Thank you Cindy, for letting me be your boyfriend.
Ang mga salitang gustong sabihin ni David habang magkatabing nakaupo sa eroplano kasama si Cindy, babalik na kasi sila sa Manila dahil sa call of duty sa Foundation, umaga pa lang ay nakangiti sya kahit walang dahilan na dati naman ay hindi nya nakaugaliang gawin, ang pag ngiti para sa kanya ay isang bagay na gagawin lang nya kapag mayroon na talagang dahilan para ngumiti, but this time? Nah, he really want to smile all along, specially with this woman beside him, sleeping like Aurora. Ang mahinang pag hilik ay hindi nya alintana, sa halip ay parang musika pa nga iyon sa kanya, bagay na pinagtataka na rin nya nowadays kung bakit pati ang paghihilik ni Cindy ay gustong gusto nyang pinakikinggan. Nung unang gabi nila sa resthouse nya ay alam na alam nyang hindi ito nakatulog kaagad, marahil ay sa naiilang pa ito, hindi tuloy nya nagawa ang balak nyang pag masdan lang ito buong magdamag at idrawing sa canvass. Ang mga kilos nito noong gabing iyon, ang paglikot sa kama dahil sa hindi alam kung papanong pwesto ang gagawin ay gusto na nyang yakapin ito ng maghigpit para lang matigil sa kakagalaw. Napapangiti sya dahil don, hindi nya akalaing ganon ang magiging epekto nya kay Cindy.
Marami pang mga bagay syang gustong gawin kasama ito, magtravel sa ibat ibang parte ng mundo, mag sail, at kung ano-ano pa, seryoso sya sa dalaga, gusto nya itong ipakilala sa mommy nya na alam nyang magugustuhan ang dalaga at ang mommy nya na tanging nakakaintindi sa kanya. Ang problema sa pagitan nya at ng kanyang ama ay lumalala ng hindi nya alam kung bakit. Kung dati ay tinatawagan pa sya nito para lang alamin kung ano na ba ang nagagawa nya sa pag alis nya ng bahay ay hindi na ngayon nangyayari. Marahil sa kuya nya, alam nyang kahit hindi nito ipaalam sa ay ayaw nito sa kanya, at ang masama pa, pumasok sya sa isang negosyong magkasalo pa silang dalawa ng kuya nya, mabuti na lang at kaibigan nya mismo ang may ari ng Foundation, sana lang matupad nito na mag expand at gawing Institusyon. Balak kasi ng may ari na gawin rin itong private school para magkapondo ang Foundation para sa mga kapus palad na kabataan. Lihim pa lang nila yun ni Ms. April. Maski kay Cindy ay hindi pa rin nya ito sinasabi. Kapag natupad ang lahat ng iyon, alam nyang magiging successful na sya sa mga bagay na gusto nyang gawin. Habang pinag iisip nya ang mga iyon ay gumalaw si Cindy mula sa pagkakaupo habang tulog. Nalaglag na ang kamay nitong nasa lap lang nito kanina, siguro sa sobrang himbing, kaya napagpasyahan nyang kunin ang kaliwang kamay nito at hawakan na lang. Nang ginawa nya iyon ay nagising naman ito at gulat na tumingin sa kanya, "Sleep" sabi nya dito at hinawakan nya ito sa pisngi at inilagay ang ulo nito sa balikat nya habang ang kanang kamay nya ay hawak hawak ang kaliwang kamay nito. Nakita nyang namula na naman ang mukha ni Cindy na ikinatuwa naman nya.
Isang malaking pasabog ang pag announce ni Ms. April, magkakaroon na ng Dream Bridge Academy, na ikinatuwa naman nila David at Cindy, dahil sa mga maawaing netizens na willing maging sponsor dahil sa adhikain ng Dream Bridge sa mga kapus palad na bata, madami ang nag invest at magbibigay ng walang kapalit para suportahan ang Academy. Syempre, ang mga bata sa Foundation ang paniguradong makakapag aral dito. Mayroon ding special education ang nasabing Academia. And willing din silang magbigay ng scholarships para sa mga batang may pamilya pero walang kakayahang makapag tustos ng pag aaral. Meron ding Building for exclusive students, ang mga magiging students doon ay ang mga mayayaman, syempre kailangang mayroon ding pagkukunan ng fund for the facilities.
"Im so excited for the Academy!" sobrang saya ni David habang kasama sa paglalakad si Cindy sa corridor ng Foundation Building, "ako din actually, hmm sabi nga pala ni Ma'am Dewi, if I would like to be part of the faculty, need kong mag take ng untis for teaching and enrolled for Guidance and Counselling course para sa magiging Guidance Department, ang kaso naman natatakot ako sa magiging gastusin" pabuntong hininga na sabi, nahalata naman ni David ang hesitations nya kaya hinila sya nito sa may upuan at lumuhod sa harap nya. "I will help you, sabihin mo lang sa akin, tutulungan kita sa mga expenses Sweetheart" sabi nito at hinalikan ang kamay nya. As usual, namula na naman ang face nya at ang naiilang mode nya ay naka-on na naman. "A-anong tutulungan? wag mong sabihing-" hindi na sya pinatapos ni David sa pagsasalita, "I wont take NO for an answer Cindy, sagot kita, remember what did I say at the hospital back then? Youre my business, my responsibility and youre mine" dahil sa naala ay kinilig na naman sya ng palihim. Yun na siguro ang favorite moment nya sa buong buhay nya, dahil doon nagsimula kung ano man sila ngayon. Ngunit ano na nga ba sila ngayon? Wala pa ring linaw ang sitwasyon nilang dalawa, tanging ang sinabi lang nito na boyfrend nya ito ang pinanghahawakan nya ngayon. Kahit pa parating sinasabi sa kanya ni David na girlfriend sya nito, still confused pa rin sya, parang may alinlangan pa kase sa kanya ang nangyayari sa pagitan nila, gustong gusto na nya itong kausapin ng mga sandaling iyon at linawin ang mga bagay-bagay sa kanila pero ayaw naman nyang sirain ang moment nito dahil sa excitement para sa academy. "Gusto mo sabay tayong mag enroll for Methods of teaching? I need those credibility dahil magtuturo ako ng fine arts. And .." hinawakan sya nito ang kamay nya at hinalikan sabay hinaplos din ng kaliwang kamay nito ang pasngi nya "I have my shares sa Dream Bridge, isa na ako sa Board of Regents. Matutupad ko na ang pangarap kong magkaroon ng sariling business and at the same time, makakatulong pako sa deserving students". Nakangiti g sabi nito sa kanya. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nya ang sitwasyon nito sa pamilya, na dahil sa gusto nitong mag pursue sa Fine Arts ay itinakwil ito ng ama, hindi kasi nito hilig ang pinagagawa ng ama nito at alam nyang mahal na mahal ni David ang sining. "Gusto mo, bukas na agad tayo mag enroll, kaya agahan mong gumising, alam kong 2nd shift ka pa sa Foundation kaya you can't say no" iiling iling na sabi nito sa kanya, hesistant sya sa gusto nitong gawin, syempre nahihiya naman sya na ito pa ang gagastos sa pag-enroll nya, ,agsasalita na sana sya para tumanggi pero hinila na sya ni David palapit at hinalikan ng banayad, that kind of kiss never fail to melt her heart, ilang beses na syang hinahalikan nito sa ganung paraan kapag ang usapan nila ay tungkol sa kani-kanilang buhay, ibang iba sa mga halik nito na mapusok at mapag hanap. Ang paghalik sa kanya ni David ay masasabi nyang malambing, para syang sinusuyo and at the same time, nakakaramdam sya ng security sa tuwing gagawin nito iyon. "Tatanggi ka pa?" tanong nito sa kanya pagkaputol nito sa halik, sya naman nakatulala pa rin, sobrang nadala sya sa halik na ginawa nito, "Sweetheart?" dun lang sya nabalik sa ulirat, shocks, nakakahiya dahil nawala sya sa sarili dahil sa ginawa nito. "Sige pero kapag nagkabudget nako ng bongga, babayaran ko yung pag enroll" sabi naman nya nang makabawi sya. Pero parang hindi naman nagustuhan ni David ang sinabi nya, "Parang nakakalalaki naman kung babayaran mo pa ako, ayoko, ako ang may gusto na mag enroll na agad, hindi ko tatanggapin kapag binayaran mo" galit sa sabi nito at tinalikuran sya. So, na offend nya si David dahil don? Naiwan tuloy sya na nakatulala at laglag panga dahil nagalit ito sa kanya.

YOU ARE READING
You Complete Me
RomanceHow would you feel if you are in between? Yung hindi mo alam kung ano ba talaga ang gusto mo? Nalilito sa mismong pagkatao? Yung pakiramdam na hindi ka kumpleto dahil sa nararamdamang pagkalito sa sarili? At ang masakit pa... Yung kaisa isang taong...