"Si Benson. Katabi mo si Benson." Nagsisigaw na sambit ni Lilia
Mabilis naman tumakbo ang dalaga sa kasama nitong lalaki saka pilit na binubuksan ang pinto ng bahay upang makalabas at muling puntahan si Benson. Ngunit hindi ito mabuksan kahit anong pwersa pa ang gamitin niya. Tinulungan naman siya ni Ryan at bigo pa din silang mabuksan ang pinto.
"May exit door ba kayo?" tanong naman ni Ryan
Kaagad naman nagtungo sina Lilia sa may bandang kusina para sa kabilang pinto, ngunit nanginginig siyang napaatras ng may makitang isang lalaking walang ulo at duguan ang buong katawan. Naka-dilaw na damit iyon at tila ba katulad ng damit niyang nawawala.
Halos mapasigaw naman siya ng maramdaman niya ang may humawak sa may likuran niya at paglingon niya ay si Ryan lamang pala iyon.
"Bakit? May nangyari ba?" tanong ng kasamang lalaki
Hindi siya makapagsalita habang tinuturo ang lalaking pugot na nakahawak sa may pinto ng bahay. Napatanga na lamang si Ryan sa inaasta ng dalaga kaya binaliwala niya iyon at nagdere-deretso sa pinto upang buksan iyon.
Bigla namang nawala ang kaluluwang nandoon kanina na siya lamang pala ang nakakakita. Lumapit na rin siya kay Ryan saka tinulungan ang pagbubukas, pero tulad ng sa kabilang pinto ay hindi nila ito mabuksan.
Wala na silang ibang alam na paraan upang makalabas. Ang mga bintana kasi ng lumang-bahay nilang iyon ay naka-grills na sa kadahilanang minsang nagtatangkang lumabas ang bunsong kapatid doon.
"Ano bang nangyayari? Pinaglalaruan ba tayo ng mga kaluluwa?" tila natatakot na tono ng binata, habang patuloy pa din sa pagbubukas ng pinto.
Naisip naman niyang kunin ang kaniyang cellphone na naiwan sa kwarto upang tawagan ang kung sino mang makakatulong sa kanila. Ngunit sa paglapit niya dito ay muli na namang nagpakita sa kaniya ang isang lalaking walang ulo na papasok naman ngayon sa kaniyang kwarto. Pinagpapawisan na siya ng malamig at kinakapos ng hininga habang lakas-loob niyang tinutungo ang silid.
Madali naman niyang dinampot sa may ibabaw ng kama niya ang cellphone saka binalak tumakbo, ngunit may isang kamay ang pumigil sa kaniyang pagtayo. Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo at nakita niya ang namumula nitong mata. Babae ito na may tila naagnas ng mukha.
Sa kaniyang pagsigaw ng malakas ay nawalan siya ng malay.
Umaga na ng magkamalay si Lilia at mapansin niyang nakahiga na siya sa kaniyang kama. Nilingon-lingon naman niya ang paligid saka napahawak sa kaniyang ulo na pakiramdam niya ay pinukpok ito sa sakit. Ilang minuto pa ay nagdesisyon siyang bumangon at doon napansin niya ang isang gwapong binatang natutulog sa sofa. Siguro ay binantayan siya nito magdamag at napagod din sa kung anong kababalaghang nasaksihan.
Nagtungo naman siya ng banyo at naghilamos doon, at sa kaniyang pagbukas ng pinto ay nakita niyang nakatayo na sa may labas ng banyo ang binatang kanina lamang ay napansin niyang nakahiga sa sofa.
Napahawak naman siya sa kaniyang dibdib sa pagkagulat.
"Naiihi na kasi ako." , saad ng binata
Ng ilang minuto pa ay bumalik na ang kaniyang paghinga sa normal. Nagderetso siyang muli sa kaniyang kwarto upang tingnan ang kaniyang telepono at doon napansin niyang tumatawag pala ang kaniyang Ina. Dahil dito, matapos nilang mag-almusal ay sinamahan naman siya ng binatang pulis patungong hospital.
Hindi niya nakita pa si Benson ng muli nila itong daanan sa bahay nila kanina. Naalala na lamang ni Lilia ang sinabi nitong madalas siyang dumadalaw sa pamilya niya sa ibang lugar.
Nang marating nila ang hospital ay nag-paalam naman si Ryan na uuwi na muna at kailangan pa niyang pumasok sa trabaho. Nangako naman itong tutulong siya sa paghahanap sa kaibigang sina Misti at ang nanganganib na si Benson.
Dumiretso na siya sa ward ng kaniyang bunsong kapatid na kasalukuyang kinakausap ng Ina. Nagkamalay na ito at ilang araw na lamang ayon sa doctor ay maari ng makalabas si Marlo.
"Anak, hindi ka ba pupunta sa kwarto ng kaibigan mong si Janeth?" napatigil naman si Lilia sa ginagawang pagbalat ng prutas dahil sa tanong ng Ina.
"Balita ko, ngayon ang discharge ni Janeth sa hospital." Dagdag pa nito.
Dahil sa narinig niyang balita, nagpaalam naman siya sa kaniyang Ina saka kaagad na pinuntahan si Janeth na naabutan naman niyang nag-aayos ng gamit. Nilapitan niya ito at dahan-dahang niyakap.
"Okay ka na ba talaga?" tanong niya
"Getting better. Pero iyong cellphone ko, iphone 'yon!" Nagsimula na naman itong maluha.
Ilang linggong pinag-ipunan ni Janet hang telepono upang mabili lamang ito. Ngunit, ninakaw lamang ng isang masamang-loob.
"Makakabili ka din noon ulit, ang mahalaga ligtas ka." Pagpapakalma naman niya sa kaibigan.
"Si Misti nga pala, tumawag sa'kin. Patay na daw si Chino."
Nanlaki naman ang mga mata ni Lilia ng marinig iyon mula kay Janeth.
"Ang kwento ni Misti, sinundan niya si Chino kung saan nga ba ito nagpupunta ng hindi niya alam. Nakita niyang may ibang babae ito, susugod na sana siya ng makita niyang dumating ang boyfriend naman nitong babae. Ayon nagsuntukan ang dalawa, hanggang sa tutukan ng baril si Chino at tuluyan na ngang barilin. Sa takot naman nitong si Misti na makita siya ng lalaking pumatay sa boyfriend, hindi siya nakalapit upang sumaklolo kay Chino."
"Totoo ba iyan?"
"Friend, tingin mo ba ganoon lang kadali para sa'kin ang gumawa ng kwento. I pity Chino dahil sa nangyari sa kaniya, pero on the second thought he deserves it. How dare he cheats on Misti?" galit na tono ni Janeth
Si Chino ang namatay? Siya nga ba iyong nakita niyang kaluluwa sa salamin at hindi si Benson?
BINABASA MO ANG
Kababalaghan Ni Lilia (Soon to Publish)
Mystery / ThrillerIsang simpleng pangitain na binaliwala ni Lilia ang magiging dahilan ng pagkakapahamak ng mga mahal niya sa buhay. Patuloy niya lamang ba paniniwalain ang sarili na aksidente lamang ang nangyayari o magigimbal sa kababalaghang bumabalot na sumusuod...