Halos isang linggo na ang nakalipas simula ang nangyaring paghalik ni David kay Cindy, at simula nung araw na din na yun, hindi maintindihan ni Cindy ang mga ikinikilos at ang trato nito sa kanya.
"Cindy, okay na kana? let's go?" sabi nito sa kanya, tapos nginitian sya at inakbayan, naka tingin tuloy sa kanya ang iba pang mga social workers at lalo na ang mapag hinalang tingin at ngiti sa kanya ng kaibigang si Hazel, binigyan lang din nya ito ng nagtatakang tingin.
"Eh, san ba tayo pupunta Sir David? Wala naman pong meetings ngayon sa pagkaka alam ko, teka, check ko sa log book ko" kakalkalin na ni Cindy ang table nya nang mag salita si David.
"No, Ahm, we're-we're going to-to have a date" pautal –utal na sagot sa kanya naman ni David na ikinagulat nya.
WHAT? DATE? NAGTANONG BA SYA KUNG PAPAYAG AKO? HINDI NAMAN AH? Nakatulala lang si Cindy sa kausap sa nagtatanong na mga tingin kay David.
"Ano? Tara na, gutom na kasi ako!" sabay hinila sya nito agad at pinasakay sa kotse.
Habang patakbo ang sasakyan, walang umiimik sa kanilang dalawa, awkwardness ang nararamdaman ni Cindy ngayon.
"Teka nga pala sir David, bakit mo naisipang mag date tayo? As in date? Eh hindi naman po tayo nag liligawan? Hindi din naman po kita boyfriend, at hindi ka nga rin po nagtanong kung papayag ba ako, at kung gusto ko? Baka naman lunch meeting ang ibi---" napahinto si Cindy sa pag sasalita nang pumreno si David nang biglaan at muntik na syang sumubsob sa harapan ng kotse, "ano ba? Dahan dahan naman!" sigaw nya dito.
"Ang daldal mo kasi, at anong sinasabi mong lunch meeting? Ano ba sabi ko kanina sayo? Diba date? So it's a date between us at anong nagliligawan? Bakit pa ba tayo magliligawan? Nag kiss na nga tayo ah, hindi lang basta kiss yun, torrid kiss pa diba? So anong pinag sasabi mong hindi mo ko boyfriend?" natulala si Cindy sa sinabi ng kausap, napanganga pa sya.
"A-ano?" yun lang ang nasabi nya.
"Bingi ka ba? Sa lakas ng boses ko hindi mo ko narinig? Sabi ko nag kiss na tayo! That means, tayo na! Ano ka ba?" sabi nito sa kanya.
"Ano? Hinalikan mo lang ako tayo na? I-I don't get want you mean!"
"Halika na nga sa loob kumain na nga lang tayo"
"Ayoko!"
"huh?"
"Ayoko nga! Hindi naman ako pumayag makipag date sayo ah!" sa sinabi nyang iyon, sinamaan na sya ng tingin ni David.
"Ang bagal mong kumain!"
"Sandali lang naman diba! Ang bilis mo kasing kumain eh" naiinis na si Cindy kay David, napaka demanding kasi ng ka date nya, napilitan din syang pumasok ng resto dahil hinila na sya nito sa loob.
"Tsk! Faster, madame pa tayong pupuntahan"
"Ha? Anong madame?" nag roll eyes naman si David.
"You know, hindi ko maintindihan kung slow ka, manhid o pa-demure ka lang, syempre date to, this is our first official date kaya marami talaga tayong pupuntahan, alangan namang kumain lang tayo tapos uuwi na? Don't worry kung ang trabaho ang iniintindi mo, just leave it to me okay? Ako nang bahala sa lahat" sabi nito sa kanya.
"Official date?" maang na sabi ni Cindy sa kausap, "teka teka, nagtanong ka ba kung payag ako? Eh basta mo na lang ako hinila dito sa resto na to eh." Nag roll eyes den sya sa kausap.
"Andito ka diba, hindi ka naman talagang pumalag, that means payag ka nga, and besides lage naman na natin tong gagawin, hindi lang ngayon, sa mga darating na araw den" inis na tono ang boses ni David nang sabihin nito.
"Wow! Grabe lang ha, nagkaroon ako ng instant boyfriend na hindi naman nanligaw saken, ako na nga lang ang hinalikan ng biglaan tapos sapilitan pa kung makipag date? Grabe ! ang romantic, sobraaaa!" nanggigigil na sabi ni Cindy habang nakatingala pa.
Ang bilis ng mga pangyayari sa kanilang dalawa ni David, basta na lang naging sila.
"Sorry, hindi ko kasi alam kung, kung... " hindi maituloy ni David ang sasabihin nya.
"Kung?"
"Basta! Halika na nga! Tapos ka na bang kumain? Faster! Tsk!" napilitan nang tumayo si Cindy kasi nagmamadali si David, hindi tuloy nya alam kung anong mararamdaman nya sa mga nangyayari, matutuwa ba sya o hindi, biglaan kasi lahat, parang hindi nya lubos maisip na magkakaganon sila ni David dahil alam nyang may ibang mahal ito, at nalilito pa rin sya sa sinabi nito dati nung hinalikan sya."I just want to proved to myself na kaya ko, kaya kong ma-attract sa ibang babae"
Hindi nya kasi makuha kung bakit nito sinabi ang mga bagay na iyon sa kanya, hindi ba dapat ay natural lang iyon? ang ma-attract ang isang lalaki sa babae? Oh baka naman ang ibig sabihin nito ay kung gusto nitong patunayan sa sarili nito na kaya nitong ma-attract sa klase ng babaeng tulad nya. Aba naman eh si Mandy ay isang parang anghel na bumaba sa langit o pwede ring ihalintulad ito sa isang dyosa dahil sa kaseksihan at kagandahang taglay nito, kumpara naman sa kanya na simpleng simple lang ang itsura, yung itipong sa tingin nya ay hindi sya kalingon-lingon ng mga kalalakihan, height lang ang masasabi nyang lamang nya kay Mandy. May mga nagsasabi din naman na maganda sya at beauty queen matter pero hindi sya naniniwala dun, bagkus ay plastic ang tingin nya sa mga taong nagsasabi nito sa kanya, pwera na lang kung kaibigan nya o nanay nya ang nagsasabi sa kanya nun dahil alam nyang pakunswelo lang ng mga yun sa kanya.
Dinala sya ni David sa isang rest house sa Batangas.
"Kaninong rest house to Sir David?" tanong ni Cindy
"I own this Cindy, napaalam ko na to kila Ms. April at Ms. Dewi, na were on leave for three days to stay here, I wanted to be relaxed, dito lang kasi ako nagpupunta kapag gusto kong magpahinga, ang aliwalas kasi dito" sabi nito sa kanya na nakangiti pa, OH THAT SMILE ! BUT???"Eh teka, gusto mong magpahinga ng kasama ako?" sabay turo sa sarili, "teka three days tayo? Eh anong gagawin ko dito ng ganung katagal Sir David? Tska bakit kasama pa po talaga ako? Kaya mo—" hindi na sya nakasalita kasi bigla syang hinablot ni David bewang nya at hinalikan sya, nanlaki naman ang mga mata nya habang magka hinang ang mga labi nla, she just trying to push him but he did not give a damn to let her go, instead, he deepened the kiss and hold her tightly.
"Shut up Cindy, kahit ngayon lang, huwag ka na munang magtanong why I brought you here with me, dahil ako mismo, nalilito sa mga actions ko" pagkatapos magsalita niyakap na sya nito, walang nagsasalita sa kanilang dalawa habang mahigpit syang yakap ni David, Cindy is still in shocked sa lahat ng mga nangyayari, her heart is beating faster, the same experience when David saw her at the kitchen nung madaling araw at nag hyperventilate sya.
The silence broke when David spoke up.
"Let's just stay this way sweetheart, and don't you ever call me Sir, babe, please call me by my first name, David" he whispered to her, he felt his breathe through her ears and its killing her, para kasi syang nananaginip.
Yes, she admit it. She's attracted to him but she never thought about that they would end up like this, because of Mandy, she knew that he love her.
YOU ARE READING
You Complete Me
RomanceHow would you feel if you are in between? Yung hindi mo alam kung ano ba talaga ang gusto mo? Nalilito sa mismong pagkatao? Yung pakiramdam na hindi ka kumpleto dahil sa nararamdamang pagkalito sa sarili? At ang masakit pa... Yung kaisa isang taong...