11

10 2 0
                                    

Isang linggo nang hindi knikibo ni David si Cindy after sya nitong talikuran nung huli silang magkausap tungkol sa enrollment, naisip nyang baka nasaktan or natapakan nya ang ego nito, mayaman si David kaya siguro hindi ito sanay na tinatanggihan kapag sa mga ganun bagay. Kinakausap lang sya nito ngayon kapag may kailangang itanong tungkol sa Foundation at sa ilang paghahanda sa Academy, tuloy parin kasi ang partnership nilang dalawa sa task na binigay sa kanila ni Ms. April at Dewi, pinaubaya na sa kanila ang ilang pamamahala sa Dream Bridge, dahil mas naka focus ang mga boss nila sa Academy and beside, boss na rin pala nila si David dahil may share na rin ito sa company.

"Friend, parang nahahalata kong hindi kayo masyado nag uusap ni Sir David ah, tapos parang ang awkward nyo na kapag nagkakaharap, ano nangyare?" tanong sa kanya ni Hazel. "may hindi lang kami pinagkasunduan, hindi ko nga alam kung bakit tumagal ng ganito katagal eh" sagot nya. "eh sino bang may kasalanan? Dapat kung sino may kasalanan, sya mag effort, bakit naman bigla bigla na lang ganun na hindi kayo nagpapansinan?" pinakikinggan nya lang si Hazel, napaisip sya sa sinabi nito tungkol sa mag e-effort, ano namang klaseng paghahanda ang gagawin nya? hindi nya malaman kung ano ang unang gagawin, first time nya sa ganitong situation dahil nbsb sya.

"Ah friend, kasi ako yata ang may kasalanan kaya hindi kami nagpapansinan, may nasabi akong ikinagalit nya" pag amin nya sa kausap, "Ano??? Eh ano pang hinihintay mo edi go go ka na, mag sorry ka, kausapin mo sya, ganun. Ano bang nasabi mo at ikinatampo nya?" sobrang lalim ng pinaghugutan nya ng hininga bago nagsalita at ikinuwento nya ang nasabi nyang ikinagalit si David.

"Ay sus friend, magtatampo talaga sayo yun kasi feeling nya eh tinatanggihan mo sya and bilang lalaki, syempre parang medyo natapakan mo ang ego nya, feeling ko, ang pakiramdam ni Sir David, baliwala lang sayo lahat ng effort na ginagawa nya dahil palagi mo syang tinatanggihan. Yung mga ganung offer na super sweet naman nyang inialok sayo, you just have to appreciate it and say thank you, just acknowledge his concern and effort, nage-gets moko?" tanong nito sa kanya, "oo naman ano, nage-gets kita, but the thing is, HOW? Alam mo namang first time ko sa mga ganitong situation, hindi ko alam pano ko i-a-approach yung ganitong eksena friend, nbsb ako" iiling iling na sabi nyang may pagkunot pa ng noo. "Syempre tuturuan kita dyan friend, hanap ka ng tyempo na masasabi mo sa kanyang mag usap kayo and then dalhin mo sya sa lugar na kayong dalawa lang tapos say sorry, at tatanggapin mo na offer nya sa enrollment ganun, na wala kana balak bayaran yun" payo sa kanya ng kaibigan. "Eh papano ko nga sasabihin yun sa kanya ng hindi awkward friend?" natatarantang tanong naman nya ulit dito. "Alam mo friend, yung mga ganyang bagay hindi ko yan masasagot kasi kahit sabihin ko kung anong dapat na sabihin mo sa kanya, ikaw pa rin ang magsasalita eh, nasa sayo kung pano mo idedeliver yan" sabi nito sa kanya at tumalikod na. Isang mahabang buntong hininga ang na lang ang nagawa nya.

So, ako parin ang mag iisip kung pano? Ang hirap namang gawin yun. Pano ko naman uumpisahan yun? Naman eh!!!

Kinabukasan, tulala lang si Cindy sa kung papaano nya kakausapin si David, ni sulyap ay hindi magawa sa kanya nito. Lalapitan lang sya kapag may itatanong tungkol sa paghahanda nila sa pagbubukas ng Academy. Isa kasi sya sa humahawak ng budget sa building. Hindi sya makahanap ng magandang tyempo kasi parang napakasuplado nito kapag kinakausap sya. "Cindy, can you contact our contractor and schedule for a meeting on tuesday?" parang wala syang narinig, nakatulala parin sya, nakangunot ang noo. "Cindy?, Cinderella!" doon na sya napamulagat nang marinig nya ang pagsigaw ng kumakausap sa kanya, at nanlaki ang mga mata nya nang makita na si David pala ang kumakausap sa kanya. "Ah, a-ano yon?" utal nyang balik tanong dito. Inis naman sya nitong tinignan at nagsalita ulir "I said, paki contact ang contractors natin sa building and schedule a meeting on tuesday" walang emosyon at malamig na sabi ulit nito. Aalis na ito nang magsalita sya. "Ahm, Da-, Sir David, can we talk for a second?" lakas loob na sabi nya dito, nakatalikod na ito sa kanya nang huminto ito at nagsalita na hindi sya nililingon. "Its that important? I can't lose any minute for that" sabi lang nito at umalis na. Bumalik ang dating David na napaka suplado sa kanya at ang masama pa parang dumoble pa ang pagiging snob nito sa kanya. Hayun sya at naiwan na nakatayo, nakanganga at tulala sa inasal nito sa kanya. Napapikit na lang sya at dali daling ginawa ang inutos nito, baka mamaya magalit pa ito sa kanya ng tuluyan.

"Friend!!! Hindi ko na kaya yung pressure!!! Hindi nako sanay sa ginagawa nya, naistress akoooooo" hinaing nya kay Hazel at isinubsob ang mukha sa ibabaw ng palad sa lamesa. "Para syang naging dragon ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko" napapailing na lang nyang sabi. "So hindi ka ngayon mapakali? Hindi ka sanay na hindi ka nya kinakausap? So super affected ka?" natatawang sabi nito sa kanya, "Oo naman, affected ako syempre boyfriend ko sya eh" nagulat sya sa sagot nya kay Hazel. "Ayuuunnnn!!! so admitted ka na talaga na kayo talaga, aysuuuusss knikilig ako friend ha, gumawa ka na ng paraan para makapag usap na kayo ulit. Aba nababalitaan ko na may babaeng umaaligid dyan kay Sir David sa meetings nila sa Academy ha, yung isang shared holder, ano nga bang pangalan nun? Marie? Mandy yata? Ah basta!, kaya friend bakuran mo na si Sir David baka may makasalisi pa naku" Napaisip sya sa sinabi ng kaibigan. Nakaramdam sya ng kaba at parang naiiyak pa, "Parang narinig ko na ang pangalang Mandy? Pamilyar sakin" Pilit nyang iniisip kung kailan, saan at kung sa papanong paraan naging pamilyar sa kanya ang pangalan na yun. "Ah basta, gagawa nako ng paraan para makapag usap kami" Determinadong sabi nya sa sarili at naisipang mag browse sa internet at magsearch tungkol sa "How to keep a relationship longer". May nakita syang isang magandang idea at nakabuo na sya ng plano. Napangiti sya sa gagawin. Sana lang magustuhan ito ni David. Ngayon, talagang papanindigan nyang girlfriend sya nito at wala na syang alinlangan na panghawakan ang mga sinabi ni David sa kanya noon.

Araw ng martes,  ang pinasched ni David na meeting, kasama ang contractors at ilang shared holders, naisip nya ang Mandy na sinasabi ni Hazel sa kanya, dahil sa curiosity, ay sumilip sya saglit sa conference room. At nanigas ang buong katawan nya sa nakita, Si David at isang magandang babae, nag uusap, hindi nya maintindihan kung ano ang pinag uusapan ng mga ito but alam nyang there's something between the two. Tinitigan nya ang babae, Parang nakikilala ko yun ah sabi nya sa sarili habang inaalala kung saan nga ba nya nakita ang babaeng kausap ni David, Yung babae sa restaurant! Hindi ako pwedeng magkamali, sya yun yung babaeng dahilan ng lahat, kung pano ako nalito sa nararamdaman ko kay Dave. Sa nakikita nya ngayon, tila nag mamakaawa ang babae sa harap ng kausap, at ang mga mata naman ni David, naaawa, nakangunot ang noo  pero ang titig nito sa kausap ay may awa, something concerned and she gassep when she saw, Dave touch the woman's face, and hug her.

Hindi na nya gustong makita pa ang dalawa kaya tumalikod na sya mula sa pinagkukublihan nya at naglakad na parang wala sa sarili, ni hindi na nga nya napansin na may tumulong luha na sa mga pisngi nya, at mukhang sinuswerte pa sya at nakasalubong nya si Ms. Dewi "Cinderella, hurry, pakibigay to kila David at Ms. Mandy sa board room, they need this asap" at tumalikod na ito, halatang nagmamadali si Ms. Dewi dahil parang bulang nawala na ito sa harapan nya, kaya no choice na sya talaga  ang magbibigay sa kanya ng documents sa dalawa. Mabigat na humakbang sya pabalik sa dalawa na hanggang ngayon ay magkayakap parin at hinahagod na ni Dave ang likod ng babae, para bang pinatatahan na nito ang kausap. Wala sa loob na nagsalita sya, na para bang ang bawat salita nya ay para syang lutang na ewan, "Eto na po yung document na kailangan nyo daw" sabay talikod, dahil hindi na nya kayang makita pa ang dalawa. Hindi na rin nya alintana ang mga luhang tumutulo sa mga mata nya, na umiiyak na pala sya ng todo nang humarap sa dalawa.

You Complete MeWhere stories live. Discover now