Nagsimula na ang hell life para kay Cindy, lagi nya kasing makakasama si David. KUNG MINAMALAS KA NGA NAMAN, YUNG PINAKA AYAW MO PA ANG MAKAKASAMA MO. MAG RESIGN NA LANG KAYA AKO? TSK. "Hey!" sabi sa kanya ni David, napataas naman ang kilay nya, "don't call me HEY! You know my name don't you?" sabay irap nya ditto, "Whatever! Let's go" may halong pagmamando ang tono nito. "hoy! Hindi porket ikaw ang acting place ni Ms. April, gagawin mo na akong subordinate mo, FYI lang noh, ako ang legal na empleyado ng Foundation nato!" sigaw nya sa kaharap, tumawa lang ito na lalong ikinainis nya, at sa hindi nya inaasahan, inilalapit nito ang mukha sa kanya at "gusto mo bang maging palpak tayo at mapahiya kila Ms. April? Kung hindi ka susunod sa akin, walang mangyayaring maganda sa team naten, and yes! Ako ang pinaka kapalit ni Ms. April, diba boss nyo sya? So, ako ngayon ang mag ACT as your boss! You understand?" may diin at pagkahambog ang tono ng pananalita nito sa kanya, ramdam nya ang paghinga ng kausap kasi naman, halos wala nang distansya ang mukha nila sa isa't isa, pero nung hindi na sya makapag salita, unti unti rin naman nitong nilayo sa kanya ang mukha. "Get in the car, male-late tayo sa meeting" walang pasubaling sabi sa kanya, napasimangot naman sya at padabog na isinara ang pinto. Nagpunta sila sa isang Pulitiko na gustong maging sponsor at mag invest sa Foundation, nakita ni Cindy kung gaano kagaling makipag deal c David sa kausap, wala naman syang ginawa kundi ang tumunganga at making sa usapan nito at mag take note ng mga proposal ng kausap.
"Let's eat! Doon tayo" sabi ni David na itinuro ang napakagandang restaurant, "Oi teka lang! Kung dyan mo binabalak kumain, mag isa ka, kasi wala akong perang pambayad dyan, hindi naman ako kasing yaman mo" sabi nya na nakabusangot ang mukha. "Eh saan mo gusto? Sa mga dirty karinderia? No way!" sabi naman ni David, "Anong no way? Yes way! Kung ayaw mo bahala ka! Mag isa ka dyan, isusumbong kita kay Ms. Dewi na pinababayaan mo ako, isang legal na empleyado ng Dream Bridge Fo---" pinutol na ni David ang sinasabi nya, "Shut up! Ang daldal mo, let's go, my treat" sabi nito sa mahina pero halatang nakakairitang boses. Pumunta nga sila sa isang napaka sosyal na restaurant, hindi nga nya matandaan kung anong pangalan nito kasi tunog Italian ang pangalan ng restaurant, nang may isang babaeng huminto sa harapan nila ni David habang papunta na sila sa exit ng resto. "David?" isang mestisa, matangkad at mukhang sosyal na babae ito sa isip ni Cindy, pero nakatingin lang si David ditto nang walang ka-emo-emosyon. "Who is she? I thought you're?" sabi pa nito with a confused look at palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Stop it Mandy!" mahinang sabi ni David, "nagkukunwari ka lang ba para matakasan mo ako? Para sa kanya?" at itinuro pa sya nito, ANO DAW? TEKA TEKA, HINDI KO YATA GUSTO TO AH, PARANG PINAGKAKAMALAN NYA AKO AT ANG ASWANG NATO? HALAAAAA! Sigaw ang isip ni Cindy, nagulat na lang sya nang hawakan ni David ang kamay nya at "No it's not that, you turn my back on me Mandy, and this girl, She's the one who made me this way, who made me thought who I am, hindi katulad mo. I'm so disappointed to you Mandy, you don't love me that much. Let's go Honey!" hinapit pa sya ni David sa bewang nya na sobrang ipinanlaki ng mata nya, magpupumiglas sya nang bulungan sya nito "Hiramin muna kita saglit lang, until we reached the Parking lot." Bulong sa kanya, kaya napatungo na lang sya, litong lito sya and at the same time, nanginginig sya sa hindi nya malaman na dahilan, kasi naman nakahawak sa bewang nya si David, gosh hindi sya sanay.
Parang naging napakabagal ng oras habang papunta sila sa may parking lot eh kung tutuusin sa may tapat lang naman nito ang restaurant, kahit mainit, alam nyang ang pawis nayun ay hindi dahil sa init ng araw, dahil yun sa pagkakahawak nito sa bewang nya, hindi nya alam kung bakit ganito ang nararamdaman nya ngayon, sobrang tense sya at pinagpapawisan talaga ng malapot. Nakahinga na sya ng maluwag ng marating na nila ang sasakyan, bubuksan na nya ito ng magulat sya dahil bigla syang pinagbuksan ng David ng pintuan at dahil dun nahawakan nya ang kamay nito, ewan nya kung bakit sa isang iglap ganito na sya, eh isang simpleng hawak lang naman sa bewang nya ang ginawa nito, at alam naman nyang "hiram" lang sya nito ngayon para dun sa magandang babae na nakita nila kanina, SHEMAY NAMAN CINDY BAKET GANYAN KA NGAYON. ANO BANG NANGYAYARI SAYO? "Hey!" pukaw sa kanya ni David, nakapasok nap ala sila sa loob ng kotse nito nang hindi man lang nya namamalayan, LOKA KA TALAGA CINDY ,ANO BANG NANGYAYARI SAYO? "I'm so sorry sa nangyari kanina, I know you don't like it, but I must say Thank you." Sabi nito sa kanya nang hindi nakatingin, nakatuon ang mga mata nito sa daan, "Ahm, I hope you don't mind, who's that pretty girl?" she asked, "She's Mandy, and I love her, let's go back to the Foundation, it's been a long day for us" sabi nito at pinaandar na ang sasakyan, malungkot ang mukha at nakikita nya sa mga mata ni David na sobrang nasasaktan ito ngayon kaya mas pinili na lang nyang wag na mag-usisa wala naman syang dapat pakialam eh, nadamay lang sya kanina.

YOU ARE READING
You Complete Me
RomansHow would you feel if you are in between? Yung hindi mo alam kung ano ba talaga ang gusto mo? Nalilito sa mismong pagkatao? Yung pakiramdam na hindi ka kumpleto dahil sa nararamdamang pagkalito sa sarili? At ang masakit pa... Yung kaisa isang taong...