15

12 1 0
                                    

“Da-Dad”

Pabulong na tugon nya sa lalaking bagong dating, hindi nya inaakalang makikita pa nya ang kanyang ama sa mga ganitong pagkakataon, lalong humigpit ang hawak nya sa mga kamay ni Cindy, dala na rin siguro ng bugso ng damdamin na pinipigil nya.

Totoo, masamang masama pa rin ang loob nya sa taong kaharap nya, mukhang nakaramdam naman ang dalaga sa tabi nya at hinawakan rin nito ng maigi ang kanyang mga kamay.

“How are you Son?” pagkasabi niyon ay lumabot ang ekspresyon nito, lumamlam ang paraan ng pagkakatitig sa kanya at unti unting ngumiti. Lumakad ito papalapit sa kanya at sa hindi nya inaasahang pagkakataon ay niyakap sya nito ng mahigpit.

“I’m so proud of you Dave” bulong nito sa kanya.

“Humahanga ako sa pagiging independent mo kahit halos itakwil na kita noon. Sana mapatawad mo pa ako sa maling pag aakusa ko sa pagkatao mo. Pinag sisihan ko lahat ng iyon”

Buong pusong pagmamakaawa nito sa kanya, nakahawak ito sa kamay nya habang sinasabi ang mga iyon.

Hindi nya naman alam kung anong sasabihin nya dahil nagulat sya sa biglaang pag punta nito dito, wala syang pinagsabihan ng kahit ano sa mga kamag anak nya, lahat ng taong nakakaalam ng proposal nya kay Cindy ay ang mga kasama lang nila sa Dream Bridge.

“Kaya lang ba kayo nandito ngayon dahil alam na ninyong mas pinili ko ang maging isang tunay na lalaki? Paano kung hindi nangyari to? Andito pa rin po ba kayo sa harap ko at hihingi ng tawad?”

Sa wakas ay nakapag salita na sya. Sa totoo lang iyan naman talaga ang unang unang lumabas sa isip nya nang marinig ang pag hingi ng tawad nito.

“No David, andito ako para sayo talaga, I think its about time to settle things between us dahil nagawa mo na ang mga dapat mong gawin. Noon pa man alam ko nang hindi mo pa alam ang mga bagay na gusto mong gawin. At umamin na sa akin ang kuya Justin mo, he set you up para pati sa pagkatao mo, malito ka, pero nagsisisi na sya ngayon sa mga nangyari sayo” palinawag nito sa kanya na nagpakunot ng noon nya.

“Alam nyo? Pero tinakwil nyo pa rin ako at pinabayaan?” medyo napataas na ang boses nya dahil sa nalaman.


“Ahm, David, Sir, mas Mabuti sana kung doon po kayo mag usap sa garden para mas magkaintindihan po kayo at magkaroon ng privacy. Dave sige na tara.”

Humarap din si Cindy sa Daddy nya at inaya na rin ito.
“Tara na po?” tumango naman ang Daddy nya at sumunod na lang sila sa dalaga.

Dinala sila ni Cindy sa may Garden Lounge ng Dream Bridge at iniwan sila doon. Napansin naman nyang nakangiti ito habang pinagmamasdan si Cindy na naglakad palayo sa kanila.

“Matalino at magalang sya anak, at hindi maipagkakailang mabait din sya, masaya ako para sayo” nakangiting sabi nito sa kanya.

“Masaya kayo para sakin? Or is it because I chose to be a real man?” blankong tanong nya sa kaharap. Ang kaninang ngiti sa labi ng ama nya ay unti unting nawala, naging malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Complete MeWhere stories live. Discover now