Pagkatapos magkalinawan sa kanilang relasyon, mas lalo pang naging sweet si David kay Cindy. Ngayong gabi, niyaya sya nito sa isang 5 star hotel mag dinner, may sasabihin daw ito sa kanyang importante. Pinaghandaan nya ito ng mabuti, namili pa sya talaga ng damit na isusuot dahil this is their first date as officially couple. Syempre, malabo pa para sa kanya yung mga panahong nakasama nya ito sa townhouse nito, but those moments where so magical for her. Dahil don nagkaron sila ng ugnayan ng binata. Late sya ng 30 minutes sa pagkikitaan nila dahil sa hindi nya malamang dahilan ay kinakabahan sya.
Kahit hirap sa 2 inch high heel sandals nya, tiis ganda na to para sa first date nila. Isang V front bardit midi dress ang napagpasyahan nyang isuot, kahit medyo ilang syang suotin yun, ang loka nyang kaibigang si Hazel ang pilit na ipinabili sa kanya para daw elegant sexy ang maging appeal nya dahil sosyal na hotel ang dinner nila ni David. Medyo low cut ang v line nito at one inch above the knee naman kaya keri lang, maganda naman ang legs nya. Kinakabahan syang lumabas ng taxi at napabuga pa sya ng hangin nang makitang halos lahat ng tao ay nakatingin sa may gawi nya, mapa lalaki man o babae.
Hindi ko tuloy alam kung pangit ba sakin tong dress na to o ano? Halos lahat sila nakatingin sakin.
"Whoah! Ang ganda naman nitong hotel na to" naglakad sya papunta sa sinabing ballroom ni David.
"Ms. Cinderella Santos? This way Ma'am" isang babae ang agad na sumalubong sa kanya na naka uniporme ng black skirt, white long sleeve na damit at naka bun ang buhok.
Aba naman pati staff artistahin ah , piping sabi na lang nya, aba naman, nahiya sya sa itsura nya dahil ang ganda, maputi at makinis ang babae, buti na lang at matangkad parin sya dito. Nakita nya itong may rapel at bluetooth ear phone sa kaliwang tenga at nagsalita.
"Todo está listo, la dama está aquí" nakangunot naman ang noo nitong parang pinapakinggan ang kausap at nagsalita ulit. "Prepárate, tres segundos para jugar". Binalingan sya nito at nag bilang ng tatlong segundo sabay bukas ng pinto.
Ano daw? Hindi ko maintindihan si atey, baka mamaya nasa panganib nako hindi ko pa alam ah. Asan na ba si David ?
Sumalubong sa kanya ang isang matangkad na lalaking nag violin at ang buong paligid ay dim light at punong puno ng mga rosas, at sa may bandang dulo ay may organ na nakalagay. Sa laki ng ballroom na to, mukhang silang dalawa lang ni David ang nag ookupa non. Speaking of which, nasan na ba ang damuhong yun?
"Enjoy your night madam" nakangiting sabi sa kanya ng babaeng staff at umalis na ito, maya maya pa ay naririnig na nya ang papalapit na yabag ng sapatos.
"Sweetheart, your stunning"
Nagulat sya nang magsalita si David mula sa likuran nya at niyakap sya nito mula sa likod at ang isang braso nito ay unti unting dumaus-dos payakap sa kanyang bewang at ang isang kamay naman nito ay may inabot na isang kumpol ng red roses.
"T-Thank you" sa lakas ng kabog ng dibdib ni Cindy ay parang gusto nang lumabas ng puso nya.
This man, never fail to make me nervous and flattered sa isip isip nya. she hear him chuckled and say,
"Your stuttering Sweetheart, hey, it's just me" hindi nya namalayan na nakaharap na pala ito sa kanya ngayon.
Hinawakan nito ang kamay nya at inalalayan sya nito sa table nilang nasa gitna at napapaikutan ng pinaghalong white and pink petals with candle light pa sa baba. The atmosphere is so surreal, para syang si Cinderella sa isang fairy tale na kasamang kumakain ang kanyang Prince Charming. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang itsura nito ngayon, naka tuxedo ito ng puti at napaka bango ng perfume nito na parang nanunuot ng sa buo nyang sistema.

YOU ARE READING
You Complete Me
RomanceHow would you feel if you are in between? Yung hindi mo alam kung ano ba talaga ang gusto mo? Nalilito sa mismong pagkatao? Yung pakiramdam na hindi ka kumpleto dahil sa nararamdamang pagkalito sa sarili? At ang masakit pa... Yung kaisa isang taong...