with me now. I don't want to compare you but iba ang naging reaction nyo tungkol sa pagkatao ko. Honestly, Im so disappointed to you back then, yung araw na nilayuan mo ko, tinakbuhan mo ko dahil nalaman mo na hindi ako sigurado sa pagkatao ko, pakiramdam ko, pinagbagsakan ako ng langit at lupa noon, sobrang drain ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko, but because of Cindy, she taught me to discover who I am and what I really wanted in this life. Hindi nya alam na malaking bahagi na pala ang nagagawa nya sakin. I'm so sorry Mandy, but your late, and wala na rin akong sama ng loob sayo ngayon" lalo lang itong umiyak sa narinig mula sa kanya, lumapit ito at susubukan sana syang halikan pero nakaiwas sya, kaya yumuko na lang ito at mahigpit na kumapit sa damit nya habang umiiyak. Sa sobrang awa, hinila nya ito para yakapin at hinagod hagid ang likod para kumalma, medyo kumalma nga si Mandy mula sa sobrang pag iyak at hinawakan nya ang mga pisngi ng babae at pinahid ang mga luhang dumadaloy dito. Awang-awa sya dito dahil nasaktan nya ang dalaga.

You Complete MeWhere stories live. Discover now