14

9 1 0
                                    

Nasasaktan sya sa nakita sa mga maga ng dalaga. Napangiti sya ng mapait.


This is it. Alam ko na to, ganitong ganito noon si Mandy. Ipagpapatuloy ko na lang magsalita.

"Nalito ako sa pagkatao ko noong may isang lalaking dikit ng dikit sakin, but at that time, girlfriend ko noon si Mandy. Bigla syang lumapit sa akin at nagtapat ng nararamdaman nya. Pinag pilitan nyang mahalin ko rin sya. Bigla nya akong niyakap. Pero imbis na magwala ako sa galit, natigilan ako dahil hindi ko magawang magpumiglas"

Lumuluha na si David, dahil hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ni Cindy. Kinuwento nya lahat. Ang pag pilitang yakap at halik sa kanya noon ni Tom at kung paano sya nahuli ng tatay nya, at kung paano sya nito itinakwil.

"Pati si Mommy, hindi rin kinaya ang lahat. Nahimatay sya nang gabing iyon. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa non Cindy. Pero at the same time, inisip ko na rin na isa rin itong pagkakataon para makawala sa pag mamando ng ama ko. Para matupad ko ang pangarap ko, tulad ngayon"

"Ang-ang mommy mo? Hindi ka na ba talaga kinausap? Diba dapat sya ang unang makakintindi sayo? Ang unang tatanggap ng pagkatao mo?" sa wakas ay nagsalita na ang dalaga. Wala na rito ang reaksyon ng pagkatakot, bagkus ay nasa mga mata na nito ngayon ang pag simpatya sa kanya.

"Hindi na, Im living like hell. Nagtapos ako sa dugo at pawis ko dahil hindi nako sinuportahan ni Daddy. At si Mandy, nung malaman nya ang nangyari sakin, ang pagkalito ko sa kung ano ba talaga ako, tinalikuran din nya ako. Iniwan nya ako. Im lost at that time" Hindi na napigilang mapaluha ni David nang alalahanin nya ang masakit na katotohanag iyon. "Kahit pa hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko, pinili na nilang layuan ako na parang may nakakahawa akong sakit". Kinuyom nya ang mga palad nya sa galit, inis at pagkamuhi sa sarili. Iyak na sya ng iyak dahil sa mga nangyari.



Nasasaktan si Cindy sa nakikita nya kay David ngayon. Malaking bagay para sa kanya na ito na mismo ang nagsabi sa pagkatao nito, dahil don mas lalo lamang nahulog ang loob nya dito. Para sa kanya, isang katapangan ang magsabi sa ibang tao ang saloobin mo at hindi ang ilihim ito at hayaan na lang.

Wala nang hiya hiya, tinawid ng dalaga ang pagitan nila ni David at pinahid nya ang luha nitong dumadaloy sa mga pisngi. Hinawakan nya ang magkabilang psingi ng binata at unti unti nya itong hinalikan sa labi.

Nung una ay naestatwa pa ito sa ginawa nya, pero ilang segundo lang ay tumugon na ito sa halik nya. Hinawakan na rin nito ang pisngi nya at mas diniinan ang halik, hanggang sa lumalim ito. Unti unti naman syang kumalas nang maramdaman na nyang nagiging mapusok na ang binata sa paraan ng paghalik nito sa kanya. Napatawa pa sya ng mahina at nagsalita.

"May tao tayong kasama" at para nga itong natauhan sa sinabi nya.

"Simula ngayon, hindi mo na mararamdaman iyon. Hindi ka mag iisa, kung ano ka tatanggapin ko iyon. At, at tutulungan kitang mahanap kung ano talaga ang gusto mo. Tutulungan kitang madiskubre ang buong pagkatao mo. Tatanggapin ko lahat David. Kahit pa bandang huli hindi mo ako piliin, okay lang sakin"

Sya naman ang napaiyak sa naisip nya. Oo at hindi ito sigurado sa pagkatao nito, at maaring bandang huli ay umiba ang tibok ng puso ng binata, pero magiging masaya sya na magiging parte sya ng pagbuo ng pagkatao nito.

"You don't have to do that now Sweetheart. I already know who I am, what I wanted and who I will love until the end, And That is you Cindy. Dahil sayo, nalaman ko lahat yun. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon dahil hindi mo ako pinandirihan, hindi mo ako tinakbuhan. Wag na wag mong gagawin yun ha" Sabi ng binata sa kanya habang hawak nito ang magkabilang pisngi nya.

"Hinding hindi ko gagawin yun. Diba sabi ko sayo noon, na gagawin ko ang lahat para maging lalaki ka. Gusto mo bang malaman kung ano yung dapat na sasabihin ko nung tinanong mo ako kung malaman kong bakla ka pala?" Napakunot noo ang binaga at ilang sandali ay nanlaki ang mga mata nito.

"Naalala mo pa yun? Nung tinanong kita?" tumango naman sya at ngumiti ng matamis.

"Ikukulong kita sa isang kwarto ng isang buwan at aakitin ka hanggang sa marealize mong lalaki ka pala" she giggled after saying that. Kinabig naman sya ng binata para mas lalong lumapit ang katawan nya dito.

"I guess your wrong Miss. Dahil ako ang magkukulong sayo sa kwarto" and he laugh, a sexy laugh and a sexy smile on his delicious lips. Napatulala na naman si Cindy, pakiramdam nya, nalaglag ang bra at panty nya sa gesture na yun ni David.

Itinayo sya nito at may kinuha sa bulsa, a little box, naisipan nyang necklace ang ibibigay sa kanya ng binata kaya ngumiti na lang sya. Pero unti unti itong lumuhod sa harap nya at binuksan ang maliit na kahon na may lamang singsing. It is a diamond ring na nagpa singhap sa kanya.

"Bago kita ikulong sa kwarto, gusto ko sanag tanungin ka. I know its too early for this. Hindi naman agad agad ito, pero gusto kong masiguro na sa akin ka Sweetheart. Sa akin ka in the future and till forever. I am aching to hold you, to kiss you, to love you forever. I thank God for letting me be with you. I wanted to grow old with you Cindy. You make me whole again Sweetheart. You complete me. Will you marry me My Cinderella?"

Hindi na nya mapigilan ang maiyak, sunod sunod na luha ang pumatak sa pisngi nya, at buong puso syang tumango ng maraming beses sa binata.

"Yes, Yes I will marry you David. Ikaw, ikaw ang taong matagal ko nang pinapangarap, mahal na mahal kita David" At sinugod na nya ng mahigpit na yakap ang nakaluhod na binata.

"I love you, I love you" hinalikan sya nito at nagulat na lang sya nang bumukas ang malalaking ilaw sa rooftop at nakitang umaakyat ng hagdanan ang mga kaibigan nya at sila Ms. April at Ms, Dewi.


"She said Yes !!!!" sigaw naman ng binata at kumamay pa sa mga taong bagong dating.

"Congratulations!!!!" Salubong sa kanila ng mga kaibigan at kasama nila sa Dream Bridge.

"Grabe ha, proposal agad! Ang bilis mo Sir David" kantyaw ni Hazel sa binata at dahilan ng panlalaki ng mata nya dito. Tumawa lang ang kaibigan nya at niyakap sya.

"Congrats talaga friend, dumating na si Mr, Right mo, natupad na ang alam kong matagal mo nang wini-wish kay Lord" sabi nito sa kanya at sabay kindat sa kanya. Nagulat naman sya nang bigla syang yakapin ni David sa likod at nagsalita.

"And what is that wish?" tanong nito na nakangisi ng nakakaloko.

"Naku Sir! matagal na nyang pinagdarasal kay Lord na sana ma-confirm na nyang talagang mahal mo sya!" halos sakalin na nya si Hazel sa kadaldalan nito at tinakpan ang bibig.

"Lam mo friend ang dami mong sinasabe eh, dun ka muna hala, chupi" natawa na lang ang pobreng kabigan at lumapit sa ibang naghahanda ng pagkain nila.

"So?"

Pinihit sya ng binata upang mapaharap dito at nagtaas-baba ang kilay na may malawak na ngiti.

"Ano? so ka pa jan?"

Naputol ang pagtatawanan nila ng binata nang may tumawag dito na isang baritonong boses.

"David"

You Complete MeWhere stories live. Discover now