Kabanata 2

315 16 5
                                    

Pagkababa ni Lilia ng jeep ay napatanga na lang siya sa sinabi ni Manong. Mabilis naman siyang pumasok sa bahay nila at masayang sinalubong ng kaniyang bunsong kapatid. Mag-aalas-onse na pero himala at gising pa ito at hinihintay siyang umuwi.

"Marlo, bakit hindi ka pa natutulog ha?", bati ko sa kaniya saka isinara ang pinto ng bahay.

"Pasalubong ko, ate." Malambing niya pang tono

"Mamaya bunso, magpapalit lamang ng damit si ate ha."

"Mamaya kana lang bihis ate ko. Bigay na ikaw pasalubong sa'kin."

Napangiti naman si Lilia sa inastang ka-cute-an ng kapatid. Pitong-taong gulang na ito at may sakit sa puso kaya naman pinapahalagahan niya ng husto. Dahil din dito kaya siya nagta-trabaho kahit na nag-aaral pa. Matagal ng patay ang kanilang amang si Mang Pablo dahil sa bangungot.

"Sige na nga." Kinuha naman niya ang chocolate na binili niya kanina at inabot ito sa kapatid.

Halos magtatalon naman ito sa tuwa ng makuha iyon.

"Oh sige, kung gusto mong kainin iyan ngayon ay magsipilyo ka pagtapos ha. Nasaan ba si mama?"

"Wala si Mama, ate?"

"Wala? Sinong naghatid sa'yo dito?"

Hindi naman na siya sinagot pa nito dahil sa busy na ang pagkain sa ibinigay niyang tsokolate.

Dumiretso naman na siya sa kwarto niya at doon ay naalala na naman niya ang sinabi ni Manong drayber kanina.

"Neng, pagpasok mo hubarin mo kaagad iyang damit mo at kung pwede sunugin mo. Iniba ko iyong rota kasi pagtingin ko sa salamin kanina, wala kang ulo."

Napaharap naman siya sa salamin at napahawak sa ulo niya. Totoo ba talaga ang kasabihang iyon? Bumilis naman ang tibok ng puso niya dahil sa kaba.

"Mamatay na ba ako?", saad niya sa sarili.

"Ate." Nagulat naman siya sa biglang pagyakap ng kapatid niya sa kaniya.

"Oh Marlo, hindi ka pa din inaantok?" ngunit isang ngiti lang ang iginanti ni Marlo.

"Tulog na ba si Mama?"

"Ate, I love you." Sabay halik pa nito sa kanang pisngi niya.

"Love ka din ni Ate." Hinalikan din niya ito sa noo sabay niyakap ng mahigpit.

"Ang ganda talaga ng ate ko." Sabay napatingin siya sa nasa harapan nilang salamin.

"Ubos na ang chocolate ni ate, huwag ka na mangbola."

"Suklayan kita, ate." Sabay kuha ni Marlo ng suklay at pinaupo siya sa harap ng salamin.

Hinayaan na lang niyang maglambing ang kapatid niya. Siguro nga ay hindi pa ito inaantok at nadagdagan pa ang enerhiya dahil sa kinain niyang tsokolate.

Napatingin naman siya sa salamin at biglang nakita niya ang kaniyang Ina na nakatingin sa kanila mula sa pinto ng kwarto.

"Oh ma, gising ka pa din pala." Tanging imahe lamang sa salamin niya nakikita ang Ina dahil sa ginagawang pagsuklay ng kapatid sa buhok niya.

"Ma, si Marlo ayaw pang magpahinga oh. Gabi na." sumbong pa niya. Pero hindi siya sinagot ng kaniyang Inang naka-sandal sa pinto.

"Ate, dito ako matutulog sa tabi mo ha."

"At bakit, ayaw mo ba sa kwarto niyo ni Mama?"

"Takot ako,eh."

"Paalam ka muna kay mama na dito ka matutulog." Patuloy pa din ang pagsuklay niya sa buhok ko.

"Wala naman si Mama dito,eh." Nagulat naman siya sa sinabing iyon ni Marlo at kaagad na nilingon ang pwesto ng Ina na nakikita niya sa salamin.

Wala ngang taong nakapwesto sa lugar na iyon. Wala ang kaniyang Ina doon na nakikita niya sa salamin. Ibinalik niya ang atensyon sa salamin at nawala na ang imahe ng kaniyang Ina na kanina lang ay nakasandal sa pinto ng kwarto niya.

Bigla na naman siyang kinabahan at niyakap ng mahigpit ang kaniyang kapatid. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang kanyang Ina. Ilang ulit niya itong sinubukang tawagan ngunit hindi sumasagot.

Anong klaseng gabi ba ito sa buhay niya? Bakit puno ng kababalaghan.

Sinubukan niya muling tawagan ang kaniyang ina na sa wakas ay sinagot na ito.

"Hello, ma."

"Lilia.." Nanginginig pang boses sa kabilang linya.

"Ma, nasaan ka ba? Kanina pa kita tinatawagan. Ayos ka lang ba?"

"Lilia, si Marlo..." mahinang boses ng kaniyang Ina

"Nandito si Marlo, Ma. Ikaw nasaan ka ba. Umuwi ka na, nakita ko ang kaluluwa mo sa salamin."

"Nandito ako sa hospital, nak. Sinugod ko ang kapatid mong si Marlo. Inatake siya kanina sa puso."

Napatingin naman siya bunsong kapatid na kanina lamang ay nasa tabi niya. Walang Marlo.

"Kasama ko si Marlo dito, Ma. Ano bang sinasabi mo?"

"Nasa ICU siya ngayon, nak."

Para namang nanlaki ang ulo niya dahil sa sinabing iyon ng kaniyang Ina. Mabilis siyang umalis ng bahay at hindi na nakapagpalit pa ng damit.

Kaluluwa lang nga ba ni Marlo ang kasama niya kanina?

Kababalaghan Ni Lilia (Soon to Publish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon