Nagising si Lilia dahil sa paulit-ulit na pagtapik ng isang binata sa kanyang kaliwang balikat. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya tuluyang maalala na siya iyong binatang kausap niya sa sakayan kanina. Nakasabay niya rin pala ito.
"Miss, nandito na tayo. Kanina pa kita ginigising." Saad ng binata kay Lilia
Napalingon naman si Lilia sa paligid, at tanging siya na lamang pala ang naiwang pasahero doon. Kasalukuyang nakapila na ang jeep para sa sunod nitong pasada.
Napatingin naman siya sa kaniyang orasan at pasado alas-dos na pala ng hapon. Napahawak siya sa kaniyang ulo saka tuluyang bumaba ng jeep.
"Salamat sa paggising. Napasarap ata ang tulog ko." Sambit ng dalaga habang napapakamot sa ulo niya.
"Nahihiya nga akong gisingin ka dahil pakiramdam ko'y puyat na puyat ka, pero baka kasi mapuno iyong jeep at mamalayan mong pabalik ka na lang ulit."
Natawa naman ng bahagya si Lilia sa pag-aalala ng binata. Pasalamat na lamang siya at may mabait pa din talagang lalaki sa panahon ngayon tulad niya.
Maya-maya naman ay humintong tricycle sa harap niya saka inalok siyang sumakay. Isang sakay pa palooban ang kailangan upang marating niya ang lugar ng lumang-bahay nila.
"Anak ka ni Hilda, hindi ba? Uuwi ka ba sa inyo?", tanong naman ng drayber kay Lilia. Hilda ang pangalan ng kaniyang Ina at kilala ito dito sa lugar nila.
Hindi naman na nagdalawang-isip pa si Lilia at sumakay na siya ng tricycle. Niyaya niya pa ang binata na sumabay na din sa kaniya dahil sa nalaman niyang sa kalapit-bahay pala nila ito nakatira.
"Dahil ginising mo ako kanina, ililibre kita ng pamasahe as thank you ha." Animo'y nahiya naman ang binata at napangiti dahil sa sinabi ni Lilia.
Bumaba siya ng tricycle at ganoon din ang kasama niyang lalaki ng marating ang tapat ng bahay nila.
"Kamusta na si Marlo? Balita ko na-hospital siya." Tanong ni manong drayber habang sinusklian ang bayad ni Lilia.
"Nasa-ICU pa din po. Ay manong, dalawa na po ang ibawas mo diyan?"
"Dalawa?" pagtatakang-tanong ni Manong ngunit sinunod na lamang niya si Lilia. Special service nga naman din ang ginawa niya dahil hindi na ito dumaan pa sa pila.
Umalis na ang tricycle driver at naiwan doon si Lilia at ang binatang kasama niya.
"Dito ka pala nakatira?" Nilingon naman siya ng dalaga dahil sa tanong nito.
"Oo, pero minsan lang ako kung umuwi. Masyado kasi itong malayo sa school at sa trabaho ko.", paliwanag ni Lilia sa kasama.
"Kaya pala, hindi kita madalas makita dito."
"Ikaw? Matagal na ba kayong nakatira diyan?" sabay-turo niya sa kabilang bahay.
"Oo, pero ako na lang din ang naiwan na nakatira diyan. Dumadalaw na lang din ako sa kanila kapag may oras ako."
"Parehas pala tayo. Ah sige, mauna na ako. Kailangan ko pa kasing kumuha ng mga damit para sa kapatid ko. Salamat ulit." Winagay-way niya pa ang kamay niya saka sinimulang maglakad patungo sa gate ng bahay nila.
"Ay Lilia nga pala." Sabay lingon niya sa binata.
"Benson." Maikli nitong sagot habang nakangiti.
Tuluyan ng pumasok ang dalaga sa lumang-bahay saka dumiretso sa kwarto ni Marlo. Kasalukuyan siyang nag-iimpake ng mga dadalhin ng marinig niyang tumutunog ang kaniyang cellphone. Mabilis naman niyang kinuha ito saka sinagot.
"Bes, saan ka na?", narinig niyang boses ni Greta sa kabilang linya.
"Kararating ko lang dito sa lumang-bahay, nakatulog kasi ako sa byahe kaya medyo natagalan."
BINABASA MO ANG
Kababalaghan Ni Lilia (Soon to Publish)
Mystery / ThrillerIsang simpleng pangitain na binaliwala ni Lilia ang magiging dahilan ng pagkakapahamak ng mga mahal niya sa buhay. Patuloy niya lamang ba paniniwalain ang sarili na aksidente lamang ang nangyayari o magigimbal sa kababalaghang bumabalot na sumusuod...