Nakatabon na ng kumot si Greta sa kaniyang mukha, dahil sa pangungulit ng kaibigan. Pasado alas-dyes na ng gabi kaya naman gusto na talaga niyang matulog.
"Kailangan natin puntahan si Misti.", pangngulit pa ni Lilia.
"Bukas na lang, bes. Matulog na tayo, please."
"May masamang mangyayari kay Misti. Siya na ang susunod kay Janeth."
Inalis naman ni Greta ang tabon sa kaniyang mukha at nakita si Lilia na alalang-alala doon. Kasabay nito ang muling pagpatay ng ilaw sa kabahayan.
"Kumalma ka nga. Holdaper ang may kagagawan noon kay Janeth, at si Misti hula ko sa mga oras na ito ay nagpapakasaya sa piling ng boyfriend niya. Inaantok na ako kaya matulog na tayo. Masyadong pasaway ang kuryente, patay-sindi kainis, ang init-init." Muli niyang ibinalik ang tabon sa mukha habang nagrereklamo.
Ngunit pilit na tinanggal ito ni Lilia. Halos mapatayo naman siya sa nakita niya ang biglang kakaibang-hitsura ng kaibigan ng tanggalin nito ang tabon sa kaniya.
"Anong..." nauutal na saad ni Greta.
"Ayos ka lang, bes?" papalapit na saad ni Lilia sa kaibigan.
"Huwag ka lalapit sa'kin." Nanginginig na tono ni Greta.
Hindi maipaliwanag ni Greta ang nangyayari kung bakit tila nag-ibang anyo ang kaibigan. Halos hindi niya makita ang mukha nito dahil na rin sa madilim ang paligid at natatakpan ang mukha ng ilang mahahaba at mapuputing buhok.
Patuloy lang siya sa pagsigaw ng makita niyang papalapit sa kaniya si Lilia at tila hahawakan siya nito sa magkabilang balikat. Napapapikit na siya sa takot habang yakap-yakap ang sarili.
"Hoy, bes. Ano bang nangyayari sa'yo?" Napamulat naman siya ng maramdaman ang mainit na kamay na dumampi sa kaniyang kanang balikat. Doon ay nakita niya ang maamo at magandang mukha ni Lilia. Ilang segundo niya pa itong tinitigan at saka nagdesisyong hawakan ang pisngi ng kaibigang kanina lamang ay parang hindi niya kilala kung sino.
"Ikaw na ba talaga si, Lilia?" tila nababaliw na tono ni Greta, dito siya nakumbinsi na tila may kakaiba ngang nangyayari na may kaugnayan sa kaibigan.
"Bakit? Ano bang sinasabi mo? Ako ito si Lilia."
Halos mapa-upo naman si Lilia sa kama at kaagad na hinanap ang cellphone upang magsilbing liwanag.
"Bes, nakita kita. Nagbago ang mukha mo." Maiyak-iyak na sambit ni Greta.
Doon ay mabilis naman siyang niyakap ng kaibigang si Lilia.
"Ano ba kasing nangyayari? Mababaliw ako dito." Nagsimula nang humagulgol si Greta dahil sa takot. Naramdaman niya ang pagtayo ng kaibigan mula sa pagkaka-upo sa kama. Pilit na kinakapa muli ni Lilia ang kandila at posporong inilapag niya sa tabi ng salamin.
"Bes, huwag mo ako iiwan dito." Sigaw ni Greta.
"Sisindihan ko lang iyong kandila."
Nang mahanap na ni Lilia ang kandila ay kaagad naman niyang sinidihan ito. Mabilis namang yumakap ng mahigpit si Greta sa kaibigan.
Matapang na inalis ni Lilia ang kumot na itinabon niya sa salamin. Doon nakita nina Greta at Lilia ang kanilang repleksiyon.
"Bes, ano bang ginagawa mo? Takpan mo na lang ulit iyan, mas lalo mo akong tinatakot. Doon na lang kaya tayo sa bahay matulog, hindi na siguro ako makakakita ng kung ano doon." Nagwawalang wika ni Greta.
"Huwag kang matatakot, sasabihin ko sa'yo na kanina may nakita akong katabi mong babae sa salamin, at sa tingin ko si Misti iyon." Lalo namang nagsisigaw si Greta sa takot at mas humigpit pa ang pagkakayakap sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Kababalaghan Ni Lilia (Soon to Publish)
Mystery / ThrillerIsang simpleng pangitain na binaliwala ni Lilia ang magiging dahilan ng pagkakapahamak ng mga mahal niya sa buhay. Patuloy niya lamang ba paniniwalain ang sarili na aksidente lamang ang nangyayari o magigimbal sa kababalaghang bumabalot na sumusuod...