Last night was very sweet, naalala lahat ni Cindy ang kung paano sya biglang hinablot ni David at hinalikan at ang sampung minuto na pag yakap nito sa kanya. Parang gusto nyang humiyaw sa tuwa, ang dibdib nya ay parang sasabog sa sobrang saya, hindi nya akalaing aabot sila sa ganitong sitwasyon, na biglaang isasama sa resthouse nito at magbabakasyon ng tatlong araw, nae-excite sya isipin pa lang nyang magkakasama sila, 3 days and 4 nights. Gusto nyang sampalin ang sarili kung totoo nga ba ang mga pangyayari ngayon sa pagitan nilang dalawa.
"Nakakalito, pero masaya" napabuntong hininga sya sa iniisip nya, nakaupo sya sa may veranda ng rest house habang nasa loob si David, "Parang ang bilis naman, parang isang kidlat lang eh ganito na kami, ni hindi nga kami umabot sa ligawan na usually ginagawa ng isang lalaki sa gusto nyang babae eh" isang malamig na hangin ang umihip at nakaramdam sya ng lamig, lamig na parang nagpapahiwatig ng isang romantikong gabi "Err? Romantic? Halaaaa ano na iniisip ko, grabe na to, bakit ba kasi ako napasabak sa ganito???" atubiling pag iisip nya nang may biglang nagsalita.
"Ang ganda ng view diba?" napa pitlag sya ng marinig iyon, dahil damang dama nya ang mukha nito na malapit sa kanya, at ang katawan nito sa likod nya. Isinandal pa ni David ang baba nito sa balikat nya at ang braso nito ay humapit sa bewang nya, she stiffened, hindi nya alam kung anong ire-react nya sa ginawa. ANO BA NAMAN YAN? BAKIT BA PALAGI NA LANG NYANG GINAGAWA TO? NAG EENJOY BA SYA MASYADO SAKIN? NAIILANG NA TALAGA AKO, ANO BA TALAGA KAMING DALAWA? "Ahm, Sir David? Naguguluhan talaga ako, ano po ba talaga ang ibig sabihin nito? Bakit ako? Tayo, andito sa rest house mo? At yung pakikitungo mo? Bakit biglang naging ganito tayo? Hindi ko talaga magets kung bakit? Paki-explain please?" hindi na sya nag atubiling magtanong, gusto nya ng straight to the point na sagot or confirmation from David mismo kung anong nangyayari. Narinig at naramdaman nya ang buntong hininga nito sa balikat nya, lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya nito at tsaka nagsalita. "just like what I said yesterday, I'm your boyfriend, and you're mine. That's it". Nanlaki ang mata nya sa sinabi nito, hala? Edi talaga seryoso sya don sa sinabi nya? ang bilis nito, parang hindi maganda ang pakiramdam ko dito. Humarap sya bigla kay David at nagtatakang tumingin dito, napailing sya. "hindi, hindi pwedeng ganun kabilis, Sir, hindi ko nga alam kung sa papanong paraan naging tayo eh, dahil ba sa halik na yun kaya naging tayo? Eh ganun na lang ba talaga yung tingin mo sakin? Eh parang kahapon lang gustong gusto mo kong patayin sa sobrang inis tapos ganito? Hindi ko to maintindihan? Ano bang meron talaga? Satin? Sayo? Ba----" hindi na nya natuloy ang pagsasalita dahil hinalikan sya ni David, ulit! Ayan na naman, puro na lang halik ang isinasagot sa kanya sa tuwing tinatanong nya ito tungkol sa kanilang dalawa, pero aaminin nyang gusting gusto nya ang ginagawa nito sa kanya. Huminto si David sa paghalik sa kanya at pinagmasdan ang kanyang mukha at hinaplos ang kanyang mga pisngi. "Hindi pa ba sapat ang lahat ng ito para maintindihan mo kung ano tayo?" he held her face and nose kiss her while laughing softly, she was surprised when he suddenly lifts her up onto bed while staring into her eyes deeply. "Let me Cinderella" he pleaded while looking into her lips. She nodded, and he kissed her deeply.
Napapansin ni Cindy na masyado nang lumalalim ang halik nito sa kanya, from her nose down to her neck, mahigpit na rin ang pagkakahawak nito sa kanyang balikat kaya bigla syang naalarma sa hindi nya malamang dahilan upang maitulak nya si David dahan-dahan palayo sa kanya. "Why?" tanong nito sa mahinang boses na parang lunod pa rin sa nangyayari sa kanilang dalawa. "I think we should sleep
Sir, medyo malayo rin ang byahe kaya napapagod na ko, san nga po pala ang kwarto ko dito?" nanginginig nyang sabi dito nang hindi sya makatingin ng deretso sa kausap. Nakita nyang nakangisi ito at nagsalita, "walang ibang kama o kwarto dito, isa lang, dito lang" sabi nito0 sabay turo sa kama na kinauupuan nila. Napanganga sya sa sinabi ng kaharap at napangunot ang noo nya, "nalagot na!" sabi nya sa isip. Napangiwi sya sa isiping magtatabi silang dalawa sa kama, kung kanina nga lang eh halik na ito ng halik sa kanya pano pa kaya kung magtatabi na sila? Nanlamig yata sya don, aba syempre naman gusto nyang gawin sa kanya iyon ng lalaking mahal nya pagkatapos ng kasal nila, hindi ng boyfriend pa lang nya, kung mag boyfriend nga ba silang masasabi, narinig nya itong tumawa ng malakas habang naka-pamaywang. And the thought he's topless, only wearing boxer shorts at that time. Napalingon sya sa may pinto ng kwarto at doon tanaw nya ang malaking sofa "Na-uh, Cindy, do not think about it, I did not plan to sleep without you beside me tonight, that's why I brought you here" nanlaki ang mata nya sa narinig, aba at talagang may balak itong gawin sa kanya, "You can't run sweetheart, sa akin ang lugar na ito, at dito, ako ang masusunod" ang lalim ng hugot ng paghinga nya ng marinig iyon, "omg! What to do?" puro iling lang ang sinasagot nya sa mga sinasabi sa kanya ni David. "you know what? Sanay akong matulog ng walang kahit anong saplot sa katawan, lalo ngayon, napaka init ng panahon" dahan dahan nitong hinawakan ang leeg na para bang napaka init nga sa lugar na iyon. "Ano? A-anong mainit? Kahit ang lamig lamig?" napataas na ang boses nya dahil sa sobrang kaba at taranta. "kung ganon," lumapit ito sa kanya at hinawakan sya sa braso nya ng mahigpit. "mas lalong dito ka dapat sa kwarto matulog, diba malamig? Tamang tama lang sa ating dalawa, malaki ang kama at share tayo sa kumot na makapal sweetheart". Nanlaki naman ang mata nya sa narinig at kumabog kabog ang dibdib nya. Unti-unti itong lumapit habang nakangiti at nakatitig sa kanya. Habang paatras sya ng paatras ay bigla nyang naisip na tumakbo pero nahagip pa rin sya ng braso nito pabalik. "Tsk tsk, I said you can't run sweety" at binuhat na sya nito sa kama at inihiga, dumantay ang paa nito sa mga hita nya at ang isang braso nito ay yumakap sa bewang nya, "don't be silly, alam ko kung anong nasa isip mo na pwedeng pwede kong gawin sayo, pero hindi ako ganung tao. Kaya kong pigilan ang sarili ko hanggat hindi ko nauumpisahan iyon, now sleep Cinderella". Pagkasabi nyon ay humilig ito sa leeg nya. Ang bulong at hininga nito ay nararamdaman nya sa kanyang leeg, at mas nagulo ang sistema ng katawan nya sa ginawa nito. "Makatulog kaya ako ng ganito? Hindi ba talaga nya gagawin sakin yon kahit magkasama na kami sa iisang kwarto?" nagulat na naman sya sa iniisip nya. at napabuntong hininga sya na naramdaman naman ni David at nagsalita, "I said sleep, don't worry, you're safe with me" at tumawa ng mahina.
Napatingin si Cindy sa wall clock ng kwarto nila, mag aalas kwatro na ng madaling araw ay hindi pa rin sya nakakatulog. Yakap yakap pa rin sya ni David at mas lalong naging malapit ang katawan nila sa isa't isa. Mas lalong humigpit pa ang pagkakayakap nito sa kanya na para bang sinisiguradong hindi sya aalis sa tabi nito. "naman eh! Gusto ko nang matulog eh, pero infairness ha, ang gwapo talaga nya, aarte pa ba ako sa taong to? Hmm? Syempre naman, baka naman kasi isipin nya easy to get ako kung agad-agad rin akong papayag sa gusto nyang mangyari saming dalawa no? infairness ang yaman talaga nito ha. May sariling resthouse, kaso saang parte ba ito ng Pilipinas? Umiba sya ng pwesto ng pagkakahiga at humarap sa katabi. Doon nya ulit napagmasdan ang mukha nito na hindi nya napigilang hawakan at para bang pinag aaralan ang mukha ni David, ang noo, kilay, pilikmata, at ang matangos nitong ilong. Napaka gwapo, halos perpekto ang mukha nito para sa kanya, pero ano pa ba ng mga bagay na hindi nya alam dito? Doon nya napagtanto na marami pa pala syang dapat malaman kay David kung papayag sya sa gusto nitong maging sila na sa mabilis na panahon. At hindi rin nawala sa isip nyang, mayaman ito at sya ay isang ordinaryong tao lang, hindi rin naman sila sobrang hirap na tulad ng ibang napapanood nya sa tv na against all odds ang love story, pero may takot syang naramdaman sa isiping iyon, kapatid nito ang Sir Justin nila na alam nitong ubod ng yaman. Sa mga isiping iyon sa unang gabi ng bakasyon nya, unti unti na ring hinila ng antok ang mata nya at hindi nya alam kung anong oras na sya nakatulog.
Unti-unting dumidilat ang mga mata ni Cindy nang maabutan nyang nakatitig sa kanya si David nang malapitan. Halos nakadagan na ito sa katawan nya at nakatitig lang ang mga mata nitong nakangiti sa kanya. "I love watching you sleep, you're so pretty" sa narinig nyang iyon ay agad syang pinamulahan ng mukha at hindi makatingin ng derecho sa kaharap. Ang aga-aga naman ng ganito naisip na lang nya. Umagang umaga ay kung anu-ano na ang nasasabi nito sa kanya. "Good morning, beauty. Now get up and eat breakfast with me at the Garden" aya nitoat bigla syang hinawakan sa balikat at iangat sya sa higaan. "Come on" sabi nito at wala na syang nagawa kundi ang sumunod.
Dinala sya nito sa isang lamesa na may table presentation at ang mga pagkain, sa tingin nya ay sobra para sa kanilang dalawa lang. "Ang daming pagkain, tayo lang naman ang kakain nito, sayang naman" sabi nya, napailing si David at "Sinong may sabing tayong dalawa lang ang kakain? Mauuna lang tayo pero kasama sila Manang sa pagkain na pinahanda ko, nahihiyang sumabay sa atin eh mauna na lang daw tayo, para naman magkaron daw tayo ng privacy ngayon" sabay kindat pagkatapos nitong magsalita. Nagulat sya sa nalaman, hindi naman pala ito tulad ng akala nya sa mga mayayaman na matapobreng nagsasayang ng pagkain, kundi kasama ang mga kasambahay sa ipinaluluto nito. Madami syang nalalalaman tungkol kay David na hindi nya inaakala. Napapangiti sya, nasu-surprise sya sa maari pa nyang malaman tungkol dito.
"Tomorrow, babalik na tayo sa QC, pinapatawag na tayo ni Ms. April para sa Foundation, maraming sponsors ang gustong ipakausap sa atin." Sabi nito, nalungkot sya sa narinig, kung kelan interesado sya sa mga bagay-bagay sa buhay ni David, tsaka naman babalik agad sa trabaho. "Why? Ayaw mo pa ba? Do you want to stay here?" tanong nito, nahalata yata sya dahil sa naging expression ng mukha nya. "ah no, kung pinapatawag tayo ni Ms. April, edi bumalik na nga talaga tayo, may mga susunod na araw pa naman para ulitin to eh" sabi na lang nya nang nakayuko, hindi na talaga nya kayang makipag titigan dito ng derecho. Pero hindi nya alam na sobrang saya ni David sa sinabi nya, palihim itong ngumiti habang kumakain sila.

YOU ARE READING
You Complete Me
RomanceHow would you feel if you are in between? Yung hindi mo alam kung ano ba talaga ang gusto mo? Nalilito sa mismong pagkatao? Yung pakiramdam na hindi ka kumpleto dahil sa nararamdamang pagkalito sa sarili? At ang masakit pa... Yung kaisa isang taong...