Isang ordinaryong gabi, kakatapos lamang ng trabaho ni Lilia at kasalukuyang nag-aabang ng jeep upang makauwi na. Working-student ang dalaga, mahirap pero kinakaya niya.
"Miss, sabay ka na sa'kin. Ako na maghahatid sa'yo, delikado na sa daan sa mga oras na ito." napalingon naman siya sa lalaking nagsalita. Isang lalaking sakay ng Montero na napansin niyang kaparehas pa ng uniporme niya sa eskwelahan. Mayaman ang lalaki, mukha nga lang hindi katiwa-tiwala.
"Oo nga, Miss. Maganda ka pa naman, madaming masasamang tao dito." Sabay baba naman ng isa pang lalaking kasama niya.
"Kaming bahala sa'yo. Ihahatid ka namin, kahit sa langit pa." Nakangising tugon pa ng ikatlong lalaking kasama nila.
Ilang beses tumanggi si Lilia sa alok ng tatlong binata. Kinakabahan na siya sa kung anong pwedeng mangyari. Madalang ang pagdaan ng mga tao sa lugar na ito sa ganitong oras, at kung ano pa man ay wala siyang mahihingan ng tulong.
Hanggang sa may dumaang pampasaherong jeep at doon ay kaagad naman siyang sumakay.
"Hay salamat manong, akala ko kung ano ng mangyayari sa'kin."
Nakahinga naman siya ng maluwag at saka niya napansin na siya lang pala ang nag-iisang pasahero nung oras na iyon. Biglang lumihis ng ibang daan ang drayber, daang hindi patungo sa kanyang pupuntahan. Ang kaba na kanina niyang naramdaman ay bumalik na naman. Akala niya makakaligtas na siya sa tatlong lalaking iyon, ngayon naman ay si Manong pala. Pilit niyang inaninag ang mukha ng drayber at nagsisimula na mag-isip ng paraang upang makababa.
"Manong hindi po ata ito ang daan patungo sa bahay."
Makalipas ang limang minuto ay ibinalik nang mama ang jeep sa totoong daan papunta sa kanyang bahay. Muli na naman siyang nakahinga ng maluwag.Nang nakarating sila sa tapat ng bahay ni Lilia, sinabi sa kanya ng drayber,
"Neng, pagpasok mo hubarin mo kaagad iyang damit mo at kung pwede sunugin mo. Iniba ko yung rota kasi pagtingin ko sa salamin kanina,
wala kang ulo."
BINABASA MO ANG
Kababalaghan Ni Lilia (Soon to Publish)
Mystery / ThrillerIsang simpleng pangitain na binaliwala ni Lilia ang magiging dahilan ng pagkakapahamak ng mga mahal niya sa buhay. Patuloy niya lamang ba paniniwalain ang sarili na aksidente lamang ang nangyayari o magigimbal sa kababalaghang bumabalot na sumusuod...